Part I

516 8 9
                                    

(A/N: Ginawa ko siya katulad ng format ng mga movies. Una muna yung palabas tapos yung intro music. Sinasabi ko para hindi kayo magulugahan. Pasensya na kung ang intro ay tagalog. At IUSNSD para uli sayo to. Salamat sana maging magkaibigan pa tayo lalo. )

--------------------------------------------------------

( INTRO )

Si Shinichi Kudou ay ang sikat na detective sa Tokyo. Si Shinichi ay anak ni Yusaku Kudou na isang sikat na writer at ni Yukiko Kudou na isang former artist. Nagsimula ang lahat ng namasyal si Shinichi Kudou kasama ang kanyang kababata na si Ran Mouri sa Tropical Land. Habang namamasyal sila nakasaksi siya ng illegal transaction sa pagitan ng lalaking nakaitim. Habang nanonood siya hindi niya napansin ang kasama nito na nasa likod niya kaya inampas siya nito. Dun pianaiinom siya ng gamot kaya lumiit ang katawan niya. Lumapit siya kay Professor Agasa para humingi ng tulong at itago ang totoong katauhan nito. Ng makita siya ni Ran tinanong kung anong pangalan niya at ang nasabi niya ay Conan Edogawa. Mula sa writer na si Sir Conan Doyle at 
Edogawa Rampo. Sinama siya ni Ran sa bahay nito. Ang taong nakakaalam ng totoo niyang pagkatao ay sila Hattori Heiji, mga magulang niya na si Yukiko at Yusaku, Prof. Agasa, Kaito Kid at Haibara Ai. Si Haibara Ai ay kagaya rin niya na lumiit ang katawan. Ang tunay na pangalan ni Haibara ay Shiho Miyano na naging parte ng Black Organization. Nagrebelde siya dahil sa pagpatay sa Ate niya na si Miyano 
Akemi. Upang makatakas ay ininom din niya ang gamot na pinainum sa akin kaya lumiit din siya. Si Shiho din ang nakagawa ng gamot na APTX 4869. Ang parte ng Black Organization Gin, Vodka, Vermouth, Chianti, Korn, at Bourbon. Alam ko darating araw na mapapabagsak ko sila. Kaya kahit lumiit ako ang isip ko ay hindi magbabago. 

There's only one truth. 

( Conan POV )

Nasa Osaka kami ngayon at kasama sila Ran, Hattori, Kazuha at Sonoko. Totoo lang sabit lang ang isang yan. Gusto daw niya makita si Kid. Kahit may Makoto na naghahanap pa rin ng iba. Baka makita namin siguro nagtatago na yun pero lagi naman yung nagtatago. Phantom Thief kasi kaya laging hinahanap. Kagagaling lang namin sa 
kainan ng okonomiyaki dahil nilibre kami ni Hattori bilang treat niya sa amin sa pagpunta namin sa Osaka. Ngayon ay papunta na kami sa Police Headquarter upang dumalo sa Conference kung saan invited si Uncle Kogoro. Kaya nandito kami sa Osaka nung una ayaw niya kami isama pero napilit din namin siya. Lalo na ako dahil gustong-gusto kong mahuli si Kaito Kid. Ang imbistigasyon kasi ay tungkol kay Kaito Kid. Kalat kasi ang balita na pumatay si Kaito Kid ng isang tao sa isang Apartment dito sa Osaka. Yun ang iniimbistigahan ng mga pulis ngayon. Ng makarating na kami sa Police HQ si Hattori lang ang pinayagan pumasok sa loob ng conference room pero pinilit ni Hattori na papasukin ako buti na lang at pumayag ang mga nagbabantay. 

Ako lang ang pwede kaya sabi nila Ran na sa labas na lang muna sila.

"Halika na Kudou" bulong na sabi ni Hattori.

"Conan"

"Bakit po Ate Ran?" Hinawakan niya ang ulo ko at hinimas. 

"Pakabait ka wag kang mangugulo sa kanila" Sinabi niya sa akin habang nakalapit ang mukha niya sa mukha ko. Nginitian ko lang siya. Umalis na silang tatlo at kami ay pumasok na. Pagkaupo namin biglang bumulong si Hattori.

"Hoy! Kudou namumula ka"pabulong niyang sinabi.

"Ano?" 

"Ikaw pasimple ka pa. Ginagamit mo ang pagiging bata mo" binubulong niya sa akin habang kinakalabit niya ako gamit ang siko niya.

"Tumigil ka nga" 

Ngumiti lang siya. Ngiting pang-aasar pero namumula ba talaga ako?

-------------------------------------------

Detective Conan last episode (Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon