Behind Vanie's Journal (One-Shot)

307 11 2
                                    

A/N: Hi readers! Dahil hindi ko pa tapos si chapter 6 eh ito muna ang handog ko sa inyo. The characters are from my friend's story, "The Love List". Super na-inspire kasi ko sa story ni Vanie at Emman eh.

Andun akoo! HAHAHA. Nery's character was based on me. Basahin niyo rin yuun super nakakakilig. :""")

This one-shot is dedicated to the author of The Love List.

I super duper suggest na basahin niyo 'to online kasi may video siya. PLEASE CLICK THE VIDEO AT THE RIGHT PARA RAMDAM YUNG STORY-->

Enjoy reading! Comments and votes are highly appreciated. ;)

---

Behind Vanie's Journal

A One-Shot written by HeyItsCaraa

Mahirap makakuha ng maraming votes para sa isang baguhang writer ng Wattpad…

Mahirap magsolve ng Geometry kung hindi ka naman magaling sa Math…

Mahirap magbasa ng 1000 pages na libro ng History sa loob ng isang araw…

Pero…

Ang pinakamahirap pa rin sa lahat ay yung pakiramdam na hindi ka kayang mahalin pabalik ng taong mahal na mahal mo…

Drama-dramahan na naman ako. Hindi bagay sayo Vanie. Yakk!!

Makabili na nga lang ng Choo-choo at Sprite. Sa loob ng bente pesos, mabibili mo na lahat yun. Buti pa sila madali makuha. =___=

Pagkatapos kong bilhin ang paborito kong pagkain at drinks naglakad-lakad ako papunta sa court.

Sakto pagpunta ko sa court nakita ko agad si Tandang Sungit na Emman kasama ang NAKED.

Haay! Magkakasala na naman ang mata ko makakakita ako ng isang dosenang abs este pandesal! *U*

“Umalis ka na nga Neil ang pangit mo maglaro! Oy Daryll tama na yang pagplaplano mo sa love list mo na yan wala namang patutunguhan yan.”

“Grabe ka naman Emman! Pwede naman sabihing ako na maglalaro.”

Isa sa naging pinakapaborito kong tambayan ay ang court na ‘to. Madalas kasi dito naglalaro sila Emman.

Kahit malayo man ang nilalakad ko, nagkakaroon naman ako ng chance na matanaw siya sa malayo at masabi sa kanya na mahal ko siya.

Ka-barkada ko siya pero di kami close kasi lagi naman akong inaaway ng Tandang Sungit na yan. At kahit ganun, siya pa rin ang minahal ko sa barkada.

Sa sobrang sungit niya, tatanda siya eh. Pero mahal ko pa rin siya kahit magkaganun siya. >3<

Alam niyo kahit ang sungit sungit niyan, may girlfriend yan. Ayun oh pinupunasan niya yung pawis ni Emman.

Gwapo naman kasi siya noh. Masungit lang. Hindi ko nga alam kung paano siya napa-amo ni Maiah. =___=

 Pero ang swerte niya kasi nabibigyan siya ng atensyon ni Emman sa nakakakilig na paraan.

Eh ako kaya kailan? Haay. I-kain ko na nga lang ‘to tapos pakalasing sa Sprite. (__ __”)

Napatingin tuloy ako sa dala-dala kong journal. Leche plan naman kasi yang Social Science na prof namin. May pa-journal journal pang nalalaman.

Project kasi namin ‘to at ituturing mo siyang parang diary mo. Sa loob ng 2 months, marami-rami na rin akong nasulat dito.

Dito nga ako nagkwekwento ng kalandian ko kay Emman eh. Mabuklat na nga lang.

Behind Vanie's Journal (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon