Chapter 15

2.1K 78 27
                                    

Chapter 15

PAKIRAMDAM ni Marina ay mabilis lang ng panahon, araw ng sportfest nila at pagkatapos nu’n mag-end na ang semester sa taon na iyon. Maraming binabalak si Marina at isa na roon ay pag-apply ng internship program sa isang newspaper company, pandagdag experience bago pa man tuluyan siyang maka-graduate sa kurso niya.

Ang alam ni Rina ay may balak na mag-out of town ang pamilya para sa summer pero need din niyang maghabol ng mga requirements, abala ang mga tao sa field, may nangyayari ring laban ng soccer games laban sa katabi nilang paaralan na private college na St. Michael University. 

Nakasabit ang lace ng DSLR camera sa leeg ni Rina habang nakatitig pa rin screen ng laptop niya, ilang beses na niyang ni-refresh ang gmail account niya just to see kung may reply na ba sa naturang in-apply-an niyang newspaper company, sad to say hanggang ngayon makalipas ng dalawang linggo na paghihintay niya’y wala pa rin siyang natatangap.

Hindi napansin ni Rina na kakapasok lang ng kasamahan niyang si Karen. 

“Hey!” bati nito sa kanya.

Sa gulat ni Rina ay ayaw niyang ipaalam kahit kanino ay dahil baka ma-jinx ito kaya agad niyang sinara ang laptop at nagkunwaring wala lang. Humarap si Marina kay Karen.

“Kumusta sa labas?”

“So, ayon malapit nang matalo ang team natin sa soccer kaya umalis na ako iniwan ko na muna sila Alfie at Hendrix doon kasi sila naman ang mag-cover ng news about doon. Wala sigurong hindi magaling sa mga pamilya ng mga Sanchez, ano? Ngayon ko lang nalaman na varsity player ng St. Michael si Francis, however ang gwapo niya talaga, mana sa kapatid niyang si sir Filan,” kinikilig na kwento ni Karen habang may inaayos sa bag nito.

Doon lang naalala ni Marina na may isang anak pa pala ang mga Sanchez, si Francis na tinatawag na sunshine ball nga supporter ng mga Sanchez dahil sa pagiging pala-ngiti nito at pala-kaibigan kahit kanino. Ngayon na lang narinig ni Rina ang tungkol kay Francis, ngayon lang din niya nalaman na nag-soccer pala ito.

“Kailan pa?”

“I don’t know.”

“Hindi ba’t nag-aaral yon ng PolSci?” tanong muli ni Rina kay Karen.

Nagkipit-balikat si Karen. “Kanina ko rin nalaman na nag-business administration ang prinsipe, kaya nakapaglaro ng sports, baka siguro iyon talaga ang path niya kesa ang mag-politics katulad ng kuya niya.”

Napatango na lamang si Marina bilang pagsang-ayon sa kausap.

*

Sumama si Marina kay Karen para bumalik sa field para masilip kung ano nang nangyayari sa laro ng dalawang kupunan. Doon napagtanto nila na malapit nang matapos ang laro at mas lamang ang St. Michael dahil sa mid-field player na si Francis Sanchez.

Iniisip ni Rina kung kailangan niya huling nakita ang binata, nong kampanya pa ata ng ama nito at ngayon na lamang niya ito nakita. Napaisip tuloy si Rina na iba siguro ang pananaw ng binata kaya bihira lang makita sa publiko kesa kapatid nitong si Filan.

Masyado nang gitgitan ang laro nang makita niyang lumipad ang bola pagkasipa ni Francis, doon na-realize ni Rina na papalapit ito sa direksyon nila, unti-unti namilog ang mga mata ni Rina hanggang sa maramdaman niyang tumama ang bola sa mismong noo niya na agad niyang kinabagsak sa kinatatayuan niya. 

Pasalamat si Rina na malambot ang binagsakan niya, pero ayaw niya pang bumangon dahil sa kahihiyan, agad na tumakbo papalapit sa kanya ang mga kasama niya.

Dahan-dahan namuli at nagkaroon ng kaunting pasa ang natamaang bola sa oon i Rina, nakaramdam din siya ng kaunting pagkahilo, pero mas ingat pa siya sa hawak niyang camera kesa sa sarili niya. Nakita ni Rina na isa-isa dumungaw sila, Karen, Alfie at Hendrix sa kanya na nag-aalala.

“Okay ka lang?” tanong ni Alfie na pinipigilang huwag matawa.

“Medic!” sigaw naman ni Karen.

“Miss---!” bigla na lang lumapit si Francis kung saan siya nakahiga, nag-aalalang nakatingin kay Marina. Napatingin sila Karen, Alfie at si Hendrix sa biglang paglapit ni Francis sa dalaga.

Nabigla si Francis nang makilala siya kaya rumihestro sa mukha nito ang lalong pag-aalala para sa dalaga. Magsasalita pa sana si Francis nang makarating ang medic para paalisin muna sila sandali, pinahiga si 

Marina sa emergency rescue bed na kulay blue, ipinikit na lamang niya ang mga mata lalo na’t lahat ng camera ng mga estudyante roon at mga mata sa kanya. Hindi na magtataka pa si Rina kung kinabukasan kalat na sa buong campus ang nangyari sa kanya.

‘Nakakahiya ito!’ sigaw ni Rina sa kanyang isipan.

*

Ilang oras na ring naroon sa clinic si Rina at wala pa siyang balak na lumabas dahil baka mamaya’y pagtawanan siya ng mga makakakita sa kanya, ramdam niyang may bukol sa noo niya kaya pakiramdam niya lumaki ang noo na tinamaan ng bola kahit pa nagamot na ito kanina ng school nurse na nagbantay sa kanya.

Narinig ni Rina na may dumating at kausap ang nurse tungkol sa kanya, na isip lang niyang mga kaibigan niya ito. Pero paglingon ni Rina sa kurtinang nakaharang sa kama niya’y mabilis na bumilog ang mga mata niya nang makita si Francis.

“Hi,” nahihiyang ngiti ni Francis sa kanya.

Hindi nakaimik si Rina sa kinauupuan niya.

“I’m wanted to say sorry sa nangyari kanina, hindi ko sinasadya,” sabay nahiyang ngumiti ang binatang Sanchez.

Hindi pa rin naimik si Rina.

“Okay ka lang ba, you look shocked? May kailangan ba akong gawin para mapatawad mo ko, para naman makabawi ako sa ginawa ko, just don’t tell your mom or your dad. Kilala kita, diba ikaw yung pangalawang anak ng mga Hidalgo, and I know that you know me, am I right?”

Nakatitig pa rin si Marina kay Francis, this is the first encounter between them. Hindi alam ni Marina kung paanong approach ang gagawin niya sa binata.

“Hello, earth to Marina? May problema ba? Gusto mong tawagin ko ang nurse-” Francis is about to call the nurse nang pigilan siya ni Marina.

“Stop! Okay lang ako, no need, okay lang ako,” sabay tango-tango ni Rina.

Nakahinga ng maluwag si Francis at slightly giving sweet smile the lady. Dahan-dahan namula ang pisngi si Marina dahil naalala niya kung paano ngumiti si Filan sa kanya, ganu’n na ganu’n, she thinking power ng mga Sanchez ang magpakaba ng ganu’n sa simpleng ngiti.

“So, I think you’re okay now?”

“Yes, okay na ako medyo masakit lang ang ulo ko dahil sa bola.”

Nahiyang ngumiti si Francis. “I’m sorry again, may gusto ka ba para makabawi ako? For sorry offering, anything.”

Napapatanong si Rina sa kanyang sarili na bakit ba sunod-sunod ang encounter niya sa mga Sanchez samantalang iniiwasan niya ang miyembro ng pamilya nito.

“Okay lang, ayos na ako.”

“No, I insist,” napansin ni Francis na nag-vibrate ang phone niya sa suot na sweat pants. “I have to go, but I will find way para makabawi, I sure you that, bye,” saka nagmadaling umalis si Francis.

Nakahinga ng maluwag si Marina nang umalis na si Francis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dangerous LoveWhere stories live. Discover now