Strike 4

2.7K 81 19
                                    

Hello! :) 

Natagalan ang update dahil nagdate pa kami sa McDo ng Bebs ko. Hahaha! :) Dapat kanina pa to e. Hahaha! :)

Dedicated kay Bebe Nikowl! :) Labs na labs ko yan! Haha! Aralin mo baseball! Hahahaha! =) Lab you bebe! Mwah! :* 

HER POV

Bat ba ko nangingiti ngiti dito? Tinawag lang na Bebi e. 

*Yiiiieeeeh! Kinikilig siya oh!* asar agad ni Kate. Badtrip talaga neto. 

*Tumigil ka nga. Parang yan lang e.* Tinago ko agad yung cellphone ko. 

*Di ka man lang magrereply?! Grabe! Anong klaseng girlfriend ka ba?!*

*E ano? Alam naman niyang may klase ako ah! Bayaan mo na nga yun.* 

*Grabe ka talaga! Wala kang awa sa boyfriend mo. Ikaw na nga tineteks e.* Ano bang problema neto ni Kate? Edi siya magreply! Kailangan ba katext pa e kakahiwalay lang namin. 

*Oo na. Oo na. Itetext ko na.* Inirapan ko nalang siya at syempre rereplyan ko pa ang damuho. 

Sinave ko na rin yung number niya.

To: Christian 

Ano? May klase pa ko. Itetext nalang kita mamaya after class. 

End

*Wala ka bang sweet bone sa katawan? Ang cold mo!* Napakachismosa ng babaeng to. 

*Wala, kaya wag mo ng hanapin! May cellphone ka kaya itext mo nalang yang Louie mo! Wag ka ngang makikibasa.* Irita kong sabi. 

*bzzt bzzt*

From: Christian 

Okay. 

End 

Odiba? Parang wala lang din naman yun. Baka joke joke lang yung Bebi chuchu na yun. 

Di ko na nireplyan. Dumating na rin naman kasi yung prof namin na mukhang magaattendance lang dahil may meeting daw. 

Ay onga pala.. BSBA Major in Marketing ang kinukuha ko. Tapos yun nga, Varsity ng Softball. Si damuho.. Ewan ko ba dun. 

Ilang minuto lang, nadismiss na kami after niya magattendance. Tinext ko na agad yung damuho. 

To: Christian 

Uy. Wala na ako klase. May meeting daw yung prof namin. San ka? Puntahan kita. 

End

Nakakahiya naman kasi kung siya pa papapuntahin ko. Baka asarin pa ko ng mga kaklase ko na baliw din sa kanya. 

*bzzt bzzt*

From: Christian 

Dito ako field. May practice pala. 

End

May practice naman pala. E ano yung pinipilit niyang ihahatid pa ako sa bahay? Ano?! Mag-aantay pa kong matapos yung practice nila? Amp siya ah. 

Syempre kasama ko pa rin si Kate. Malamang andun din yung Louie niya. Kaso nakakainis kasi kung mag-aantay si Kate, malamang mag-aantay din ako. Nakakabadtrip naman talaga.

GAME OVER [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon