Six Shots: My Beloved Prince

1.5K 16 13
                                    

Hi ako nga pala si Chelsea Lia La, isang fourth year high school student sa Blue Valley High.

Bigla na lang nagbago buhay ko noong dumating si Prince Dylan Reid ng France.

Ang Knight In The Shining Armor ng munti kong buhay

Asus! Charot hahahh!! AND I SWEAR NA IF EVER DYLAN LIKED ME, I'LL BE HIS FOREVER.

Eto nanaman eh, panibagong araw na yung upuan ko e nasa likod lang ng upuan niya. Ang gandang pagmasdan ng gwapo't maputi't maamo niyang mukha. Prince na siya kung prince, andito pa nga mga body guards niya e. Kung nasaan si Dylan andun din sila, kulang nalang yata pati sa cr susundan siya.

Unfortunately si Dylan nagka gf. Aimee daw ang pangalan.Ang sakit men! Bakit ganun? Sagad to the bones.

Eto na sana eh, magtatapat na ako kaso naunahan ako nitong Aimee na to. Hayy naku, ang ganda niya ang puti at siya pa ang campus crush. Samantalang ako'y parang incognito sa room, wala akong makausap, walang mapag sabihan ng sikreto. Hayyst, buhay loner nga naman kase.

Okay, kakausapin ko na nga si Dylan at sasabihing 'I Love You'

" Uhm... D-Dylan..." nauutal-utal kong bati sa kanya.

Kinakabahan kasi ako na baka ipahiya niya ako.

" Bakit, Chelsea?" mahinahon niyang sabi.

I was like 'WOAH!! BUTI PA SIYA KILALA AKO E IBANG KAKLASE NGA NAMIN DI AKO KILALA.'

" Tapos mo na ba yung ipre-present natin, Dylan?"

Iniba ko nanaman yung sasabihin ko ughh. Ang 'hina' ko talaga, hindi ko man lang masabi sabi sa kanya.

" Oo,teka hindi ko alam na ka-group pala kita pero sige ilalagay ko na lang yung name mo dito." halos malaglag yung panga ko sa pagsasalita niya.

Gwapo,mabait,matalino,mayaman, oh san ka pa? Eh di kay Dylan na!

"Ahh-ok thanks." nginitian ko siya, then he smiled back at me.

SMILED BACK AT ME??!! WOW FIRST TIME!!

Tapos biglang dumating yung syota niya. Grabe naman, panira much?

" Hi baby, wanna come over my house later?" panlalandi este panghaharot *coughs* panglalambing ni Aimee sa boy friend niya sabay pulupot ng mga braso niya kay Dylan.

"Sorry but i can't come. I'm kinda' busy with our group project. Maybe next time, Baby." sabi naman ni Dylan ko sa kanya.

" Oh, Okay.."

Oh ano? Disappointed ka? Yan kasi eh, sinira mo moment namin kanina hahaha.

Inirapan niya ako sabay tumalikod siya tapos pumunta na siya sa seat niya.

"Hala ka Dylan yung syota mo oh! " pang-aasar ko kay Dylan sabay tawa ng malakas. Fc ako eh.

" Bayaan mo na yun." sabi naman ni Dylan sabay tawa rin ng malakas.

Tumalikod siya sakin. Tapos humarap ulit. Kakulit ay. Hahaha. Pero kinikilig ako pramis.

" Chels, mamaya pala may practice tayo sa roleplay. Kasama nanaman kita sa group diba?" tanong ni Dylan.

"Ayy! Oo nga noh! Ano nga ba ung sa atin?" tanong ko sa kanya.

" Snow White daw..." , tuloy pa niya " so dahil raw na literal akong Prince, ako na lang raw gaganap sa role na yun."

"S-sino ngarud si Snow White? Si Aimee?" tanong ko nanaman.

"Hindi pa alam. Tsaka di kaya natin siya kagroup." sabi naman niya.

Six Shots: My Beloved PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon