Chapter 59

83.8K 833 91
                                    

Chapter 59

Nakadalawang linggo na kame ni Brylie dito.

maayos naman.

may mga times lang talaga na nagkakasalubong ang landas namin ni Brian. bilang MAGKAIBIGAN or kung ano man ang tawag sa aming dalawa ngayon, syempre magkakape lang kami saglit tapos kwentuhan ng kung ano mang pwedeng pagkwentuhan. mga bagay bagay na nagbago at nananatili sa pwesto. 

nalaman kong nagpatayo siya ng bar. Yung disenteng bar. 

Sabi nya kung pwede ay pumunta kami dun, minsan. Syempre, kasama si Leon. Hindi naman kase pwedeng kami lang diba?

Tsaka hindi na siya bumalik sa pagtuturo. Pero may plano daw siya sa dadating na pasukan. Kung dati ay sa college sya nagtuturo, ngayon naman daw ay susubukan nyang sa pre-school department. 

Naisip ko lang, kailan ko ba masasabi sa kanya na may anak kaming dalawa??

Ewan, para kasing ang saya saya na nya ngayon. Oo, naka move on na ko kahit nasaktan ako sa mga naganap. At mahal ko pa din naman siya. Gusto ko siyang maghintay.

Pero hindi ko alam kung gusto din nyang maghintay..

Hay.. it's so so very complicated.

Kaliligo ko lang ngayon at naga-apply ako ng lotion. Si Brylie naman tumatalon talon sa kama sa likod ko lang.

Ng bigla namang magring yung telepono.

NewlyWeds - KathNiel (DONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon