Chapter 5

11.4K 243 0
                                    

Dahan na dahan na minulat ko ang mata ko pero napapikit ako dahil parang mabigat ang talukap ng kaliwang mata ko.

Fuck you Adam! Ang sakit nang suntok mo!

"Joey...." boses ni Charlene ang pumutol sa samu't saring mga sumpa na ipinupukol ko kay Adam.

Tinangka na ngumiti pero napangiwi ako sa sakit sa panga na nadama ko kaya nasapo ko agad ito.

"Ouch..."

"Are you alright Joey" nag aalalang lumapit sa tabi ko si Charlene at hinawakan ang baba ko.

"Yeah, basta ba aalagaan mo ako panigurado gagaling agad ito" sagot ko dito.

Ngumiti ito at inalalayan ako pahiga sa katre.

"Nasa school clinic ba tayo?" Tanong ko dito.

"Yes...may nakalimutan kasi ako sa library kaya bumalik ako then nakita kita nakabulagta at walang malay may pasa sa mukha tulo laway pa kaya bilang good samaritan ako....I help you" sagot nito.

"Thank you Charlene" malambing na sabi ko dito.

Umilap ang mga mata nito saka namula ang magkabilang pisngi nito which make her Cute....

"Welcome and don't think na ginawa ko yun dahil mahal kita, gusto kita or may crush pa ako sayo wala na po Mr. Joey Torres break na tayo" namumulang litanya nito.

Natawa ako dahil sa sinabi nito pero muli ay napangiwi ako dahil sa namamagang mukha ko na sinuntok ni Adam my Bestfriend pati na ang sikmura ko.

"Hey are you really alright?" Nag aalalang agad na dinaluhan ako dito pero mabilis na nahawakan ko ito sa braso nito at hinila palapit sa akin.

"Break na tayo agad agad? Di pa nga kita sinasagot" tudyo ko dito.

Hinampas ni Charlene ang dibdib ko at napangiwi ako sa sakit na dinulot nito kaya napaubo ako.

"Geez... Joey stop teasing me look what I accidentally did to you" anito at saka hinagod nang palad nito ang likod ko.

"It's okay Love gusto ko nga nang karinyo brutal kaysa sa mga patweetums na mga babae dyan" sagot ko dito.

"May karinyo karinyo brutal ka pang nalalaman dyan sikuhin kita dyan eh" namumulang inakmaan ako nito ng siko nito.

"Sige para sa'yo Love handa ako na mabahiran ng pasa ang mukha ko na saksakan nang gwapo" biro ko dito at muli ay pinamulahan ito nang mukha.

Nag eejoy ako na panoorin ang mga nakakatuwang reaksiyon nito sa mga pagbibiro ko.

"May mabahiran hiran ka pang nalalaman dyan eh maga na nga mukha mo and I'm sure bukas may block eyes ka na, sino bang gumawa nyan sa yo? Dapat na mareport sya para di na gawin pa sa iba" anito.

Nangingiti na kinuha ko ang kaliwang palad nito at masuyong pinisil.

"Inggit lang sa kagwapuhan ko si Adam kaya ayun pinamaga nya mukha ko pero pasensiya na lang sya kasi sa sobrang kisig at gwapo ko taob pa din sya sa akin" pagyayabang ko dito.

Napailing naman ito sa sinabi ko.

"Ngayon ko lang nalaman na napakayabang mo pala"

"Na kasama sa nagustuhan mo sa akin di ba?" Sabi ko dito.

"Sige na mauna na ako" pagpapaalam nito at umakma nang tatayo pero muli ay mabilis na nahawakan ko ito at hinila papunta sa akin.

Nang malapit na ito sa mukha ko ay namumulang napapikit ito na kinangiti ko at saka hinalikan ko ang noo nya at saka niyakap at hinagod ang buhok nito.

Napapikit ako nang masamyo ko ang mabangoy amoy ng buhok ni Charlene.

"Joey" tinangka nito na kumawala sa yakap ko pero lalo ko pa syang nilapit sa katawan ko.

"Please pwede bang dumito ka na muna at samahan ako" pakiusap ko dito.

"Joey" tinangka nito na magprotesta.

"Please Charlene" muli ay pakiusap ko dito.

Narinig ko na huminga ito nang malalim.

"Okay pero galit pa din ako sa yo kaya wag kang mag isip na kinikilig ako ha" wika nito pagkaraan.

Hinapit ko pa lalo si Charlene sa katawan ko hanggang madama ko na na iisa na lamang ang temparatura nang katawan namin pareho nito.

Idinantay ko ang ulo ko sa leeg nito para samyuhin ang natural na bango at sanghaya nang katawan nito.

"Charlie...." tawag ko sa palayaw nito.

Naramdaman ko na natigilan ito.

"Joey stop it, don't call my nickname as form of endearment baka ma inlove na naman ako sayo nyan" angal nito na mahina ko namang tinawanan.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa katawan nito.

"Bati na tayo please Charlie kung may nagawa man akong kasalanan sa iyo please patawarin mo na ako" pakiusap ko dito.

"Promises, Promises" anito.

"Promises is like a mirror, what you see is what you want to see, but I'm not that type of man who like to make empty promises, Me...
Joey Torres like to Swear... please Charlie, I swear to you that I never look again in any other woman" sabi ko dito.

Kumalas ito sa pagkakayakap ko at misty eyes na tinitigan ako.

"You swear?" Paniniyak nito.

Nakangiting tinaas ko ang kamay ko.

"I Swear"

"Kahit kay Diane?" Tanong nito.

Natigilan ako sa tanong ni Charlene.

Ngumiti ito na di naman umabot sa mga mata nito at hinawakan ng magkabila nitong palad ang mukha ko.

"Nevermind ..... I take that as a challenge to make you fall in love in me" sabi nito at dinampi nito ang malambot na labi nito sa namamagang labi ko pagkaraan ay nangingiting muli ay pinagmasdan ako.

"Charlie..." napalulunok na tawag ko dito.

Ewan ko ba pero tumambol ang dibdib ko nang pagkalakas lakas sa ginawi nito.

"Baby steps" sabi nito na kinataka ko.

"Ha?" Ngumiti ito sa akin.

"One step at a time was not enough to make you fall in love to me so I settled in baby steps maybe with that long waiting I finally get what I want" sagot nito na kinatambol uli nang malakas ng dibdib ko.






Twice A ReboundDove le storie prendono vita. Scoprilo ora