Book two Chapter 3

123K 1.7K 177
                                    

Ram

"Kung ako sayo, sasama ka na lang sakin ng matiwasay at hindi na 'ko papalag pa. Kung ayaw mong magkagripo ka sa tagiliran." someone said behind me.

I stilled. "What do you want?" Hinalungkat ko ang isip ko, trying hard to think of the smartest thing to do. Pero sadya yatang naiwan ko sa apartment ang utak ko. Oh damn! Paano mangyayaring makakapasok sa loob ng opisina ko ang kung sinong mang ito?

He pointed a gun on my back and my heart pounded in my ears. No! I had enough near death experiences! Hindi pwede 'to!

"Uhh, can we please t-talk about this f-for a second?" I am scared, to say the least. I am terrified. Ano bang kailangan ng hayop na 'to? "I-I can give y-you money if that's what you want." Man! I couldn't help but stutter! Grow a pair, Ram! Tss. Pero kung ikaw ba naman ang tutukan ng baril sa likuran mo, ng kung sino man 'to, malamang maihi ka sa pantalon mo!

"How much are we talking about here, Ram?" napanganga ko nang makilala ko ang boses na yun.

I jumped back and faced my attacker. "Putangina mo Drae!" were the first words that came out of my mouth. Gusto ko sana siyang balian ng leeg dahil halos maglupasay siya sa sahig ng opisina ko kakatawa. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

"Oh, you should have seen your face!" sabi niya habang nakaturo sa mukha ko ang isang daliri at ang isang kamay ay nakahawak sa tiyan. Mamatay matay sa kakatawa si gago at nanggigigil naman ako sa kanya. "Priceless!"

I rolled my eyes at him and proceeded to my table. Inayos ko ang bahagyang nagulo kong tie. Childish. "Ano bang ginagawa mo dito? Sinong nagpapasok sayo?!" napatingin ako sa kamay niya, tangan niya ang remote ng aircon. God! How could I be so dumb?! I should have known it's not a gun! For God's sake! It's a freakin ACU remote!

"Your secretary," he said while wiping tears from his eyes. "Grabe, that was so fun, I should do that more often."

"Gago ka. I almost pissed in my pants! You f*cking moron!"

Lalo pa iyong nakapagpatawa sa kanya. "Sh*t! What happened to you? Lemme see it, have you grown a v-gina?! Yan sinasabi ko sayo eh, puro si Charlie na lang kasi tinitira mo-"

"Hoy tarantado! Wag mo idadamay dito ang girlfriend ko!" naiinis na turan ko.

"Alright!" tinaas nya ang magkabilang kamay."Chill, okay?" he grinned at me. "Hayup, pa-girlfriend girlfriend na lang!" tudyo pa niya.

"Don't pull that sh*t again!" pailing iling ako.

"Yeah, yeah! I don't think you'll fall for that crap again, anyway. Try ko naman kay Scor. Then I'll make sure, I have it filmed." he had another fit of laughter.

Napailing na lang ako. Kung minsan napaka isip bata talaga ng hayop na 'to. "Ano nanaman bang kailangan mo?" I asked him as I sat on my lounge chair.

"Kailangan mong sumama sakin." naupo naman siya sa upuan sa harap ko.

"Saan naman?"

"Bar hopping dude, chill ka naman minsan!" aniya. "Kelan ka ba huling sumama samin na mag inom? Seemed like forever bro, bet your dick had shrinked into a-"

"Tumigil ka na nga!" suyang suya na putol ko sa sasabihin niya. "Puro ka kaanimalan."

Tawa ng tawa si kumag. He went on and on about the stunt he pulled on me. Nakakapikon pero hinayaan ko na lang. Yan siya eh! I just reminded myself not to get too high on caffeine. It's taking its toll on me already, masyado na 'kong nerbiyoso. Charlie kasi, dinadamay pa 'ko sa hilig niya. Tsk.

Wicked Ways 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon