Shared Experience

3.1K 55 2
                                    

This story is from jnxmaiv





Hi ms author. May i-sheshare lang sana akong creepy experience . Mga 2011 pa nun, summer vacation namin . So umuwi kami sa province. May mga kwento kwento kase sa province namin tungkol sa mga "aswang". Bale kapag umuuwi ako sa province is dalawang bahay yung tinutuluyan ko. Kase yung isa sa mother side ko, yung isa sa father side ko. And then dun muna ako natulog sa mother side ko.. kinaumagahan pumunta na ako dun sa may father side ko.. nauna kase umuwi yung cousin ko doon kaya pag ka dating na pagkadating ko is nagkwento kaagad sya ng naranasan nya "Uy, grabe talaga nung isang gabe! Halos ayaw na matulog nila tito dito sa bahay" kwento nya. Nagtaka naman ako kung ano nangyare. Sabi nya "patulog na sana kame nang bigla nalang may narinig kaming bumabato sa bubong. Parang gusto nya kameng palabasin sa bahay, alam naming malalaking bato yun" kwento pa nya. Nanlaki naman mga mata ko sa narinig ko. Sabi sabi din kasi na may kapre daw kasi nga may matandang puno sa likuran ng bahay. Malaki ang bahay na yun.. ang lola ko kasi sa tuhod ang may ari nun.. which is sa america sila ngayon nakatira... hanggang sa gabi na ako din mismo ang naka experience. Nung time na yun kase yung papa is nagka-injury kaya binilin saakin ng mama ko na gisingin ko ang mama ko kapag may kailangan ang papa ko. Binulungan pa ako ng pinsan ko. Kailangan ay palaging nakasara yung bintana. Pareho lang naman kami ng kwarto kasi isang malaking kwarto yun..kaya sama sama kami sa kwarto na yun pero ang creepy pa din.. since di ako makatulog ng maayos nun, pagising gising ako.. hanggang sa narinig ko yung bato.. as in mangiyak ngiyak ako ng marinig ko yun.. palakas ng palakas yung bato.. tapos hanggang sa magising yung papa ko.. biglang humina.. kaya pala sya gumising is magccr daw sya. Nakalimutan ko naman ang bilin ng mama ko na kung may kailangan is gisingin ko sya. Kaya ang ginawa ko ay inalalayan ko ang papa ko hanggang sa pintuan ng cr.. nanginginig ang mga tuhod ko sa narinig ko na yun..

Eto pa ms.author medyo marami kasi akong creepy experiences. Last may lang to nangyari.. nasa province din ako nun for summer vacation.. Sa last kong story ay nasabi ko na malaki ang bahay na yun.. oo malaki sya wala syang second floor pero malaki..lalo na kapag vacation lang dumadami ang tumutuloy dun.. so, yung pinsan ko ay doon nakatira.. kaya nagpuyat kami nun ng pinsan ko kase dati pa talaga mahilig kaming magpuyat nun.. nasa dirty kitchen kami ng bahay.. katapat lang ng kitchen na yun is kwarto namin.. yung lola ko ay natulog na.. lahat tulog na maliban saaming dalawa.. ewan ko lang kung gising din yung tita ko nun kasi may baby sya.. napag isipan naming gumawa ng sandwich ng pinsan ko.. kinuha namin yung toaster at ininit yung tinapay.. nung kumakain na kami, bigla nalang may parang tumalon sa bubong.. nagulat kame nun pagtingin namin sa orasan its 12:00am . As in kumalabog yung pag bagsak. Sabay pang may bumagsak sa bubong at sakto din umiyak yung pinsan naming baby..Hanggang ngayon ay palaisipan parin saamin yun..

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Where stories live. Discover now