Mga totoong kwento tungkol sa kababalaghan

9.4K 6 1
                                    

                                                                                 "Say cheese!"

Ito ay hango sa totoong kwento ni Marie, itinago natin sa kanyang tunay na pangalan. Siya ay nagtatrabaho sa isang club sa angeles city bilang isang waitress. Masayang-masaya ang kanyang grupo habang sila'y nagiinuman kasama ng ilang kostumer na banyaga. Habang naghi-hiayawan ang ilan sa kanilang kasama, sila Marie sa ay nagpi-picture taking gamit ang kanyang phone. Sa di inaasahang pagkakataon ay may kakaibang nilalang ang nasali sa picture katabi ng ilang dancers sa stage. Tiningnan nya ang stage at ang ilang dancers ngunit wala siyang nakitang kakaibang itsura. Ang babae ay galit na galit, nanlilisik ang mga matang nakatingin sa camera. Maputlang maputla na tila galing sa hukay ang babae. Kamukha ni sadako. Sa takot nya siya ay napasigaw at huli na para burahin ang litrato, naagaw yon ng isa sa mga kasamahan nya habang nagsasaya. Hanggang sa kumalat ang nasabing litrato sa buong club. 

Lahat kinilabutan sa kanilang nakita. Ang ilan ay hindi naniwala ngunit may ilang takot na takot. Pinakita ang nasabing litrato sa may-ari ng bar ngunit hindi ito naniwala, at tanging sinabi, "That's not true baby, I don't believe in ghost. It's edited." Pinakiusapan nila ang may-ari na pabendsiyunan ang nasabing establisyimento para matahimik ang kaluluwang nagpakita sa larawan, ngunit tumanggi ang may-ari. Ipinaliawanag naman ng kanilang manager kung bakit kailangan bendsiyunan ang gusali at sa huli ay napapayag naman nila ito.

Marami ang haka-haka tungkol sa babaeng nagpakita sa larawan, ang ilan sa sabi-sabi marahil ay may galit ang babae kay Marie dahil nagambala sya nito. At ang ilan ay sinasabing dati daw itong nagtatrabaho doon bilang dancer at pumanaw sa di malaman na sakit.

END

                                                                              "MAMA"

(Sorry Mama kung laman ka ng kwento ko ngayon. Pero at least totoong nangyari ito. Gusto ko lang ishare sa mga mahilig magbasa diyan. :) Kung san ka man ngaun alam ko masaya ka na..)

Unang gabi ng lamay ng mama ko November 16, 2010 ang lahat ay abalang abala sa harap ng bahay kung san naroon ang burol. Kwento ng lola ko habang ang lahat ay nasa harap ng bahay at ako'y natutulog dahil hindi mapigilan ang antok at pagod sa pagaasikaso ng death certificate ni mama sa san fernando at dahil din sa isang linggong pagbabantay kay mama sa ospital na halos hindi matulog. Bandang 10 ng gabi habang ako'y nahihimbing, meron tumatawag kay lola, hinanap nya ang boses na yon ngunit bigo siyang makita. Ang tanging kanyang narinig ay ang hagulgol na tila galing sa pamilyar na hikbi. Ang hikbi ni mama. Ang sabi ni lola sa kanya, "May, anong nangyari sa iyo? wag ka nang umiyak kung nasan ka man ngayon tanggapin mo ng maluwag sa dibdib mo. Hindi ko naman pababayaan ang mga anak mo. Sinabi ni lola kay mama habang nangingilid ang mga luha. Hindi pa rin tumigil sa hikbi si mama na tila hindi matanggap ang nangyari sa kanya.

Hindi pa handa si mama iwan kami. Lalo na't bata pa ang bunso kong kapatid at spoiled kay mama. Kaya alam kong hindi nya matanggap ang nangyari. Kinabukasan kinwento ni lola sakin ang nangyari at pagkatapos napaisip ako at biglang may namuong luha sa gilid ng mata ko dahil nung gabing un napanaginipan ko si mama magkausap kami at ang sabi nya nakaligtas sya sa sakit na cancer. Ng araw na iyon birthday ni mama nagluto sila ng konti para sa kanya, ang paborito nyang pancit. Siyempre ako busy pa rin ang lola kaya nasa san fernando na naman kami ni papa para sa bill naman. Pag uwi namin ni papa ng 7pm hindi na ako nakakain nagpahinga ako saglit at hindi namalayang nakatulog na. Nagising na lang ako ng 4am. Bumangon ako dahil may inaasahan akong bisita, ang mga katrabaho ko.  Hindi naman nagtagal dumating din sila, isa sa mga katrabaho ko ang hindi ko alam ay may 3rd eye pala. Kwento nya sakin may babaeng nakatayo sa likod ko. Hindi si mama ang babaeng iyon pero nakangiti daw ito sa kanila.

Mga totoong kwento tungkol sa kababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon