Tindera: Minsan di kita maintindihan.
Ako: Hindi naman kailangang maintindihan tayo ng mahal natin. Mas mabuti kasi 'yong kahit hindi ka nila maintindihan eh hindi ka pa rin nila iniiwan.
Tindera: ??? Oh may bibilhin ka ba?
Ako: Pabili nga po ng alak.
Tindera: At maglalasing ka naman ngayon! Tapos maa-alala mo lang siya. Tapos bukas sasakit na naman ang puso mo.
Ako: Dalawa kaming maglalasing. Maglalasing ako para makalimutan kong mahal ko siya. Tapos siya lalasingin ko rin para kahit sa ilang saglit makalimutan niyang hindi niya ako mahal.
Tindera: Ganun pa rin 'yon eh. Tapos bukas paggising niya hindi ka na naman niya mahal.
Ako: Okay lang, sanay na ako. Alam ko rin namang paggising ko mamahalin ko na naman siya kaya patas lang kami.
Tindera: Patas ba 'yon?
Ako: Para sa akin oo. Dahil alam kong kahit di niya ako mahal, alam ko namang paggising niya buntis na siya.
Tindera: Ha?!! Hoy bata ka!
Ako: Joke lang po. Hehehe... Pabili nga po ng Red Horse.
Tindera: Ilan?
Ako: Isa lang po. Ako lang po mag-isa ang iinom.
Tindera: Huhugot ka na naman? At sasabihin mong sanay ka nang mag-isa? Ganun naman palagi diba? Palagi kang iniiwan at palagi kang nag-iisa.
Ako: Judgemental ka talaga kahit kelan. Sasabihin ko lang naman na bibili ako ng Red Horse dahil alam kong "Ito ang Tama."
YOU ARE READING
Hugot Lines of a Broken Heart
RandomA Collection of Hugot Lines and Random Sad Quotes. Warning: Do not Read if you're too sad and depressed. Thanks.