Untold Chapter 9

121K 2.5K 616
                                    

Twitter: #Nevermore @EinahWP

➳ Untold Chapter 9

"Baby," tawag ko kay Tripp.

"What?" Paungol niyang sinabi. Tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha at gumalaw papunta sa pinakagilid ng kama.

"Baby," I whisper-yelled.

Wala akong reaksyong nakuha mula kay Tripp.

I faked a sob. Mabilis pa sa alas cuatrong bumalikwas sa kama si Tripp at hinaplos ang mukha ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

Ngumuso ako. "Baby, namamanhid iyong mga paa ko."

"What the—"

Napakurap-kurap ako. "Matitiis mo ba ako?"

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Bumuntong-hininga siya at napailing pagkatapos ay hinawakan niya ang dalawang paa ko.

Napaigik ako. "Namamanhid talaga—"

"Shhh." Marahan niyang hinaplos ang mga paa ko bago mag-umpisang imasahe iyon.

Napapikit ako nang marahan.

"Ano bang posisyon mong matulog?" Medyo husky pa ang kanyang boses.

Anong oras pa lang ba? Madaling araw. Nagising ako dahil sa tawag ng kalikasan at pagbalik ko sa kama ay ganito na ang nangyari.

"It doesn't matter."

"Tsss."

"Baka naipit or something. Hindi naka-circulate ng maayos iyong dugo," I explained.

"Of course," aniya.

"Ikaw kasi. Lagi mo na lang ako iniipit," I accused.

Humalakhak siya. "Gustong-gusto mo namang nakapulupot ako sa katawan mo, baby."

"Shut up." Kinagat ko ang aking labi.

"Feeling well?" Tanong niya.

Pinakiramdaman ko ang aking mga paa. Unti-unti na ngang nagagalaw ko iyon nang maayos at parang wala nang tusok-tusok akong nararamdaman.

Huminga ako nang malalim at tinakpan ang aking mga mata gamit ang isang braso.

"Ang sarap mong maging asawa," bulong ko.

"Ako pa ba?" Bulong niya sa aking tainga.

Hindi ko namalayang humiga na siya sa tabi ko. Ang isa niyang braso ay nakayakap niya sa akin. Inalis ko ang aking braso at tiningnan siya. Nakatagilid siya ng higa habang pinagmamasdan ako.

"I love you." Ngumisi ako.

"And I love even more." Ngumuso siya.

Natatawang inilapit ko ang aking mga labi sa kanya. Hinalikan ko siya. It was kind of unusual. Soft and gentle. Hindi niya rin pinalalim pa iyon.

Nang dumilat ako ay nakita kong nakatitig lang siya sa aking mukha habang magkadikit ang aming mga labi. I pulled away and snuggled into his chest. He pulled me closer and kissed my temple.

Sometimes, I'd wonder what could have happened if I just gave up and didn't put up a fight for our love. We were once deceived. Paano kung pareho kaming hindi lumaban at nagpatianod na lang sa daloy ng buhay?

One thing is for sure. We wouldn't be this happy. I wouldn't this be happy. Si Tripp kasi iyong tipong itinatago sa bulsa at ibinabakuran.

Hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi ko na siya ipinagmamalaki. Takot ko na lang na sa sobrang ideal niya para sa akin ay maagaw siya ng iba. Gusto ko lang siya para sa sarili ko.

Nevermore [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon