Chapter 31 - I love You

5.5K 104 29
                                    

Chapter 31 - I love you.

***

"Til death do us part---Aray!" Nanlaki mata ko ng kamuntik nang mabitawan ni Luhan ang pagkakahawak sa karga nya ng hambalusin sya ni Kris sa pwet gamit ang binilot na dyaryong kani-kanina lang ay binabasa nya. 

Kinuha ko ang draryo at pinagkabilot bilot yon saka hinambalos den ang pwet ni Kris. This time, sya naman ang umaray. "What the hell?"

"Shh!" Saway ni Sehun. "Ang ingay nyo naman."

Inirapan ko nalang si Kris at saka naglakad papunta sa tabi ni Sehun na pinapanuod at kinukuhanan ng video si Luhan. 

"Why'd do that, babe?" Iritadong tanong ni Kris saka sumunod at umupo sa tabi ko. Hinaplos nya ang braso ko. "Sorry... di naman kasi dapat yun ang kinakanta nang kupal na yan sa bata."

"Ano ba dapat?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. Eh kasi naman... ako nga alien words ang lumalabas sa bibig ko kapag nagpapatulog.

"Twinkle twinkle...." Mukang nahihiyang sagot ni Kris saka dumapa sa kama at isinubsob sa unan ang muka nya. "Oy kayong dalawang kupal, bakit ba kayo nandito hah? Di pa ba sapat na nasira honeymoon namin dahil sainyo?"

"Ayy ayun pala gusto. Oy! Tanda mo na gumaganyan ka pa. Minamanyak mo lang ang paborito naming ate. Kailangan namin syang protektahan sayo." Sagot ni Luhan na mukang nagmamaasim na naman. Tumango naman si Sehun sa pag-sang ayon. "At isa pa, mahigit isang taon na ang nakalipas, di ka pa maka-move on? Ano ka bitter?"

"Una sa lahat, di ako matanda. Ikalawa, di pangmamanyak ang tawag don--"

"Ano pala?" sabad ni Sehun.

"Lambing. Kumontra ka, lilipad sayo tong kama. At bakit hindi nyo sya magiging favorite e iisa lang naman ang asawa ko. SIYA." Sabay turo pa ni Kris habang nakasubsob parin sa unan.

"Eh adik pala tong kuya natin, Luhan. Inasawa yung pader. Luxielle, kung ako sayo makikipag-divorce na ako sa abnormal na yan. Nagha-hallucinate. Ipagpapalit ka nalang dun pa sa walang dibdib." Natatawang sabi ni Sehun. Biglang bumangon si Kris at pinandilatan ang dalawa nyang kapatid. "Ayy bubuga na yan ng miasma."

Natawa nalang ako at kinuha ang karga ni Luhan. Mukang ayaw pa nga ibalik ni Luhan at nakadikit parin sakin. Noong makaupo na ako sa kama, uupo rin sana sya kaya lang sinalubong sya ng paa ni Kris. 

"Stop right there. Kung meron man sa bahay na ito na di off-limits kayo. Dito yon." Sabay tap pa ni Kris sa kama. "Gets?"

"No." Sabi naman ni Sehun na nakadapa na sa gilid ng kama at nagpi-PSP. Saglit syang lumingon kay Kris saka ngumisi. "Bakit, may ano ba dito?"

"Oo nga. Siguro may tinatago ka no? Into kinky ka siguro." Nang-aasar na sabi ni Luhan saka sinundot ang tagiliran ni Kris na agad namang hinampas ni Kris. "Uyy~ baka may costumes sa ibaba nito!" 

Akmang mangangalap na ang dalawa nang kaladkarin sila palabas ni Kris. "Dyan lang kayo."

"Bakit? Bahay mo ba to?" Sabay na tanong nung dalawa.

"Oo." At saka isinara ni Kris ang pinto. Pagkatapos non  ang yabag nalang nung dalawa ang narinig ko na pababa. "Ang dalawang yon talaga, lahat nalang." 

"Ikaw naman kasi, pinapatulan mo." Sabi ko.

"Hey~ mukang nagma-matured ka ata ah? Epekto ba ito ng hormones?"

"Nah. I just need to. Lalo pa ngayon. Ikaw? Kengkoy ka na ah." Sabi ko at napangiwi sya. 

"Nah. I just need to. Lalo pa ngayon." Panggaya nya sakin bago tumawa ng mahina at tumabi sakin.  Hinaplos nya ang pisngi ng karga ko. Yep, baby namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[MWMT] Married with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon