Prologue

2.1K 20 3
                                    

Pinilit niya ang sariling umalis sa lugar na iyon. Akala niya'y isang tao lang ang aabutan niya sa tagpuan nila, pero nagkamali siya. Kasama nito ang girlfriend niya.





"Palagi na lang siya... Kailan ba magiging ako lang?" tanong niya sa sarili habang umiiyak.
"Huwag ka ng umasa. Alam nating lahat na meron siyang iba." untag ng taong katabi niya.


Nagulat siya dahil hindi niya namalayang may kasama na pala siya. Gusto niyang sigawan ang lalaki ngunit hindi niya na nagawa dahil bigla siya nitong niyakap.



Napahagulgol siya sa balikat ng binata. Basang basa na nga ang damit nito, puno na ng luha at sipon niya.


Panay naman ang hagod ng lalaki sa kanyang likod, hindi nito malaman kung anong sasabihin, hindi naman kasi siya magaling magcomfort.




"S-sana.. ikaw na lang.. ang.. m-minahal ko." Wala sa sariling nausal ng babae sa pagitan ng kanyang paghikbi.




Para namang tumigil ang mundo ng lalaking kayakap niya. Matagal bago nagsink-in sa utak niya ang sinabi ng dalaga.




"Bakit nga ba hindi na lang ako?" tanong niyang nakapagpahinto sa humahagulgol na dalaga.

"A-ano?" takang tanong ng dalaga at kumalas na sa pagkakayakap ng binata.

"W-wala." iling na sagot ng lalaki sa kanya at nag-iwas tingin pa.



Tulala pa din siya kaya't hindi na siya nakapagreact pa. Sumunod na lang na narinig niya ay ang mga salitang nakapagpabago ng mundo niya.




"Ganito na lang.. simula ngayon.. ako na ang pansamantalang boyfriend mo. You can't say no, because it is not a choice, it's a demand." ma-otoridad na sinabi ng binata sa kanya.






A/N: This is a revised version of my prologue.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon