Chapter 4 - Inferno

836 32 2
                                    

Chapter 4 - Inferno

CASS' POV

NANDITO ako ngayon sa aming headquarter. Isinasagawa ang plinano naming dapat gawin.

Kasama ko dito ang GOLD ng underground. Magkakasama kaming lahat at ako ang bumuo ng grupong ito.

"Uno. Nalocate ko na kung ano ang next target nila." sabi sakin ni Tres—Gold 3.

"Good. Magpadala ka ng tauhan mo dun, at sila na bahala." Ma-awtoridad na sabi ko at sumunod naman siya.

"Successfully hacked!" Maarteng sabi ni singko—Gold 5.

"Nakuha na natin ang halos lahat ng hawak nilang mafia sa mundo ng hindi nila nalalaman." Napalingon ako kay Dos—Gold 2.

'Magaling!'

"Tawagan mo si Kwatro. Sabihin mong ipanalo niya ang laban sa Egypt. Atsaka pumunta dito pagkatapos." Utos ko kay Tres na agad din namang sumunod.

"Hindi na ako makapaghintay, uno." makahulugang sabi ni Dos.

'Parehas lang tayo.'

Ngumisi naman ako sa kanya. "Ako din naman dos."

"Oh eh, ang tanong Kayo lang ba?" Singit naman ni Singko. Natawa naman kami ni Dos.

"I can't wait to see their blood run through my hands." galit na sabi ko habang nakakuyom ang aking kamao.

Konti na lang.... At sisiguraduhin kong mauubos kayong lahat!

***

FAUZIA's POV

MALAKAS ang kalabog sa dibdib ko pagpasok namin ng underground. Nakatanggap kami ng mensahe mula sa Underground na ngayong gabi ang laban namin.

Lahat kami ay kabadong kabado sapagkat hindi basta basta ang kakalabanin namin ngayon, kahit sabihin mo pang lima kami at mag-isa lang siya.

"Hoo! W-we can make it." kinakabahang sabi ni Serrah.

"Pucha! Kahit babae 'yun, hindi ko maiwasang kabahan!" sabi ni Louie.

"Nandito na eh. Harapin na lang natin." parang wala sa sariling sabi ni chad pero halata namang kinakabahan.

dO___Ob

Gusto kong matawa dahil sa kabaklaan ng dalawang 'to ngunit wala sa timing. Kailangan ko magfocus dahil kung hindi bali-bali ang buto ko nito pagkatapos.

Kalmadong-kalmado pa rin si Xander. At hindi kakakitaan ng emosyon.

Tch! Kabadong-kabado na nga't kami lahat. Kalmado pa ren?!

***

Napuno ang ingay sa loob nung maglakad kami patungong Circle of Death—kung saan kami maglalaban-laban.

Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa Archer na dala ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak dito para hindi manginig.

"Ow, The Yobbo Silver 1 are here already. Ha-ha-ha!" inirapan ko lang announcer.

The Vengeful Empress GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon