Kabanata 17

43.1K 1.2K 32
                                    

|Chantal Leigh POV|

"Tapos kana bang nag-empake, Chantal?" Nakaupo parin ako sa bed ko na half nakatulala while my half thougts were lost. It's been a week and yet walang nagpakitang Tristan or kahit man lang text. I gave him chance na magpaliwanag yet wala paring ni anino ng Tristan na nagpakita.

Kinuha ko ang phone ko at tinext ito. Nilunok ko na ang pride ko para kahit papano malaman ko ang side niya. 

Hi. How are you?

Then I hit send. I clutch on my phone and check it every minute. 

"Chantal!" Narinig ko na naman ang boses ni mommy. Medyo lumakas na ang boses niya. Since I wasn't myself for the past days, kaya napagpasyahan nila mommy at daddy na isama na ako sa Brazil. They had done all the papers for transfer ng di ko nalalaman just until last night. 

"Yes, mom," walang-ganang saad ko. 

Ilang minuto na ang lumipas wala paring text. I decided to call him.

The number you had dialed is not in service. Please try again later. 

"Honey, umiiyak kana naman," Pinahid ko ang luha ko ng maramdaman ko ang kamay ni mommy na pumatong sa balikat ko habang kagat-kagat ang labi. Nakatitig pala ako sa monitor ng cellphone ko habang tumutulo ang luha ko. 

"Mom, please ... Can I see him for once?" Tumitig ako kay mommy na hindi na ako nag-abalang punasan ang mga luha ko. Nagsusumamo ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. 

Naging malamig bigla ang mga mata ni mommy pagkasabi ko ng mga salitang iyon. "Anak, if hindi ka niya tinatawagan or tinexan man lang that's means to say, he doesn't really care. Wag ka ng mag-aksaya ng panahon. You will learn to forget him, I promise. It's just a matter of time," mom cajoled and she pulled me to her and hug me real tight saka ito bumungtung-hininga ng pagkalalim-lalim.

Lalong namalisbis ang mga luha ko at hindi ito maampat sa pagtulo. Parang unti-unti akong pinapatay sa loob. Ano na kaya nangyari sa kanya? Wala na ba talaga akong kwenta sa kanya?

"Please mom, just once? Promis, just this once. I want to know the truth," pagsusumamo ko ulit. 

Tinitigan ako ni mommy. Hinawi nito ang buhok kong nakatabing sa mukha ko saka niya pinunasan ang mga luha ko. "Bakit sa dinami-dami ng mga lalake, sa anak pa ni Seb ka nagmahal anak?" Parang wala sa sariling nasambit nito. Titig na titig lang din ako sa mga mapupungay na mata ni mommy. Medyo may hawig pala kami.

Siguro ang ganda ni mommy nung dalaga siya, dahil hanggang ngayon, maganda parin naman siya. Parang hindi siya tumatanda.

"Mom,"tawag ko ng makita kong parang naiiyak siya.

"Sige, tara na. Magpahatid na tayo kay Francis habang si daddy mo may kameeting pa." 

Dali-dali naman akong tumayo at hindi na nag-abalang magbihis. Naka sweatpanst parin ako saka naka tee lang at flipflops.

Not long, pumarada na ang Lincoln na sinakyan namin ni mommy. Ang mataas na gate ay sakto namang bumukas at pumasok ang isang pulang Lamborghini. Kumabog ang puso ko. Baka si Tristan ang nagdadrive. Mahilig naman kasi ito sa sports car.

"Follow that red car, Francis!" Mom ordered our driver and Francis acquiescently obliged. Ng pumarada ang pulang sasakyan sa harap ng mansyon, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naghaharumentado sa bilis. 

Pumarada sa likuran ng Lambo ang sasakyan namin at pinanood naming lumabas ang isang matipuno at matangkad na lalake sa harapan ng manibela. Tumingin ito sa sasakyan namin at inalis nito ang sunglasses niya. 

The Devil's Angel |Montoya Series 1|Where stories live. Discover now