chapter six

1.3K 46 17
                                    

yehey ! tapos na retreat namen at super saya at enjoy talaga !

i super love my classmates na xDD

maraming thankyou sa mga nag intay , nag basa . nag vote at nag comment sa last chapter ! i really really love you <3

kaya eto na update . enjoy reading .

VOTE.COMMENT.LiKE

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

“pwede ba Dustin? wag ka ngang palakad lakad dyan. Nahihilo ako sa iyo eh.” I stopped and looked at Ian.

Nandito kami ngayon sa clinic, binabantayan namin si Cleo na nahimatay. Simula nung dinala siya dito nandito na kami. Sabi nila Ian excused na daw kami sa class. Uwian na rin ngayon.

“Problema ba yun? edi wag mo akong tignan.” sabi ko kay Ian tas Umupo ako sa isa sa mga upuan dun. Natataranta na ako. I don’t know what will happen when Cleo wakes up. Will she get mad? O normal lang?

“pshhhhh. Sungit.” sagot ni Ian saken .

 Pumasok naman si Charlie at si Kiel sa room ni Cleo. Yung kwarto kung nasan kami bukod sa may magandang hospital bed, may TV, ref, aircon at mamahaling furnitures.. hindi mo aakalaing parte pa rin yun ng clinic. Kapag lumabas ka ng kwarto na ‘to, lalabas ka sa totoong clinic. Makikita mo dun yung nurse at saka doctor. Hindi ko lang alam kung bakit may sariling kwarto si Cleo dito. 

Bigla naman akong napatayo. 

“anong sabi nung nurse? Ano daw problema kay Cleo? Kailan daw siya magigising?” 

“aba aba. Bakit parang concerned na concerned ka kay Cleo?” umupo si Kiel sa isa sa mga lazy boy doon.

Umupo ulit ako at huminahon. 

“bestfriend ko siya.. dapat lang na mag-alala ako.” 

Umupo naman si Charlie sa may arm rest ng upuan kung nasan si Kiel.

 “we all know na alam mo na na hindi ganun ang ibig sabihin ni Cleo nung sinabi niya na ‘bestfriend’ ka niya.”  sabi ni charlie .

“yeah, I know. You don’t have to remind me.” araw-araw kong naaalala na ako ang ‘bestfriend’ ni Cleo. “so, ano na ngang sabi nung nurse?” 

“pagod lang daw. Hindi sapat yung tulog ni Cleo. Siguro kakaisip sa’yo. ” sabi nga niya pumasok siya ng maaga para lang makita ako. Akala ko naman dahil sa new look ko kaya siya nahimatay.

“buti naman at yun lang.” I sighed. Medyo gumaan yung pakiramdam ko sa narinig ko.

“what’s the concern for? Di ba dapat maging masaya ka na nagkakaganyan si Cleo?” napaisip naman ako sa tanong ni Charlie.

I should be celebrating to my heart’s content. Pero nandito ako ngayon.. nag-aalala para sa kanya. Maybe I was just moved by what she said. Nag-effort siya para sa akin.. she did things for me that I never thought anyone would do. Yung ibang tao inaasar ako dahil sa itsura ko. Oo si Cleo rin, pero siya.. gumawa ng paraan para mabago yun.

I honestly don’t know why.

Napatingin kami kay Cleo. Umuungol siya. Tumayo ako para tignan kung may masakit ba sa kanya. 

“are you alright? May masakit ba? Tell me.” unti-unti naman siyang umupo ng maayos tapos inaalalayan ko siya. 

“where am I?” 

GangLeader is a GiRL ?! (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon