chapter 2

387 10 7
                                    

(Next day)

Pagka-pasok ko ,tinawag ko yung barkada ko lima kasi kame sa grupo eh 4 girls at 1??

Hahaha gets nio? Hindi joke lang gay ay este guy un!

uy alam niu ba may nakita akong naghatid kay Mara kahapon hehehe sweet na sana eh, kaso nag away ata sila” sabi ko hindi ako tsismosa no? haha

"uuyyy sino naghatid! sino!!! GWAPO BA???" sabi ni Cleo

“hoy!! WAGAS ANG TANONG!!! Gwapo agad?! Pero gwapo ba mare?” tanung ni Niko

“psssstttttt…. Nag aaral ako!!! Wag maingay!!” sabi ni Carla

“mga bakla wag niyung guluhin Topnotcher natin!! , Pero alam mo, feeling ko kilala ko nayan sinasabi mo.. si Justin Isaah ata yun eh…” sabi ni Honey

“o panu mo nalaman?” tanung ko

"eh kadete ko yun eh  hahahaha at alam niyo ba matagal tagal na yung nanliligaw kay Mara… kaso alam niyo naman ang gusto nun laging my CHOICE dapat!”  sagot ni Honey

“at alam niu ba, nagsasawa na ata si Justin ka liligaw dun eh, simula ba naman 2nd year pa tayo nung nag start siya eh…” sabi ni Carla

"nnggggeee!!!! Kala ba naming nag aaral ka???" sabad naming apat kay Carla

" ganun talaga eh hihihi" nahihiya nyang sagot

Tapus biglang dumating yung teacher namin kaya ayun natigil kame sa kwentuhan.  

tapos natapos ang araw na yun at yun lang ang nangyayari, wala namang masyadong bago, hanggang sa dumating na ang uwian

As usual ako nanaman mag isa uuwi may mga gagawin pa kasi ung mga bakla kong friendsters, at sa isang di inaasahan na pangyayari nakita ko si Justin naka upo mag isa sa waiting shed, malungkot ang mga mata.

 Actually nakikita ko sya matagal na kaso di lang talaga kami close eh. pero kilala ko at kaibigan ko yung kapatid niya, ka-batch ko kasi yun eh, 

Ayun naawa ako, nilapitan ko na din. Nginitian ko muna sya saka ako umupo sa waiting shed, di naman ako ganun kalapit sa kanya eh,

"hi, MAM" sabi niya, officer ako diba?? Kaya kahit mas matanda sya samin ng isang taon eh nag ma-mam sila samin.

"hi din " sabi ko, ang awkward kaya 

"pauwi ka na? sabay na tayo mam" sabi ulit niya

"si-sige" hala na stutter bigla ako!!!

"ay teka diba pa-doon ang way mo? Dun kasi kita nakita nung ihahatid mo ata si Mara?" tapos bigla syang naging malungkot lalo, HALA!! HANNAH!!!! ANG BIBIG!!!

"wala lang un mam" tapus nag smile siya smile na lang din ako hehehe please paki spell ang

A-W-K-W-A-R-D!

Hindi na ulit kami nakapag-usap ni Justin simula nung araw na yun,

nalaman ko din na tumigil na sya sa anliligaw kay Mara, kasi ba naman ang tagal na niyang nan ligaw wala parin palang resulta, kumusta naman diba?

“Sportsfest na sa school yehey!!!!!!” sigaw ng mga klasmeyt namin, ayun nag pilian sa mga laro napunta tuloy ako sa larong dama, tsk tsk…… sila Carla, Honey, at Cleo iba ibang board games din at si dakilang Niko ay sa tug of war hahahahaha syempre malaki siya eh! kayang kaya niya yun!.

Pumunta na ako sa room kung san gaganapin ang Dama na laro, ewan di naman ako magaling dito bakit ba ako napunta dito, at ang masaklap pa kelangan mu ng chess board!

Eh ang meron lang sa bahay ay yung G.G(games of the general) hallllaaaaaa!!!! Panu yan NO CHESSBOARD NO GAME policy sila! 

lumong lumo ako, iniisip kung anung gagawin………….

nang biglang...

*booggsshh!!*

"ARAY!!! Masakit un ah!!" sabi ko, pasensya badtrip eh kaw kaya mabunggo ng malakas

“Mam sorry po!! Di ko sinasdya” sabi ni Justin at ayun nanaman ang ngiting yan!! Tsaka yung mata ang singkit sarap tusukin para kasing ano… ano.... ah basta!!! Ewan!!!

"sige ok lang"  with matching ngiti yan… hala bipolar ba ako?? Hala check-up please!

“sige po una na ako” sabi niya tumungo na lang ako bilang pag sang ayon…. Nang bigla kong maalala,

“Justin!!! Uhmmm…… pwedeng favor?” nagulat ata siya hehehe pero umo-o din

pakapalan na ng mukha ba't ba 

“anu po yun mam?”

“may anu, may chess board ba kayo sainyo? Kelangan ko kasi eh..” tapus ayun…. Ayun….. tumawa siya…. tumawa ulit ang loko!!!

“meron po mam hehehe ”

“yehey pahiram ah!! ” pero hindi ko inaasahan na magbibigay siya ng number.... 

"eto mam number ko, text mo ako ha para di ko malimutan" sabi niya.... shocks... ang baet... 

para akong nasa telenovela na ang scene ay 

damsel in distress...

at siya...

ang knight in shining armor ko..

ang sweet niya.... ang bait pa..

hindi ko napigilan ang sarili ko na kiligin...

O.A na kung O.A, eh kasi.... ewan ko ba? parang ngayon ko lang to naramdaman...

 di ko mapigilan ang ngiti ko hanggang pag uwi ko....

(salamat po sa pag basa :)))

Happily Ever After??Where stories live. Discover now