Chapter 5

45K 738 127
                                    

Chapter 5

Agad akong bumaba sa kotse nang huminto ito sa tapat ng eskuwelahan. Dinungaw ko si Luis sa bintana ngunit lumabas na rin pala ito. Umikot siya palapit sakin.

"Hindi nga pala kami uuwi mamaya doon." he inform me.

"Pati si Spencer?"

Kararating lang niya aalis na naman?

"Oo, pinatatawag ata siya sa mansyon." Tumango lang ako. "Okay lang ba ulit na mag-isa ka muna ng mga ilang araw?" Nag-aalalang tanong nito.

I just rolled my eyes. "Sanay akong mag-isa doon, Luis. So, don't worry about me?"Nakangising kong sabi dito.

Tumawa ito at ngumisi din. "Alam mo namang ikaw lang, diba? Syempre mag-aalala kami sayo." Sabi nito at niyakap ako.

"Alam ko naman yun. Ano ka ba?"

"Good girl" pinapat pa nito na parang aso ang ulo ko. "Nga pala ikaw ang magiging date ni Lester sa college night nila next saturday night. " sabi nito habang papasok sa loob ng kotse.

"Huh? Pero..." sumilip ako sa bintana.

"No Buts. Ipapadala ko na lang yung damit na gagamitin mo, okay? Bye." Pinaandar na nito ang sasakyan at humarurot palayo. Hindi man lang niya hinintay kung ano ang sagot ko.

Umiling na lang ako. 

Sana naman hindi mauulit iyon nangyari nung isang gabi.

Nang mawala na sa paningin ko iyong kotse ni kuya ay humarap na ako sa may gate.

Nawawalan ako ng ganang pumasok. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko habang papasok. Huminga na lang ako ng malalim para maibsan ang takot.

Matiwasay akong nakarating sa aming classroom. Kahit nagtataka ako kung bakit ang normal ng paligid ay dumretso lang ako sa upuan ko.

Walang estudyanteng nakabitin sa flag pole. Walang alipores na nakakalakat sa hallway. Walang mga babaeng nababalandra ng katawan at walang mga hari.

Mayamaya dumating na rin si ma'am Cordova, ang calculus teacher namin, at nag-umpisa na itong magturo. Pinilig ko na lang ang ulo ko't nagfocus points, x and y axis na nakasulat sa harapan. 

Nung nasa gitna na ata ng tinuturo ni ma'am ay lumipad na ang utak ko. Tinamad na akong makinig at nabored na ako. Hindi ko talaga maintindihan minsan kung bakit umaabot ng isa at kalahating oras ang isang subject. Di ba nila alam na 30 minutes lang ang capacity ng isang estudyateng makinig pagkatapos nun wala na. Kung saan saan na lumilipad ang utak nila. Tsk!

Alam kung hindi ako matalino kaya nga nasa second section ako eh. Dalawa lang naman ang section per year ang paaralang ito. Sa section namin ay ang mga student na may average grade na 85 to 90. Pinaghirapan ko lang talaga maabot ang average grade nila. Habang iyong first section na 90 above. In short, mga extra ordinary ang mga utak na nasa first section. Binabase kasi sa academic ng isang student kung saang class ito maibibilang. Kung sa sports o EA naman ay masasabi kong parehong magagaling ang mga estudyate. Pero syempre pagdating doon may competition na nangyayari sa pagitan nila. Unfortunately, kapag sasali ang mga DE ay laging kulilat kami.

Tama na ngang kaiisip tungkol sa Brousseau Academy. Mabuti pang matulog muna ako saglit. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip tungkol sa lalaking iyon at sa gagawin niya sakin.

Pinatayo ko ang libro sa harapan ko at nilagay ko naman ang notebook ko mesa at nagkunyaring binabasa ito habang nakayuko at nangangalumbaba. Tumingin mo na ako kay ma'am, nung mukhang hindi naman yata niya ako napapansin dahil siguro nasa dulo ako, tapos sa mga kaklase ko ay pinikit ko na ang mga mata ko't natulog na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Making Her MineWhere stories live. Discover now