Crzy103

1.5K 41 8
                                    

Katulad ng sinabi ng iyong teacher, maaga nga ang inyong uwian dahil half day at may meeting sila. Namromroblema ka naman ngayon kung paano mo mabibili ang kapatid mo ng pasalubong gayong napakamamahal ng mga bilihin sa tindahan. Ultimo isang slice ng chocolate cake na bibilhin mo sa isang bakery e P50 na. Pamasahe mo na yun pauwe.

Habang naglalakad di mo napansin ang 3steps ng hagdan kaya ayun, nadapa ka. May narinig ka namang tumatawa. Hindi pala tawa,HALAKHAK sa may likod mo. Tumingin ka rito para lamang makita ang isang gwapong lalaki na may mala-lobong tenga na pumapalakpak pa na parang seal na nakatingin sayo. Patuloy lang sya sa paghalakhak at pagpalakpak na parang siraulo.

'Lakas ng trip nito ah? Sa halip tulungan ako, tinawanan pa ko' sabi mo sa sarili mo at tumayo ka at pinagpagan ang palda mo. Magsasalita ka na sana noong may dumating na isa pang lalaki, si Chen.

"Ayo! Chanyeol. Anong nangyayare sayo?" tanong ni Chen sa Seal na tuwang-tuwa.

"HAHAHAH. HAHAHAH.HAHAHA." sagot ng Seal na naluluha-luha na. Nakashabu ata?

"Huy! OA na. Tara na kaya!" sabi ni Chen at hinihila-hila na si Seal. Di ka pa napapansin ni Chen kase isnabero yan, HAHAHA. Charot lang. Aba ewan ko kung bakit di ka pa nya pinapansin. XD

"Mi---miss. HAHAHA. Sa susunod, Mag-sho----magsho----magshoshort ka.... HAHAHAHA." sabi ni Seal bago pa man siya tuluyang mahila ni Chen palayo sayo. Namula ka naman bigla, PANGALAWANG BESES nayun. PANGALAWA na!

'Pano ko mag-shoshort? E ang ikli-ikli kaya ng palda. Ang hahaba ng shorts ko.' sagot mo naman sa utak mo, pero alam mo na namumula ka na.

"Uy! Chanyeol! Ano baaaa!" sabi ni Chen, siguro hinihila parin nya yung seal na OA makatawa sayo sa nangyare.

"Hu-huwait lang. HAHAHA." sabi ni Seal.

"Ano ba kaseng---- Uy! Sei! Ikaw yan di ba?" si Chen yun. Napansin ka narin nya-sa wakas.

"Hehe. Hi Chen." sagot mo naman. Di ka makatingin sa kanya, namumula ka kase, di ba nga? Nahihiya ka.

"Anong nangyayare sayo? Ano ginawa sayo ni Chanyeol?" sabi ni Chen. Tumingin ka na sa kanya tapos sa Seal na kumalma na yata.

"Wa-wala. Haha. Uuwe na ko ah." sabi mo at nagbow ka.

"Tara sabay ka na samin!" sigaw ng isa sa mga boses. Hindi yun kay Chen, sa SEAL yun. Humarap ka uli sa kanila at umiling-iling. Nagwave goodbye ka na at nagmamadaling pumunta sa may gate.

'Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya!' sabi ng utak mo habang paulit-ulit na nagflaflashback sa utak mo ang nangyare kanina.First day na First day, puro kahihiyan ang natamo mo. Pumara ka na ng jeep at tahimik mong hinintay ang pagdating nito sa bababaan mo.

~

Aish. UD ng UD di pa nagrereview XD

Later nlng nga~ Babye~

~Fortis_Mikael XOXO

I met a Guy named "Chen" (EXO FANFIC) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon