CHAPTER 32

7.6K 165 0
                                    

Everyday is always a perpect day!! Sabi nga sa isang palabas ..
HAPPY LANG!!

everyday is full of surprises. Talagang tinototoo ni Gavin yung sinabi nyang manliligaw sya. Parang araw araw na atang may uwi akong bulaklak, teddy bear,chocolates etc. .. at kahit na ganun hindi parin ako nagsasawa ng mapaguwi ng mga ganun. Lagi nya ko sinusundo sa bahay at hinahatid. Lagi kami namamasyal, nagdadate kahit saan at lagi nya kong pinangingiti. Hindi na ata mawawala ang mga ngiti sa labi ko. I love my life now. Kahit na madalas niloloko at binibiro nya ko ok lang ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa.

Ms. Tiana may nahahanap sayo. Sabi ni Tin habang may inaayos akong dokumento sa may file cabinet.

Sino?? Tanong ko naman.

Nginuso nya . Yung lalaking nakatayo sa may harapan ng table ko.

Yung lalaking pumupunta sayo dito dati si sir jasper.

Hindi ko namukhaang si jasper paano ba naman may tumubo na dito na konting bigote at medyo mahaba narin ang buhok nito . Ilang linggo ko narin itong hindi nakikita busy ata masyado sa kasal at sa bahay na pinatatayo nito. Nilapitan ko ang binata at kinausap.

Hoy bakit ngayun ka lang nagpakita ha?? aba.. saka anong nangyari sayo. Masyado ka bang busy sa buhay mo at hindi ka man lang nagabala na gupitan at mag ahit ha?? Ngayun lang uli kami nagkita pero ilang sermon agad ang binato ko sa binata.

Ikaw nga tong tinatawag ko kanina pa Kasi nga kauuwi lang namin ni brooke hindi ka man lang sumasagot porque ba nagkabati na kayo ni labidabs mo... kinalilimutan mo na ang kuya mo. Tsk tsk tsk!! Aayain ka nga sana naming kumain e. Tinignan ko ang cellphone ko kung totoo ang sinasabi ng mokong na to. Nakita kong 20 missed calls na ang nakalagay. bakit ba hindi ko niloud speaker ang phone ko kanina pa.

Anyway. Kamusta na ang kuya ko?? Ang gwapo mo na ha kahit ang haba haba ng buhok mo..

Sabay hawak sa buhok nya na tila isang bata. At sa magkabilang pisngi nito. Halos panggigilan ko ang magkabilang pisngi nito dahil lalo itong nagkalaman ..

TIN! Mula sa pinto ng opisina ni Gavin at sabay kami napalingon ni jasper habang hawak ko ang magkabilang pisngi nito. Kitang kita ko ang matatalim na tingin ng binata sa amin dalawa. Anong nangyari dun at parang galing si Gavin.

Pagkatapos tawagin si Tin. Malakas nyang binalibag pasara ang pinto ng kanyang opisina.

Anong nangyari dun?? Tanong ni jasper.

Kibit balikat lang ang sinagot ko sa tanong ng aking kapatid.

Anyway, Tiana hindi na ko magtatagal dito pinasasabi lang ni mama na sa bahay ka daw maghapunan para dw sabay sabay tayo kumain.

Tanging ok lang ang sinagot ko sa sinabi ni jasper. Nagtataka talaga ko sa inaasal ni Gavin kanina. May problema ba??

Sige sis, mukhang busy kayo today see you later. Sabay halik sa aking pingi. Halatang may lakad din ang bruho. Happy din ako para sa kanilang dalawa ni brooke.nakakainggit.. ♥♥♥♥♥♥

Lumipas ang lunch time pero hindi lumalabas si Gavin sa kanyang opisina. Usually wala pang 11am nagaaya na tong kumain ng lunch.

MS. Tiana hindi ka ba sasabay sakin kumain?? Kasi mukhang busy padun si sir kaninapa sya hindi lumalabas.

Sige Tin mauna ka na kumain.aayain ko nalang sya kumain baka hindi nya lang napansin ang oras.

Sige. Maya na lang uli.

Pagkaalis na pagkaalis ni Tin ay dumaretso ang dalaga sa opisina ng binata. Baka lang hindi nito napansin ang oras sa sobang dami ng trabaho. Naging busy din kasi kami ngayun sa opisina. Marami pang mga dokumentong dapat approbahan, reviewihin at checkin kung tama ba ang mga pagkakalapat sa mga folder na pipirmaha.

Tok! Tok! Tok!

My BOSS is my EX-boyfriend! :) COMPLETED!Where stories live. Discover now