CHAPTER 1: Best Best Friend In The World!

11 0 0
                                    

Yannie's POV
"Josh naman! Maya ka na maglaro jan sa laptop kooo!" suway ko kay Josh. Di naman uli ako pinansin. "JOSH ANO BA?!"

"..."

"JOOOOOSSHHH!!! TULUNGAN MO NAMAN MUNA AKO HANAPIN UNG WALLET KOOO!!!"

"..." ah ganyanan? Di talaga ako pinapansin? Tingnan natin kung di mo ako pansinin ngayon.

Kinuha ko sa kanya ung laptop at sinapok ko sya nang bonggang bongga!

"Aray naman! Yannie bakit ka nananapok ng biglaan?!"

"Aba't ayos ka rin 'no? Kanina pa kita sinisigawan at hinihingan ng tulong pero di mo pa rin ako pinapansin!"

"Ano ba kasing kailangan mo?" sabi nya sabay upo sa kama ko.

"Tulungan mo akong hanapin ang wallet ko!"

"Saan mo ba kasi huling linagay?"

"Ewan ko nga."

"Hays." tumayo na sya at hinanap ung wallet ko. "Oh ayan. Natatabunan ng kumot mo!" then binigay na nya saken ung wallet ko.

"WHAAAAAAAA!!! THANK YOU THANK YOU BEST FRIEND!" then yinakap ko sya.

"I can't breath Yannie." kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Ay sorry. Hehe."

"Tara na. Malelate na tayo sa school."

"Okay." kinuha ko na ung bag ko and bumaba na kami. "Umma, alis na po kami."

"Oh sige. Ingat kayo ni Josh ha? Oh hala pasok na kayo at baka mahuli na kayo sa klase."

"Arasso, Umma." then kiniss ko na si Umma sa cheeks. (Arasso = okay)

Umalis na kami ni Josh then sumakay na kami sa motor nya.

Habang papunta kami, pakilala muna ako sa inyong lahat.

I'm Park Yannie. 19 years old. Half-Korean, Half-Filipino. May kapatid ako. Si Park Yul at Park Matthew. Si Yul, mas bata sa akin. 13 years old pa lang sya while si Matthew, 8 years old in short, ako ang panganay. ^_^

Yung kasama ko, sya si Josh, best friend ko. Mabait naman yan, gwapo, gentleman, matalino, talented. Lahat ng good characteristics nasa kanya na. May sayad nga lang. Hehe.

-----

"Tapos ka na bang mag-enroll?" tanong saken ni Josh. Umiling naman ako. "Bakit?"

"Di ako makapila nang maayos."

"Akin na ung mga requirements mo. Ieenroll na kita."

"Ha? Wag na. Ako na lang." tanggi ko sa kanya. Kahit naman best friend ko yan, nahihiya pa rin naman ako dyan.

"Ako na." pagpupumilit nya.

"Pwede ba un?" tanong ko.

"Oo. Kaya nga ako na mag eenroll sayo di ba?" kahit kelan talaga itong taong 'to eh, pilosopo!

"Sure ka?"

"Para san pa't naging best friend mo ako?" nga naman. Ang bait talaga nito eh kahit may sayad at topakin.

"Okay. Thanks bestie!" then binigay ko na sa kanya ung mga kakailanganin nya.

Medyo natagalan sya kasi madami daming nag eenroll kaya pumunta na muna akong garden. Tinext ko na lang sya na dumiretso doon.

Maya-maya, dumating na sya.

"Enrolled ka na." sabay ngiti nya sa akin.

"Wow. Thanks bestie! You're the best talaga!"

"You're welcome. So tara na? Uwi na tayo."

"Maya na. Pasyal muna tayo. My treat!" sabi ko.

"Sige ba. Hahaha." tamo. Payag agad. Basta libre go lang yang lalaking yan eh. Hahaha.

"San mo gusto?"

"Kahit saan."

"May lugar bang kahit saan?" natatawa kong tanong.

"Meron."

"San naman?"

"Sa puso mo."

"Achuchu. Awan sayo. San nga tayo?"

"Kahit saan nga pwede na. Basta kasama ka." sinuntok ko naman sya ng pabiro sa braso nya. "Aray naman. Abusado ka ah!'

"Dami mo kasing alam. Haha! Tara na nga. Nakakabaliw ka."

"Inlove ka na ba?"

"Oo na lang. Tara na." sabi ko at hinigit na sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Parallel Lines [ON-HOLD]Where stories live. Discover now