ROLE 67: Crazy

10.6K 257 12
                                    

ROLE 67: Crazy

What really hated right now was when I had to act as righteous daughter of the running senator of the republic of the Philippines. Seriously, parang dapat isa akong santa o dyosa sa harap ng mga tao. Ang matindi pa, ipinalabas ni dad na nasa America lang si mommy para sa bakasyon o kung ano mang palusot ni daddy.

These past few weeks, para talagang hell ang buhay ko. Sinasabihan na nga lang ako ng mga kapatid ko na kayanin ko na nga lang hanggang sa makahanap pa ako ng maraming evidence laban sa daddy ko.

"Konti na lang." Sabi ni Ate Glyn sa kabilang linga ng cellphone. "All we need right now is to wait for mom to become better."

I remained silent.

"How's mom?"

To be honest, okay na siya. Lumalabas na siya ng kwarto. Inaayos niya yung garden niya dati. Pinagluluto na niya ako. Pinapanuod na niya ako sa TV. Tho, hindi sila nagkikita ni dad, napapanuod naman niya sa mga political ad. Ang reaction niya? Normal. She even waited for dad to go home. Hindi nga lang napapahuli si daddy kasi ayaw niya na baka ma-trigger ang kung ano sa past ni mommy. Baka raw hindi pa siya napapatawad noong maakaisente sila.

Of course dad acted like it was not his fault. Na 'yun lang ang kasalanan niya.

"Emer, naririnig mo pa ba ako?"

"Yes Ate, mommy's... almost there."

"She better be. Kikilos na kami ni Nikky. Magsasampa na kami ng reklamo. We need to clear this thing up with mediator."

"Wait, mediator?" Ang initial plan ay magsampa sa korte. Bakit sa mediator lang? Obvious naman na hindi kayang i-handle ng mediator ang pagnanakaw, pandaraya, panloloko at pang-aabuso.

"Emer, Nikky and I decided to just scared dad with his family abuse."

Napakunot ang noo ko't parang nag-init ang buong katawan ko sa inis. "Bakit hindi n'yo sinabi sa akin? Parte ako sa plano na ito! At hindi n'yo kilala si daddy. Mediator won't handle him. At palalampasin lang ba natin ang mga nagawa niyang kalokohan sa bansa? No way!"
"Calm down, Emer. Of course he did something wrong but--"

"Nakausap n'yo ba si daddy? Na brainwashed n'ya ba kay--"

"Emer?"

Napatigil ako sa pagsasalita at napalingon sa tumawag sa akin mula sa likod. Halos mabitawan ko ang cellphone.

"Sinong na brainwash?"

"Huh? Ah..."

"Mag-aaral ka na naman ba ng lines mo? Kausap mo na naman ba ang bago mong ka-loveteam?"

Nanlaki 'yung mata ko. "Ah! Oo! Uhm, si Caleb po. Para sa lines namin sa bagong movie. Medyo nahihirapan k-kasi... ako."

"Ahh, sige hindi na kita didistorbohin. Gusto ko lang sana na mag-dinner tayo. Uhm, kasama ang mommy mo."

"S-sure,"

Ngumiti lang siya sa akin at naglakad na palayo sa akin.

Ako naman naiwang gulong gulo. Naiinis ako pero may kung ano sa akin na nagsasabing magiging maayos din ang lahat.

Not until my dad end up in prison.

<3

Who would have thought that a rising star like me is a stalker? Wala. Sa ganda't sexy kong 'to ako dapat ang may stalker. Yet if someone see my social medias' newsfeed and my most searches name, puro Maj Chavez ang makikita mo.

Baliw na ata ako. Ganito ang napapala ng walang sapat ma tilog, trabaho ng trabaho, maraming problema at malayo sa love life mo. Tulala na lang ako madalas pag naaalala ko si Maj. Minsan tumatawa pa ako. Madalas umiiyak. Hindi lang kasi si Maj ang namimiss ko, pati si Thunder. Miss na miss ko na ang baby ko!

"Emer, okay ka lang?"

Pinahiran ko kaagad ang luha ko. Nakakahiya kaya kay Caleb slash new loveteam ko. Sa lahat siya ang nakakapansin ng kabaliwan ko. Kaya siguro nahihirapan kami sa mga love scene namin kasi natatakot na siya sa akin. "Okay lang ako. Kinukundisyon ko ang sarili ko para mamaya sa scene natin."

"Talaga lang huh?"

Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala. May iba sa kaniya ngayon. May ganang asarin ako eh sobrang seryoso niya kaya pag sa akin.

"Oo naman!"

"Let's be honest, tutal naman magiging love team naman tayo ng matagal, umiiyak kaba dahil sa ex mo?"

"Ano?"

"Come on, okay lang 'yan. Kung ano mang nangyari sa inyo siguro may dahilan. Hindi talaga kayo para sa isa't isa."

Umiyak na ako ng tuluyan. Hagulgol. Kainis s'ya!

"Uy, Emer, joke lang. Ano... shit!"

"Lubayan mo nga ako!"

"Shh! Tahan na. Sorry, I mean totoo naman pero... urgh, ayoko na magsalita. Tama na ang iyak. Paparating na sila."

Pinahiran ko naman kaagad ang luha ko, ngumiti at nagpanggap na kinukulit ko si Caleb. Ganito kami sa maraming tao. Kunwari nagkakasundo.

"Baka magka-developan kayong dalwa ah." Sabi ni Lyra, isa sa cast ng movie na ginagawa namin.

"No way!" Si Maj lang kaya para sa akin!

-----❤️

Boring! Sensya na! Eto ang mapapala ng time pressure.

Anyway, sana magistuhan nyo pa rin. Maraming mahahalagang points dito sa chapter na 'to.

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Where stories live. Discover now