Someday (LMBTO Fanfic)

6.5K 119 113
                                    

 ♬ Someday you'll gonna realize

One day you'll see this through my eyes 

Habang pinagmamasdan ni Kyohei ang napakagandang bride na si Ren na naglalakad papunta sa altar, pakiramdam niya parang unti-unting dinudurog hanggang sa magkapira-piraso ang kanyang puso. Sa totoo lang, ayaw niya sanang dumalo sa kasalang ito, kaya lang ayaw niyang magtampo sa kanya si Ren at siyempre hinding hindi niya ito matatanggihan. Kahit masakit para sa kanya, dumalo pa rin siya. Gusto niyang patunayan sa sarili niya na kahit nasasaktan siya, kaya niya pa rin. Kaya heto siya ngayon, pilit niyang ipinapakita ang kanyang ngiti na nagsasabing okay lang siya. Na tanggap niya ang nangyayari.

 ♬ By then I won't even be there

I'll be happy somewhere even if I can't 

Siguro kung naging matapang lang siya noon, siya ngayon ang nakatayo at naghihintay sa altar na nakangiti...hindi si Sol.

Siguro ngayon siya na pinakaswerteng groom sa buong mundo.

Siguro siya ang magiging ama ng mga magiging anak ni Ren.

Siguro ngayon kung di lang siya naging duwag noon, magiging sa kanya si Ren at hindi kay Sol.

Napakaraming 'siguro' .....

 I know you don't really see my worth

You think you're the last girl on earth

Well I've got news for you 

"Dude, okay ka lang ba ?" sabi ng katabi niyang si Red na may halong pag-aalala, "Pwede ka namang mauna na lang sa reception area. Mauunawaan naman iyon ni Ren at Sol." dagdag pa ni Omi.

Ang Lucky 13 , isa sila sa nakasaksi sa pagiging duwag ni Kyo.

Alam din nila kung gaano kamahal ni Kyo si Ren.

Alam din nilang, napilitan lang si Kyo makapunta sa kasalang ito.

"Okay lang ako. At saka, hindi naman magandang tignan kung bigla na lang akong aalis habang nagpapalitan sila ng wedding vows..." sagot ni Kyo sa dalawang nag-aalalang kaibigan..

"Sure ka dude? Ikaw lang naman inaalala--"

Di na pinatapos ni Kyo sa pagsasalita si Red sabay sabing, "Okay lang ako, isa pa kailangan kong maging masaya dahil kasal ngayon ng pinakamamahal kong babae" ngumiti siya ng pilit at pinatuloy ang pagsasalita, "Aminado akong nasasaktan ako, pero kailangan kong kayanin... tutal magiging masaya naman si Ren... sila. Wala nang hahadlang pa sa pagmamahalan nila at ayoko maging hadlang. Kung masaya sila...masaya na rin ako."

Tinignan ni Red at Omi si Kyo, wala silang masabi. Para sa kanila, isa si Kyo sa pinakamatapang na lalaki na nakilala nila.

"Ikaw ang bahala..." nasabi na lang ni Omi.

Habang pinagmamasdan ni Kyo, ang bagong kasal na sina Ren at Sol na sumasayaw ngayon sa reception area, hindi niya talaga mapigilang masaktan.

Sino nga ba naman ang hindi masasaktan kung nakikita mo ang pinakamamahal mong babaeng masaya sa piling ng iba?

Minsan , hindi na alam ni Kyo kung ano ang dapat gawin....

♬ ' Cause someday, someone's gonna love me

The way I wanted you to need me

Someday, someone's gonna take your place 

"Alam mo , bakit hindi mo na lang isipin na yung ginawa mong pagpaparaya ay tama lang?"

Nagulat si Kyo nang biglang may nagsalita mula sa likuran niya, si Mimi.

"Bakit hindi mo na lang tanggapin na sila talaga ang para sa isa't isa? At isipin mo na lang din na maligaya sila ngayon. Masaya na sila sa piniling buhay nila. Dapat ay maging masaya ka na rin para sa kanilang dalawa."

Natahimik na lang bigla si Kyo. Wala siyang masabi.

Tama. Tama ang sinabi ni Mimi.

Dapat maging masaya siya para kay Ren at Sol.

Tama din naman ang ginawa niyang pakawalan si Ren dahil alam niyang hindi siya para sa kanya. Mas deserving si Sol para kay Ren.

Karapat rapat din namang maging masaya si Ren. Sa daming pagsubok ang dumating sa buhay niya.

Si Sol ang karapat dapat kay Ren, siya lang at wala ng iba.

Madami ding pagsubok ang napagdaanan ng dalawa. Maraming din tumtutol nung una.

Napangiti si Mimi nang makita niyang ngumiti si Kyo.

Isang totoong ngiti , walang halong lungkot. Pure happiness.

Natulala na lang si Kyo ng makita niya ang napakagandang ngiti ni Mimi na ngayon lang niya nasilayan. Napag isip isip niya, si Mimi isang simpleng babae na may simple pero unique na kagandahan.

Nagulat na lang siya ng...

*lub.dub.dub.dub*

Magpapasalamat sana siya kay Mimi ng bigla itong magsalita,

"Napakaraming babaeng pwedeng magmahal sayo ng lubusan. Yung para talaga sayo. Na pwedeng pumalit kay Ren diyan sa puso mo." nakangiting sabi ni Mimi saka tumalikod at nagsimula ng maglakad.

♬  One day, I'll forget about you

You'll see, I won't even miss you

Someday, someday 

'Sa totoo lang , nakita ko na ang babaeng karapatdapat sakin.' bulong ni Kyo sa kanyang sarili , tsaka sinundan si Mimi para yayaing sumayaw.

Someday (LMBTO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon