Chapter 34

3K 69 0
                                    

>>Xyreen's POV<<

"Hello?"

(Xyreen..) 

"Onyx?!"

Narinig kong tumawa siya "Oy Onyx bakit ka napatawag? Tsaka bago ba number mo?"

(Yep. Oo nga pala busy ka ba bukas?)

"Why?"

(Kita tayo bukas mga 3pm sa may Tea House. May sasabihin ako sayong importante. Bye *doo* *doo*) ayy bastusan ibinaba agad?!

Pero..

Ano naman yung importanteng pag-uusapan namin?!

**

Pumasok ako sa school ngayon at nakasalubong ko pa sila Lace at Yohan papuntang school. Hmm mukhang may something-something na sa kanila ah! wahihi.

Sabay-sabay naman kaming pumunta sa locker area para kumuha ng mga libro na kakailanganin at sabay na rin kaming pumasok sa room.

Pagkapasok ko sa room ay nakita ko si Eliot na naka-ub-ob sa mesa niya habang si Marco naman ay nagsusulat.

"Morning Marco" bati ko sa kanya.

Tumingala siya sakin at ngumiti "Morning Xy"

Umupo ako sa upuan ko na katabi lang kay Marco at kinuha yung notebook sa bag ko. "May assignment ka sa Fil?" 

"Eto ginagawa ko pa lang ikaw?"

"Yup. Ang di ko lang nagawa yung sa Science eh"

"Sus madali lang yun" 

Di ko na siya nasagot at  sumulat na lang ako ng assignment sa Science. Maya-maya pa'y natigil rin ako sa pagsusulat dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

Tinahak ko yung daan papuntang c.r at habang nasa cubicle ako ng toilet room ay naririnig kong may nagsasalita. Ayoko mang makinig sa usapan pero malakas ang boses niya at parang kay Melissa yung boses na yun.

"Basta kailangang ma-inlove siya sayo at mailayo mo siya kay Eliot" huh? sino naman kaya yun? Bakit niya binabanggit si Eliot?

"At pag di mo yun nagawa lagot ka sakin" huminto siya sandali, mukhang yung kausap naman niya ang nagsasalita "Oo at pag nalaman rin niya mas lalo kang lagot! Lalo na kay boss!"

Hala?! Boss?! Ibig sabihin gangster si Melissa?! Paano ko nalaman na kay Melissa ang boses na yon? Dahil super tinis ang boses niya na madali mong identify na sa kanya nga ang boses na yon.

Narinig ko ang tunog ng sapatos ni Mel, mukhang lumabas na siya sa c.r pero nagtataka ako. Sino yung kausap ni Melissa at bakit parang may ipinapagawa siya na hindi maganda para lang mailayo kay Eliot? At ano naman ang kinalaman ni Eliot?

Aish >___<

**

Recess Time..

Sama-sama kaming barkada ngayong recess. Bihira lang mangyari to pero nakakatuwa. Habang masaya silang kumakain, ako naman ay nag-oobserve kay Melissa. Ewan ko ba pero kutob kong may hindi maganda siyang gagawin at dahil na rin sa narinig ko kanina.

Panay ang subo niya rito kay Eliot ng pagkain na tinatanggihan naman ito ni Eliot. Sila Marco at Lace naman ay nag-aaway. Tungkol dun sa palabas na Detective Conan. Si Yohan lang ay tawa lang ng tawa at nagsilbing referee ng dalawa. Ako naman ay kumakain lang.

"Tahimik ka yata Xy?" puna sakin ni Marco.

"Matagal na akong tahimik noh" irap ko sabay subo ng kanin.

"Wushuu eh ang ingay mo nga pag magkasama tayo" singit naman ni Lace.

"Bakit masama bang kumain ng tahimik?! Baka kasi malaglag yung pagkain kapag nagsalita ako!" depensa ko sa kanila.

"Ewan ko sayo!" - Lace

"High blood masyado?" - Marco

"Tama na nga yan! Kumakain yung tao inaabala niyo pa!" - Yohan.

"Ohh guys since malapit na yung birthday ko, I decided to celebrate my birthday in our resort"-Marco

"Talaga? Saan naman yun?" -Melissa

"Sa may Batangas."

"Wow madaming beach dun. I heard" -Ako

"Yep, madaming beach dun pero may sarili kaming resort kaya dun na lang tayo" -Marco

"So kelan ba yun?" -Ako

"Next week. So lahat kayo ay iniinvite ko" -Marco

"Okay."

"Oy Eliot sumama ka kapag di ka sumama ay lagot ka sakin! Tsaka wag mo rin aalalahanin yung past mo huh? Alam kong may ala-ala ka sa beach" -Marco

"Oo nga past is past na. Tsaka ilang years na rin yon noh" -Lace.

Teka ano ba yung sinasabi nila Lace at Marco? Yung past ni Eliot? Yung kay Ahra ba? Aish di ako makarelate >___<.

"Sino bang may sabi na di ako sasama?" 

"Ayos dre. Sisiguraduhin kong magiging masaya ang birthday celebration ni Marco." -Lace. Hiyawan naman ang barkada.

>>Onyx's POV<<

Habang naglalakad ako papuntang Tea House ay pakiramdam kong may nakasunod sakin. Nung tumingin naman ako ay wala namang tao, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Kung bakit ba naman kasi dito pa sa UGB pa tinayo tong Tea House na yon?! Kunsabagay balita ko gangster rin daw ang may-ari nun kaya pagnagkaaberya ang empleyado ay sagot na nung may-ari.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad ng may humarang sa dinadaanan ko. Ayaw ito, sa isip ko.

"Anong kailangan niyo?" tanung ko sa tatlong ungas na nasa harapan ko.

"Ikaw ba si Onyx a.k.a Silver Dragon ng Black Rose?!" tanong ng lalaki na nakamaskara na kita lamang ang mata.

"Oo ako nga bakit may kailangan kayo?!" bago ko man makuha ang sagot nila ay sinuntok ako nung isa nilang kasama pero nakaganti rin naman ako ng suntok.

Umatake naman ang dalawa pa niyang kasama at nacorner nila ako. Hawak ng dalawa niyang kasama ang braso ko at yung isa ay pinagsusuntok ako. Pero hindi ko inaasahan na may mas malala silang gagawin sakin.

Naramdaman ko na may tumusok sa tyan ko at pagkatingin ko ay dumudugo na ito. Natumba agad ako sa lupa pero bago pa man ako mawalan ng malay ay narinig kong may nagsalita sa kanila.

"Yan ang napapala mo sa pagiging pakialamero mo. Tandaan mo na may mga bagay na hindi pwedeng ungkatin at alamin"

**

A/N: Hello guise sorry kung ngayon lang ako nakapag-update and sorry kung sabaw ang update ko ngayon. 

Enjoy reading~

Kamsamnidaa ~

Searching for My Gangster King [ FIN ]Where stories live. Discover now