Hindi worth it ang pag exert ng effort ng muscles mo para sumimagot:))

68 1 1
                                    

Ngiti ka lang, hindi naman kawalan yun e. Isipin mo lahat ng positives na nakapalibot sa mundo mo. Wag mong paikutin ang mundo mo sa kanya. Dapat nga maging masaya ka at nakilala mo siya eh. Dapat maging masaya ka at tinuruan ka niya na hindi siya karapat-dapat sayo. Dapat masaya ka na hindi mo na pinagpatuloy ang isang malagim na pagkakamali.

Marami kang kaibigan na handang i-offer ang balikat kapag gusto mo ng sasandalan. Marami kang kaibigan na bibili ng sandamakmak na tissue kapag iiyak ka. Marami kang kaibigan na handang makinig sa walang hanggang litanya mo. Marami kang kaibigan na handa kang batukan kung sasabihin mo muli na babalik ka sa kanya. Marami kang kaibigan na handa kang laslasan sa leeg kung plinaplano mong magpakamatay. Nasa tabi mo lang ang mga kaibigan mo, gagabayan ka hanggang sa kaya mo na.

Kaya, kung ikaw ay muling luluha dahil sa kanya, handa na ang M16 at kalibre 45 ng mga kaibigan mo at pagbababarilin nila kung sino mang hampas lupang gumawa sa’yo niyan. You don’t deserve to cry. You are too beautiful to handle too much drama. Remember, hindi lang siya ang tao sa mundo. May darating din na mas magmamahal sayo. Tandaan mo yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi worth it ang pag exert ng effort ng muscles mo para sumimagot:))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon