Phantom Kisses

134K 2K 321
                                    

Phantom Kisses

Alesana Marie

Prologue

"Matagal na ang kwento tungkol sa nagmumultong lalaki na pugot ang ulo. At sa tuwing sasapit ang buwan ng nobyembre nagpapakita ang kaluluwa nito upang hanapin ang nawawalang ulo. Ayon sa kwento nagsimula daw ito noong panahon pa ng mga kastila, isang mayamang binata daw ang umibig sa kastilang babae na anak ng isang gobernador heneral. Lihim silang nagtatagpo dahil hindi sangayon ang ama ng babae na magkaroon ito ng nobyo na may dugong alipin. Nang matuklasan ito ng gobernador heneral, agad na pinaghiwalay ang dalawa. Pero dahil sa sobrang pagmamahalan ng dalawang magkasintahan nagplano sila na tumakas. Pero dahil sa may nakapagsabi ng plano ng dalawa sa ama ng babae, ikinulong nito ang anak sa silid at pinuntahan ang tagpuan ng dalawa. Dumating ang binata at imbes na ang nobya ang makita ay ang ama nito ang sumalubong sa kanya. At doon nangyari ang pagpugot sa ulo ng binata."

"Grabe nakakatakot naman 'yan," niyakap ni Summer ang sarili na para bang may umihip na malamig na hangin sa paligid ng dalaga. "Totoo ba talaga ang tungkol sa headless phantom?"

"Oo naman!" sagot ni Dana sa kanya. Tumayo ito upang i-on ang switch ng ilaw na pinatay nila upang mas maging exciting ang kwentuhan nila ng katatakutan.

It's almost midnight and it's November, friday the 13'th. Mayroon silang sleep over sa bahay ni Summer, kasama niya si Yasmien, Dana at Chesca. Isang tradisyon na ang pag-i-sleep over tuwing sasapit ang friday the 13'th. At talagang nag-e-enjoy sila tuwing nag-ku-kwentuhan sila ng tungkol sa mga nakakatakot na bagay. Madalas din silang manuod ng mga nakakatakot na pelikula, isa sa mga paborito nila ang tungkol kay Freddie Krugger--ang nakakatakot na murderer sa 'A Nightmare on Elm Street'.

"At alam n'yo ba, ayon din sa kwento tuwing nagpapakita ang lalaki na walang ulo. Ilang dalaga na kasing edad natin ang biglang nawawala sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang sabi nila, ang phantom daw ang kumukuha sa mga biktima at isinasama nito ang mga iyon sa you-know-where."

Hinampas ni Yasmien si Dana ng unan at pinandilatan naman niya ito.

"Hindi ba at malapit lang ang mansion ng phantom dito sa house n'yo Summer?" usisa ni Chesca sa kanya habang nag-a-apply ng cream sa mukha.

"O-oo, sa kabilang gilid ng kagubatan na matatanaw n'yo sa bintana ko. Pero hindi ko lang alam kung totoo na may nakatago mansion sa mga matataas na puno d'yan. Sino ba naman ang magpapatayo ng mansion sa gitna ng masukal na kagubatan?"

"Girls, alam n'yo ba na si Mang Ambo 'yung albularyo na nobyo ni Aling Cecilia sa tindahan na malapit sa university natin, ang sabi n'ya napadaan daw s'ya sa masukal na gubat na 'yan. And guess what kung ano ang nakita niya?" pabulong na saad ni Yasmien.

"Ano?" halos sabay sabay na wika ng tatlo.

"Ang phantom nakasilip sa bintana ng mansion."

Chapter I

"JACOB!" ang malakas na tawag ni Summer sa nawawala niyang tuta. Isinunod niya ang pangalan nito sa isang character sa Twilight na si Jacob Black, isang shapeshifter na nagiging wolf. Kanina pa niya ito hinahanap, mag dadalawang oras na simula nang hanapin niya ito nang mag isa. Dala ang flashlight ay buong tapang siyang pumasok sa loob ng madilim at masukal na kakahuyan. Ilang beses din siyang nadapa dahil sa hindi pantay na lupang tinatapakan niya. Siguradong napakadumi na ng suot niyang yellow cocktail dress.

Idinaraos ngayon ang ika-labingwalong kaarawan ng kanyang nakababatang kapatid na si Celine sa bahay nila. Dahil sa dami ng bisita na dumating ay hindi na niya namalayan pa nang biglang makawala mula sa pagkakatali ang kanyang alagang tuta na si Jacob.

Phantom KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon