Kabanata 8

413 21 1
                                    

Nang makarating sa bahay ay tuwang- tuwa ang nanay ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makarating sa bahay ay tuwang- tuwa ang nanay ko. Sa totoo lang, kapag kasama ko si Eleazar ay iba talaga ang ngiti ni Mama. Sabi niya noon, ang ganda daw ng pagsasama naming dalawa at parang tinuring na namin ang isa't isa na magkapatid talaga.

Kaya nung umalis si Eleazar para magaral sa ibang lugar ay hindi na ako umiimik dito sa bahay. Ayoko sa mga taong nandito. Si Eleazar lang talaga ang nakaintindi sa akin noon kaya kumportable ako sa kanya.

Kapag nandito si Eleazar ay tiyak na kaya akong kontrolin ng mga nandito.

Umutos agad- agad ang nanay ko sa mga katulong na magluto ng napakaraming pagkain. Ako naman ay pumunta sa kwarto ko. Umupo ako at napatulala sa bintanang nasa harapan ko.

"Ate!" Saad ni Eleazar habang kumakatok sa pinto. Napatingin ako doon at ibinaling ulit ang tingin sa bintana. "Lumabas ka na jan, ate, kakain na."

"Ayoko," Saad ko.

"Eto naman si Ate, birthday ko oh. Pagbigyan mo naman ako, ate—"

"Ayoko nga, bakit ba kasi ang kulit- kulit
mo?" Supladang saad ko.

Nasa murang edad palang ako pero suplada na talaga ako. In birth ata 'to.

"Ehh!!" Singhal nito at nagsimula nang umiyak.

Nagdadabog pa ito at katok nang katok sa pinto. Napakapit ako sa ulo ko at napakamot na lang sa sentido. Nakakairita.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Napatigil siya sa pag- iyak at natameme sa akin. Hindi ko na siya tiningnan at dumeretso na sa baba.

"Ate, eto oh masarap." Sabi niya at tinuro ang carbonara. "Paborito mo yan diba?"

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Where stories live. Discover now