ODA 4

4.4K 102 1
                                    

"Di muna sana ginawa yun. Yan tuloy napagalitan ka ng mama mo."

Sabi ni Prince kay Princess. Kasalukuyan silang naglalaro sa kanilang tree house na ginawa ng Daddy at Papa nila.

"Dapat lang yun kay Dracu. Naiinis na kasi ako sa kanya. Simula pa nong mga bata tayo palagi ka nilang tinutukso."

Sabi ni Princess sabay kuha nong laruan niyang kotse sa gilid.

"Sanay na naman akong tinutukso nilang bakla."

"Kung ikaw sanay, ako hindi.__Bakla ka nga ba, Prince?"

Hindi nakaimik si Prince sa tanong ni Princess. Hindi niya kasi inaasahang magtatanong si Princess tungkol diyan.

"Prince, Princess nandyan ba kayo sa taas? Bumababa na kayo rito ng makakain na."

Tawag ni Carmen sa dalawa.

"Nandyan na po Tita Carmen.__Halika na Prince baba na tayo."

Sabi ni Princess. Dahan-dahan silang bumababa mula sa tree house at nagpunta na sila sa garden kung saan magsalo-salo ang kanilang pamilya.

"Hali na kayo mga bata. Maupo na kayo rito."

----------

Kasalukuyang nakahiga sina Prince at Princess sa balkonahe ng kanilang tree house habang pinapanuod ang mga bituin sa kalangitan.

"Princess, what If aalis ako ma--"

"Aalis ka? Iiwan muna ako dito? Sabi mo walang iwanan."

Gulat na napalingon si Princess sa kanyang katabi na si Prince.

"Aish! Ikaw talaga, what If lang naman. Di kita iiwan."

Sabi ni Prince sabay gulo ng buhok ni Princess.

"Akala ko aalis ka talaga. Wag mo akong iwan huh, diba bestfriend tayo forever."

"Hindi. Bestfriend forever."

Nakangiting sabi ni Prince pero sa kaloob-looban niya nalulungkot siya dahil iiwan talaga niya si Princess. Aalis kasi silang mag-anak papunta sa States at dun na sila maninirahan.

"Promise?" Princess.

"Promise." Prince.

And they sealed their promises with a pinky promise.

----------

Masayang pumasok ng bahay si Princess dahil nakaperfect siya sa test.

"Mama naka---"

Nabitin sa ere ang sasabihin ni Princess ng marinig niya ang pinag-uusapan ng kanyang mama at ng Tita Carmen.

"Talagang aalis na kayo ngayon, Mare?"

"Oo Mare, huhuhu mamimiss talaga kita Mare."

Sabi ni Carmen sabay yakap kay Loisa.

"Ako rin Mare. Mag-iingat kayo dun huh at lagi kayong tatawag sa amin."

Agad silang napalingon sa may pinto ng may narinig silang nalaglag na mga libro at nakita nila si Princess na umiiyak.

"Totoo po bang aalis na kayo Tita Carmen?"

Tanong niya kay Carmen. Tumango ito kaya agad lumabas si Princess sa kanilang bahay at nagpunta sa tree house nila ni Prince.

"Sabi mo bestfriend tayo forever. Sabi mo walang iwanan pero bakit ngayon aalis ka?"

Umiiyak na sabi ni Princess habang hawak ang picture nila ni Prince.

"Napakasinungaling mo. Ayaw ko na sayo."

Tinapon ni Princess ang picture nila kung saan at patuloy paring umiiyak.

"Princess!"

Tawag ni Prince kay Princess mula sa baba.

"Napakasinungaling mo. Nagpromise ka pa nawalang iwanan tapos ngayon aalis ka.."

"I'm sorry Princess di--"

"Umalis ka na. Wala na akong bestfriend."

Napayuko nalang si Prince, naiiyak siya sa sinabi ni Princess.

Nakahanda na ang lahat ng gamit nina Prince at isinakay na ni Rusty sa kotse tinulungan naman siya nh Gabriel.

Nagyakapan naman sina Carmen at Loisa habang umiiyak. Si Prince naman ay patingin-tingin sa likod umaasang lalabas si Princess para magpaalam pero walang lumabas.

"Paano ba yan, mauuna na kami Pare baka malate pa kami sa flight namin." Rusty.

"Sige Pare, mag-iingat kayo dun at tawag-tawag din kayo minsan." Gabriel.

"Oo Pare. Hon, tara na baka malate pa tayo."

Tawag ni Rusty kay Carmen. Muling nagyakapan sina Carmen at Loisa.

"Pano Mare, ikaw na ang bahalang magpaalam kay Princess." Loisa.

"Oo Mare ako na ang bahala.__Prince, wag ka ng malungkot ako na ang bahalang magpaliwanag sa bestfriend mo."

Sabi ni Loisa sabay yakap kay Prince.

Pumasok na sila at pinatakbo na ni Rusty ang kotse. Sinundan naman ito ng tingin ni Gabriel at Loisa.

"PRINCE! PRINCE! PRINCE!"

Tawag ni Princess habang tumatakbo sa daan at hinabol ang kotse na sinasakyan nila ni Prince.

Nagulat sina Loisa at Gabriel, nang makabawi ay agad sinundan ni Gabriel si Princess.

Nang biglang---

.

"PRINCESS!"

*screetch*

***

Thanks for reading.

-dkc


OPPOSITE DO ATTRACT ---COMPLETED [UNEDITED]Where stories live. Discover now