[CHAPTER TWENTY-FOUR] I love you but...

59.3K 700 69
                                    

Chapter Twenty-Four

--I love you but I’m sorry.--

          “Take my hand. Take a breath. Pull me close and take one step. Keep your eyes, locked on mine. Let the music be your guide. Won’t you promise me that you’ll never forget to keep dancing wherever we go next.”

 

          Hinalikan ko ang kamay ni Midori at nakita ko ang pagngiti niya. Sinuklay ko ulit ang buhok niya habang nakaupo siya sa wheelchair niya. In front of us was a very beautiful view of the sunset. And Midori's eyes were at it as if she sees it.

          “It’s like catching lightning. The chances of finding someone like you. It’s one in a million the chances of feeling the way we do. And with every step together, we just keep on getting better. So can I have this dance?” Umupo ako sa harap niya at inayos ang telang nakapatong sa mga hita niya. “Did you like my voice? Pwede na kong maging bagong vocalist ng Kyela Marjorene ‘di ba? Dapat nang mag-alala si Terrence, malapit ko na siyang palitan.”

          Ngumiti siya nang hawakan ko ang kamay niya. Her eyes were still on the serene dusk. The sky was the very same orange one that we saw the day I brought her to my refuge. Parang nakikta niya ang lahat ng iyon dahil sa payapang itsura niya ngayon. She looked… contented.

          “Midori, I wish you could really see this. You know, the sky was the very same orange one. It’s the same sky there is when I proposed to you. Do you remember that? Hmmm?” Pinisil ko ang mga pisngi niya at napangiti na naman siya. “But you can’t hear me.”

          I sighed. Sana naririnig niya ako. Sana nakikita niya ako. Sa ganong paraan magiging mas masaya siya siguro.

          Inilagay ko ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko. I really like the feeling when her hands were on my cheeks. I feel her warmth. I feel so happy, I could not ask for more. But just her touch. “But you can feel me right?”

          Inilagay ko ang kanang kamay niya sa kaliwang dibdib ko.

          “It’s beating for you. I don’t care if you can’t hear it. But you can feel it. I’ll always be here for you, Midori. I love you so much… but… forgive me. I can’t just watch my father die with his emotional burdens while I do nothing. This is the least thing I can do. Please forgive me… please.”

          Sa hindi ko malamang kadahilanan ay unti-unting tumulo ang mga luha sa mga mata niya. Nakangiti siyang umiiyak habang nakatingin pa rin sa lumulubog nang araw. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata niya at nakangiti pa ring kinuha ang mga kamay kong nakahawak sa kamay niya sa dibdib ko. Hinawakan niya yun ng sorang higpit at tumango. Kasunod noon ay ang mabilis na pagbagsak ng mga luha sa mga mata niya at ang pagbitiw niya sa kamay ko. Nagtatakang tinitigan ko siya.

          She was again mouthing something. Palagi ko siyang nakikitang ganoon. Parang may binibigkas na mga salita ngunit wala naman akong tunog na naririnig. Hindi katulad noon na kinakausap pa rin niya ako kahit wala na siyang naririnig. Hindi na rin siya katulad nang dati na basta-basta kumikilos kung gusto niya. Bihira na siyang umupo mula sa pagkakahiga. Kailangan na rin niya nang dobleng atensyon ngayon kesa noon. Kailangang may mga matang laging nakabantay sa kanya at sa mga gagawin niya sa bawat segundo.

          Hinalikan ko siya sa noo at ngumiti. “’Wag kang mag-alala. Ikaw lang ang mahal ko. Kaya magpalakas ka ha? Magpagaling ka Midori. Please… Please…”

          Sinalubong kami ng kapatid niyang si Avril nang dalhin ko na pabalik nang kwarto niya sa ospital si Midori.

          “She’s tired,” sabi nitong nakangiti habang kinukuha siya sa ‘kin. “Madali na siyang mapagod ngayon. Kung ano-ano nang gamot ang itinuturok sa kapatid ko. Habang tumatagal pataas na rin nang pataas ang dosage.”

          “She’ll be fine…”

          “Tanong ba ‘yan o statement?” Bahagyang tumawa ito at naglakad na papasok sa kwarto kasunod ako. Nginitian ko ang asawa ni Avril na si Flip na tahimik na naghahanda ng pagkain sa loob ng kwarto. “You should be fine. Midori hates people who aren’t smiling. “

          “I will. Please call me if something happens.”

          “Except if it happens in the middle of your wedding.”

          Tahimik lang na napatungo ako sa sinabing iyon ni Avril.

          “Aish… Don’t be like that. Para sa ikabubuti mo naman ‘yan. Para ‘yan sa pamilya niyo. I know how important it is to be married to Sirri, Maisen. Though I don’t like the concept of your marriage but…  Of course. It’s the only way. And I deeply understand that.”

          “Something’s holding me back. Dapat ko pa bang ituloy? I mean, I don’t find it significant. Ni hindi man lang ako kinakabahan na ikakasal nga ako. Parang wala lang. Parang… isang bagay lang na kailangan kong palipasin sa buhay ko. Then after that, my problem with my family will be solved. But I will always be back to this place. To where Midori is.”

          “Is there other way to solve the problem? I mean… if it’s the only way then take it or leave it.”

          Is there really other way to solve it? If there is, then somebody please tell me. Because my mind is rusting, I can’t even decide on my own. For twenty-six years, I’m still that Maisen who can’t decide for himself.

          Nang maayos na namin si Midori para sa pagtulog niya ay nagpaalam na rin ako sa kanila. Pero bago iyon inilagay ko sa palad ni Midori ang isang kwintas na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya pero hindi ko naman magawa.

          I kissed her forehead and whispered at my utmost sincerity, “The situation is trying to take me away from you. I don’t want to go but it’s too strong I can’t fight. But I’m leaving my heart to you. It’s all yours. Crumple it, step on it, and crush it if you want to. If that’s the price of my choice to marry some other girl, then do it. But please don’t throw it away. Forgive me.

          I love you but I’m sorry.”

The 100th Guy Who Passed by Her (Online Filipino Version)Where stories live. Discover now