EPILOGUE

93.4K 1.7K 54
                                    

EPILOGUE
**********
KIANNA SOFIA

Natapos namin ni Yaya Toyang ang paghahanda ng pagkain. Walang pasok si Thunder ngayon kaya inaya ko siyang kumain sa tabi ng lake. Pina-set up namin ang munting mesa roon para may maupuan at makainan. Ayaw kasing pumayag nimg asawa ko na sa picnic blanket nalang kami dahil mahihirapan ako, limang buwan na kasi akong buntis.

"Mommy! Mommy!" Napatingin ako kay Keziah habang patakbo itong lumalapit sa akin. "I caught a fish! A fish, Mommy!"

Pinakita nito sa akin ang bucket na lalagyanan niya ng isda. Nginitian ko siya bago guluhin ang kanyang buhok. "It's good to know that you're not scared anymore. Where your Daddy?"

"Inaayos po 'yung bangka."

Hindi naman ganoon kalakihan ang lawa kaya hindi ako kinakabahan na may mangyari sa kanila. At isa pa, picnic spot talaga ito kaya alam kong safe ang lugar.

Kinuha ko ang bimpo at polbo sa bag, umupo ako sa silya para mas maabot ko siya. "Lumapit ka nga sa akin at pupunasan ko ang pawis mo."

Sumunod ito sa akin. "Look Nanay Toyang, I caught a fish and I'm gonna name it Dory."

"Dapat Nemo nalang para mas cute." Saad ni Yaya Toyang.

"But my classmate named her dog 'Nemo'."

"Osige na nga, okay na pangalan na rin 'yung Dory."

"Yey!" Binaba niya ang bucket at humarap sa akin. Hinaplos niya ang umbok sa aking tiyan. "Hello, baby sister! Ate loves you."

"Daddy loves her, too." Napatingin kaming lahat kay Thunder nang magsalita ito.

"You're finally here, Daddy!" Keziah beamed.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Buti dumating ka na. Akala ko may kumuha na sayong engkanto."

"Kung magandang diwata iyon, baka sakaling sumama ako." Biro niya.

Tinakpan ko ang mata ni Keziah at binato ng polbos ang magaling niyang tatay bago pa man ito makalapit sa amin. Pasalamat siya naiwasan niya iyon.

Alam kong biro iyon pero masakit isipin na sasama ito sa kahit sinong magandang babae na aakit sa kanya.

Yumuko ako at tumulo ang luha sa aking mata. Tinanggal ni Keziah ang kamay ko sa kanyang mata at humarap sa akin.

"May masakit ba sa'yo, Mommy? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang sabi ni Keziah at pinunasan ang luha ko.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Thunder. Pinalo ko ang kamay niya nang tangkain nitong yakapin ako. Namutla ito. "Mommy naman. Binibiro lang kita."

"Ewan ko sa'yo."

"Lagot ka, Daddy, pinaiyak mo si Mommy. Sabi sa akin ni teacher, hindi daw dapat pinapaiyak ang girl."

Napansin kong hindi mapakali si Thunder. "I.. It was a joke, sweetie. Mommy, I'm sorry."

Nginitian ko si Keziah at hinaplos ang malagong buhok nito. "Kumain na tayo, anak. Gutom na kami ng kapatid mo."

"Okay! How about Daddy?"

Inirapan ko si Thunder. "May ibang magpapakain diyan. Yaya Toyang, pakilagay na po dito sa mesa ang BBQ."

Hinawakan ni Thunder ang bewang ko. Inilapit nito ang labi sa aking tenga. "Huwag ka ng magalit. Isa lang naman ang diwata na nakita ko dito. Iyon ay ikaw, mahal ko."

Sapat na ang mga salitang iyon para pakalmahin ako. Tinakpan ko ng pamaypay ang aming ulo at hinalikan ito ng mariin sa labi.

Kumain na kami ng sabay-sabay at masayang nagkukwentuhan. Pinunasan ko ang bibig ni Keziah dahil sa bahid ng barbeque sauce doon.

THUNDER SANDOVAL: The Sexiest Man Alive (UNDER DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon