January 4, 2018

3.5K 133 20
                                    

------------------------------------

"Babe"

"Hmmm"


"I love you" Napangiti naman ang dalaga sa narinig. Nag lalambing na naman ang kasintahan niya pero abala siya sa pag aayos ng mga regalo niya kaya di niya 'to mabigyan ng pansin.


"Okay" Yan lang ang naisagot niya na nag pasimangot sa kasintahan.

"Babe" Tawag nitong muli kay Ara.

"Hmmm"Pero di pa rin siya pinansin kaya naman ay hinarap niya ito sa kanya ngunit tinalukuran siya agad nito.

"Babe"

"Ano ba!" Galit na sigaw ni Ara dahil bigla na lamang siyang hinala paupo sa kanlungan nito.

"Inaaway ako ng fans mo." Sumbong kasintahan. Napakamot ulo naman ang kasintahan nang makitang pinatulis nito ang kanyang nguso.

"Hayaan mo lang" Tumayo siya sa kanlungan nito at bumalik sa pag aayos ng regalo.

"Babe"

"Ay nako! Busy ako! " Bulyaw ng dalaga. " Hayaan mo sila! Wala silang alam tungkol sa atin. Ang mahalaga mahal natin ang isa't isa."

"Talaga? Mahal mo ako?" Hinarap naman niya ang kausap at tinaasan ang kilay.

"Nag dududa ka pa? Mag dadalawang taon na nga tayo." Inis na sagot ni Ara. Ngumiti naman ng maloko ang kasintahan.

"Gusto ko lang ng Assurance. Malay ko ba kung may nagugustuhan kang iba o kaya baka na---"

"Aish! Oo, mahal kita pero busy ako later na lang. Love you!" Sumimangot naman ang kasintahan sa narinig.

"I'm the greatest gift you've ever receive from God kaya dapat inaasikaso mo rin ako."

"Ano ba ang gusto mo?"

"Ikaw." Malanding tudyo ng kasintahan.

"Good things come to those who wait kaya mag hintay ka." Inayos niya ang mga regalo ng mga kaibigan. Si Mika ay binigyan siya ng rubber shoes. Si Carol naman ay binigyan siya ng dalawang cap. Si Camille at Cienne ay binigyan siya ng pabango. Si Ate Aby naman ay shades. Ang pinaka guminbal sa kanya ay ang regalo ni kim dahil niregaluhan siya nito ng... LINGERIE. Nanlaki ang mata niya ng makita ito at madali niyang itinago!

Namula ang mukha niya dahil ito ang first time niyang makatanggap ng ganitong regalo. Saan naman niya gagamitin yun?

"Leshe talaga si Kim. " bulong nito ngunit narinig ito ng kaniyang kasintahan.

"Ohh! Inaaway mo na naman si Kim. " Saway nito sa kanya. Eto kasi ang kakampi ng kasintahan niya tuwing binu-bully niya ang kaibigan.

"Eh kasi naman yung regalo niya ang laswa!!" Reklamo niya.

"Ano ba yun!"

"Wala ka na dun." Pang babara niya sa kasintahan at nanahimik na ito.

Natapos na ang pag aayos niya ng regalo nang mapansin niya na walang regalo ang kasintahan kaya nilapitan niya ito.

"Saan ang gift ko?" Parang bata niyang tanong.

"Ara,Alis ka nga nanonood ako eh."  Napasibangot naman si Ara dahil iniisip niya na baka ginagantihan lang siya nito kaya naman ay umupo siya sa mga hita nito at tinakpan ang pinapanood.

"Akala ko ba ako yung gusto mo? Eh bakit parang mas gusto mo 'yang tv." Pang lalambing nito. Binuhat naman siya niyo para ilipat kabilang upuan.

"Good things come to those who wait." Pang asar nito sa kanya.

Tumayo naman si Ara at padabog na pinatay yung tv.

"ARA!!!"

"Awayin ka sana lalo ng fans ko. Di mo na nga ako binati, wala ka pang gift."

"Hindi pa ba sapat yung pag mamahal ko?"

"Nakakasawa na eh"

"Ah ganon?" Nagulat naman siya ng bigla siya hilahin at hinalikan ng punong puno ng pag mamamahal. Sa sobrang tamis ng mga halik nito ay nakalimutan na niya ang agenda kung bakit niya kinukulit ang kasintahan.

"Babe, I'm ready." Sabi niya.

Takang tanong ng kasintahan at medyo gulat sa sinabi nito dahil parang double meaning.

Niyakap naman siya ni Ara at saka bumulong sa kanyang tenga.

"I'm ready to go out in public with you."

"Talaga?"

Tumango naman ang dalaga.

"Oo, para di ka na nila awayin at tawaging pagong."

Natawa naman si Thomas sa sinabi ni Ara. 2 years na silang mag kasintahan. Hindi inaasahan ang lahat dahil parang usapang lasing lang ang nang yari pero nag work naman.

"Pwede na ko mag tweet? " Tumango muli ang dalaga.

Simple lang pero napakasaya niya dahil pwede na niyang ipag kasigawan sa buong mundo kung gaano niya kamahal si Ara Galang. No more subtle tweets o emoticon 🙂. Just him and his sincere words.

Umayos naman sila ng upo at kinuha niya ang cellphone para mag tweet. Maya maya ay nakita niyang ngumiti ang dalaga ngunit bigla rin namang nag bago.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?"

"Grabe napaka sweet." Matamlay na sagot nito. Natawa naman si Thomas sa pagiging sarcastic ng dalaga.

@ iamthomastorres:Happy Birthday idol! @ VSGalang

"Ganyan din yung tweet mo nung torpe days mo."

"At least after 3 years bumati na ko saka baka himatayin yung mga shippers natin pag nag paka cheesy ako." Naalala niya yung mg panahon na nag palit pa ng DP at name ang fans nila para maging kaparehas sa account niya upang masabi na may "ganap" sila kahit ang totoo ay pag tapos ng ginanap na party na inihanda ng mga teammates ni Ara ay sila naman ang mag kasama buong gabi. Isang tweet lang ang gusto ng mga fans nila noon pero hindi nila alam na may umaapaw ng alaala silang pinag samahan ni Ara. Memories that goes beyond tweets and it is planted in personal messages, direct mentions, and face time. 

There has been a lot of deleted tweets but the memories are still alive and they are more than willing to replace it with more than just a tweet.

"Sabagay" pag sasangayon ng dalaga. " Pero saan na yung gift ko?"

"Di mo ba nakita?"

"Kung nakita ko ba mag tatanong ako? " taas kilay nitong tanong sa kanya. "Pagong ka talaga!"

"Punta ka doon baka natabunan lang." Inis na tumayo si Ara para hanapin sa bundok ng regalo ang bigay ni Thomas. "Wala naman eh!"

"OMGosh!"

Gulat niyang sambit ng makita niyang nakaluhod si Thomas pag kaharap niya at may hawak na maliit na kahon na may nag lalaman ng singsing.

"I've been thinking on how can I make a lavish proposal that would make you say yes easily but I realized that it is not with the lavish setting or props but with the grand gesture and sincere words that are manifestation of my love for you." Pigil na luhang sabi ni Thomas habang si Ara ay kinakagat ang labi para pakalmahin ang sarili. "I know kakastart ko lang sa pro at maliit pa lang ang business ko pero I promise to work hard for us and our future. Nag paalam na ko sa parents natin and they are okay as long as we are happy."

"Ara, the moment that you came in to my life, you erased all my doubts and replaced it with an answer, your love. Sigurado na ko sayo." Umiiyak na sabi ni Thomas at si Ara naman ay lumuhod na rin at kumapit na sa balikat habang umiiyak. "Alam ko na I can't compensate all the times that I'm not with you but I believe that we have a lifetime to cherish and recreate all the missed moment we almost have. "

"Ara, Would you like to spend a lifetime and more birthday with me?"

"I would love to. " Kinuha ni Thomas ang kamay niya at isinuot ang singsing sa daliri ng kanyang fiancé.

"Happy Birthday, My love!" Niyakap niya ito ng mahigpit.

"I love you,Thom."

__________________

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now