Those Three Words (One-shot story)

2.2K 68 11
                                    

A/N: 

Pakinggan po ang music habang nagbabasa para po mafeel niyo :)    ---->

Para kay Ariane Marthel P. Manzano, eto na idededicate ko sa'yo to. Hihi Love you babe! :*

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

"I love you" Those three words. Ang sarap pakinggan nun lalo na kung sa taong mahal na mahal mo nanggaling.

"I love you too"  Sagot ko naman sa kanya. Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa paborito naming restaurant para i-celebrate namin ang Fifth Anniversary namin bilang magkasintahan, at next year bilang mag-asawa naman. Ikakasal na kami next week.

Binati kami agad ng kaibigan namin na waiter pagkarating at sinamahan kami papunta sa paborito naming pwesto. Hindi na kami binigyan ng Menu nung sabihin ni Vince na "The usual"

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, halos wala pa ring pagbabago ang restaurant na to. Ganung-ganun pa din sa dati nung una kaming kumain dito. Madami na kaming memories dito gaya ng dito ko siya sinagot or rather dito niya ko sinagot. Crush ko na siya mula pa lang nung elementary kami, at nung highschool naman puros hanggang tingin na lang ako sa malayuan sa kanya nun. Ni hindi ko nga alam kung magpapamisa ba ako o magpapyesta or halos ipagsabay ko na ang pamisa at papyesta nung  ayain niya akong magdate after ng highschool graduation namin. 

Dito sa restaurant niya ko dinala nung unang araw ng date namin, nilunok ko lahat ng pride at dignidad ko matanong ko lang siya na "Pwede bang maging tayo?" Oo. Ganyan ako kadesperada nun,  feeling ko kasi mahal ko na siya that time at hindi naman ako nagkamali sa pagiging mafeeling ko. Mahal ko na nga siya nung mga oras na yun. Ramdam ko.

Abot tenga naman ang ngiti ko at halos mabasag lahat ng salamin sa restaurant ng sabihin niya sakin na "Sige tayo na"  samahan pa ng makalaglag-panty-at-bra na ngiti. 

"Babe, bakit ngingiti-ngiti ka mag-isa diyan?" Pukaw atensyon sa kin ni Vince

"Naalala ko nanaman yung unang araw natin dito" Nakangiti kong sabi at sinuklian din naman niya ako ng ngiti. Who would have thought na ang lalaking pinapangarap ko noon ay akin na ngayon? Ang sarap kayang malaman na yung mga panahong lihim mo siyang minamahal ay mga panahong lihim ka din niyang minamahal. Yung alam mong hindi mo siya kayang abutin pero siya na mismo ang lumapit sa'yo para maabot mo siya? Ang sarap diba?

Kumain lang kami at nagkwentuhan, parehas kaming hindi na makapaghintay sa kasal namin. Pagkatapos naming kumain hinatid na niya ko sa condo ko dahil may trabaho pa siyang dapat asikasuhin.

"Dito ka matutulog mamaya?" Tanong ko sa kanya habang yakap-yakap niya ko mula sa likod ko

"Opo misis" Sabi niya na ikinangiti ko naman. Misis. Ang sarap kaya pakinggan! Iniharap na niya ko sa kanya at hinalikan ang noo ko tsaka nagpaalam umalis. 

Ilang araw na ang nakakalipas at ilang araw na lang kasal na namin, andito ako ngayon sa paborito naming restaurant dahil i-cecelebrate daw namin ang promotion niya. 

She's sitting at the table

The hour's getting later

He was supposed to be here

She's sure he would've called

"Miss may kasama po ba kayo?" Tanong nung waiter sa akin, tumango naman ako in response. Nagalok ito na kunin ang order ko pero tinanggihan ko ito dahil na rin hinihintay ko siya.

She waits a little longer, there's no one in the driveway

No one's said they seen him

Those Three Words   (One-shot story)Where stories live. Discover now