Chapter 1:

7 1 0
                                    

"Scarlet anak..."


Hindi ako sumagot, hindi din ako tumingin sakanya. Siya ang dahilan kung bakit namatay si mommy. Wala syang kwenta.



"Ahh anak yung baon mo iniwan ko sa ibabaw ng lamesa."

"Ge." sumagot ako ng hindi siya tinitingnan. Nandidiri ako sakanya.



Araw araw sinusubukan niya akong kausapin pero kahit isang beses wala siyang nakuhang matinong sagot mula sa akin. Dahil sakanya kaya namatay si mommy. Nahuli siya ni mommy noon na may ibang babae siya kaya umalis si mommy noon at nagdrive magisa. Nagulat na lang kami ng may tumawag samen na galing ospital na sinabi na naaksidente daw si mommy. Simula noon di ko na siya kinakausap. Wala siyang kwenta. Mayaman kami oo pero walang kwenta ang lahat ng yun dahil wala si mommy dito.


Sumakay na ako sa kotse namin. May sarili akong driver na taga hatid saken. Malapit lang naman ang school ko pwedeng lakarin simula bahay hanggang school. Kaya nagpapahatid lang ako pero hindi ako nagpapasundo. Naglalakad na lang ako pauwi. Hindi naman kasi ako yung tulad ng ibang mayayaman na ubod ng arte. Kuntento na ako suotin ang simpleng t-shirt at jeans.

Hindi ko namalayaan na nandito na kami sa tapat ng school...


"Nandito na po tayo mam" sabi nung driver saakin.



"Ge pasok na ako" sabi ko naman sakanya. Hindi talaga ako marunong magpasalamat. Ewan ko ba hindi lang ako nasanay dahil lahat naman sila binabayaran ng ama ko so bakit kailangan ko magpasalamat.




Pumasok na ako sa school. Inenroll nya ako sa pinaka sikat na school sa buong Pilipinas ang Chan University. Pag pasok ko sa loob ng school hinanap ko agad ang classroom ko, dahil ayokong malate. Noong makita ko na ang classroom ko pumasok agad ako.

Pagpasok ko sa room umupo agad ako sa pinakadulo ng classroom. Nagulat ako ng may tumabi saken.



"Hi" sabi nya. Isa siyang babae na may kulot na buhok at may brown na mata. Maganda siya.



"Ako nga pala si Sabrina Chua. Ikaw anong pangalan mo?" todo ngiti siya saken. Hindi ko sya pinansin at yumuko sa lamesa. Hindi ako mahilig makipagusap sa kahit na sino.


Akala ko titigilan na nya ako pero nagulat ako nung niyugyog niya ako. Tinaas ko ang ulo ko at tiningnan siya ng masama.

"Pwede bang makipagkaibigan? Hindi ko kasi kaklase ang mga kaibigan ko kaya wala pa akong kaibigan dito sa klase" sabi nya.

"No" yun lang ang sinagot ko sakanya. Dahil ayoko ng kaibigan.

"Hala bakit? Ayaw mo saken?" sabi nya.

"Ayoko" simpleng sagot ko. Malapit na ako mairita sa kulit ng babaeng to.


"Pero..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla ng dumating ang prof namin.

Nanahimik na siya buong klase. Siguro ay sumuko na siya saken. Ayan ang dahilan kung bakit ayaw ko makipagkaibigan, dahil alam ko na dadating araw na iiwan din nila ako. Magsasawa din sila.


"Dahil 1st day ng klase ngayon at mga freshman kayo, isa isa kayong magpapakilala dito sa harap. Magsimula tayo sa likod" nagulat ako dahil ako ang tinuro ng prof namin at dahil wala akong choice pumunta ako sa harap at nagpakilala."


"Red Scarlet Cruz" yun lang ang sinabi ko at bumalik na ako sa upuan. Wala ng nagawa ang prof ko kaya hinayaan niya na lang ako.


Mabilis natapos ang klase dahil hindi ko naman pinakinggan ang mga nagsalita sa harap. Wala akong pakialam sakanila.







"Class dismiss" sabi ng prof ko. Agad akong tumayo para lumabas ng classroom ng may humatak saken. Pag lingon ko ay hawak hawak ako nung katabi ko kanina.


"Tara sumama ka saken" sabi nya at bigla na lang niya akong hinatak.


Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Dinala nya ako sa garden ng school. Nilapitan niya ang isang grupo at pinakilala ako







"Siya si Red Scarlet Cruz. Ang bago nating kaibigan"



Nagulat ako sa sinabi nya. Ito ang unang pagkakataon na may tumawag saken ng "kaibigan". Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa ginawa nya.



"Pumayag ba ako maging kaibigan mo?" Sabi ko. Wala naman akong naalala na pumayag ako sa inaalok nyang pagkakaibigan.


"Oo nga pero... ah basta magkaibigan na tayo! Welcome sa barkada namen!" sabi nya.





"Ito nga pala ang mga kaibigan ko. Ay! I mean naten pala hihihi! Anyway ito si Raven Justin Montemayor at ang kakambal nya si Justin Raven Montemayor. Yung katabi naman nila si Blade Kho at yung nasa tabi niya ay si Christine Gabriel Jao at yung nasa huli naman ay si Calvin Dale Chua pinsan ko....."

Till the EndWhere stories live. Discover now