Chapter 12

480 28 5
                                    

Chapter 12

Third Person's POV

Lakad takbo ang ginagawa halos lahat na mga estudyante para masaksihan ang karumaldumal na krimen. Puno ng pag tataka at takot ang kanilang mga nararamdaman.

Nag tataka sila kung sino ang gumawa sa mga biktima. Walang gustong lumabag sa batas ng kanilang paaralan na pumatay sa kapwa, dahil alam nila anong mangyayari sa kanila. Isang matapang at walang takot na tao ang kanilang naiisip sa taong gumawa nito dahil nagawa nitong suwayin ang batas. Isang tao lang ang kanilang naisip sa ngayon.

Natatakot sila dahil baka bumalik na ang kanilang kinatatakutang tao. Ang taong pumatay ng libo libong gangsters. Ang taong pumapatay ng walang awa. Ang taong sinaniban ng demonyo kung pumatay.

Walang iba kundi ang sikat na mamamatay gangster o mas kilalang NYX

Ilang taon na ang lumipas nung huling pag patay ni Nyx ng mga gangsters dito sa paaralang ito. Hindi parin mawala wala sa kanilang isipan kung gaano ka brutal pumatay itong si Nyx.

Masyado itong misteryoso. Walang nakakaalam kung babae ba to o lalaki dahil wala pang nakakakita kung papano ito pumatay. Dahil kung sino man ang makakakita ay tyak na hindi na maabutan ng umaga mapa inosete man o hindi wala syang pakialam.

Pugot ulo at hiwa hiwalay ang mga parte ng katawan at isang itim na rosas ang kanilang palatandaan para matiyak na ang Gangster Killer ang may kagagawan. Ang itim na rosas na iniiwan ng Gangster Killer sa kanyang napatay ay hindi isang ordinaryong rosas. Ito'y isang poison. Pag sisinghotin mo ito ay mamatay ka kaagad at pag natusok ka sa mga tinik nito ay mapapariliza ka at habang buhay ka ng hindi makakagalaw. Ganyan ka kamandag ang itim na rosas ni Nyx.

Ang alam lang nila tungkol kay Nyx ay nag aaral din ito sa Hell School. Nakikihalubilo ng hindi nila nalalaman. Nakakausap ng hindi nila alam na sya napala ito. Nababangga mo na pala ito o nabully mo na pala ito.

Malakas na sigawan at bulung bulungan ang nadatnan ng groupo nila Wolf, Kristel, Hannah at Zasy habang pinapalibutan nila ang nagkahiwa hiwalay na katawan ng biktima.

Halos hindi masikmura ng iba na makita pa ang kalunos lunos na sinapit ng biktima. Pugo't ang ulo nito at nagka hiwa hiwalay ang kanyang dalawang paa at ang dalawang braso. Nagkalat ang mga internal organs ng biktima sa sahig mapa atay, puso, bituka at iba pa!

"My Gosh!" Ang tanging naisambit ni Zasy pag ka kita dito.

"Waaaaah! Baby Clint ilayo mo ko ditoooo! Ayaw kong makita yang... yang... nakakasukaaaa!!!"

"Tsk! Hindi ka pa ba nasanay freak? Sikmurain mo nalang yan."sabi ni Clint habang nakisiksik sa mga tao para makita ito ng malapitan.

"Eeeewww! Matagal na akong off sa mga kill kill noh! Nag babagong buhay na aketch! Yucck"

"Tumahimik ka nga Hannah, mas lalo mo lang pina paingay ang environment!"nag rereklaming sabi ni Kristel habang sumusunod kay Clint.

Nangunguna si Clint sa pakikipag siksikan habang si Hannah naman ay mahigpit na nakakapit sa mga braso ng binata. Sumunod ang sina Kristel at Ryder habang nahuli naman sina Wolf at Zasy.

Hindi napansin ng mga estudyante ang Thanatos dahil ang kanilang atensyon ay nasa krimeng naganap. Gusto ng mga tao makumperma na ang kanilang hinala ay tama.

At kung tama man, ihahanda na nila ang kanilang mga sarili.

"S-sino ang may gawa nito?"tanong ni Zasy pagkakita ng malapitan sa biktima.

Lumapit pa ng kunti si Wolf na may hinahanap. Napako ang kanyang tingin sa isang itim na rosas na nasa gilid ng bangkay.

"Look! Theres a black rose!"akma na sanang dadamputin ni Zasy ang itim na rosas na kanyang nakita ng pigilan sya nila Wolf.

Gangster KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon