Chapter 5

79.7K 2K 73
                                    


Habang naglalakad ako papasok ng school. Nakita ko na naman ang mga estudyante na nagkukumpulan sa may entrance ng school. Napailing ako habang tinitingnan ko sila. Hindi ko kasi ma gets ang trip ng mga babaeng istupident. Ito ang tawag ko sa kanila short for estudyanteng stupid.  Nag-aral lang ba sila sa sikat na school na ito para maging stalker ng limang casanova? Ang bantayan sila tuwing papasok sila ng school? Jusmiyo! Kaya tumataas ang bilang ng populasyon sa pilipinas puro kalandian ang inaatupag ng mga ibang kabataan. 
"Tsk!tsk! Pathetic." bulong ko.
"Good morning, Miss. President."bati sa 'kin ng isang lalaki na sa pagkakaalam ko ay kabilang ito sa section C.
Huminto ako sa paglalakad ko at taas ang kilay kong tinitigan siya.
"Anong problema mo?" pagtataray ko.

Kakamot-kamot ito habang hindi makatingin sa 'kin ng diretso. 
"A-ahh, K-Kasi..."
I rolled my eyes. "Psh! panira ng umaga."bulong ko. at nagpatuloy ako sa paglalakad. Ngunit hinabol pa rin ako ng lalaking nasa section C.
"Teka! Miss. President!" Habol niya.
Ngunit hindi ko na siya pinag-aksayahan ng oras pa. Pero dahil tumakbo ito. Mabilis niya akong naabutan. Habol ang hininga niya ng huminto sa harapan ko. "Konting Oras lang hinihingi ko sa iyo Miss. President."sabi niya.
Naka-cross arms ako habang nakataas ang kanang kilay ko sa kanya. "What?"
Napansin ko na may kinuha ito na kung ano sa loob ng bag niya. Nang makuha niya ay inabot niya sa 'kin ang maliit na box na may pink na ribbon. "Pinabibigay ni Xenon."sabi niya.
"Xenon? Wala akong kilalang Xenon." Sabay alis ko.
"Please, tanggapin mo na ito. Dahil kung hindi mapagti-tripan ako sa school na  ito," pakiusap ng lalaki.
Bigla akong huminto. Kahit naman kasi nagtataray ako sa mga istupident ng school. Ayoko namang nakakakita ng mga binubully ng mga estudyante na mahihina.
Nilingon ko siya. "Bakit naman sa iyo gagawin yun? at sino ba ang Xenon na iyon?" tanong ko.
Lumapit sa akin ang lalaki. "Malalaman mo rin sa takdang panahon. Ang importante sa akin ngayon ay tanggapin mo ito. Dahil kung hindi magugulpi nila ako."
Wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon. Palaisipan sa akin kung sino ang Xenon na iyon. At bakit kailangan niyang utasan ang ibang tao ibigay ang mga chocolate na ito. Isinilid ko iyon sa loob ng bag ko pero mamaya pagdating ko sa Classroom namin itatapon ko iyon. mahirap na baka may lason iyon. Wala pa naman akong tiwala sa mga tao sa school.
Pagpasok ko sa loob ng school. Napangiwi ako sa mga nakita ko. Nakita ko sa loob ng classroom namin ang apat na casanova at may kahalikan. "Jusmiyo! school ba ito O bahay Aliwan? Kadiri ang nakikita ng mga mata ko," bulong ko.
Ingat na ingat akong madikitan ng mga balat nila ang balat ko. Feeling ko kasi may virus silang nakakahawa. Kung kaya't natuwa ako ng matiwasay akong nakarating sa upuan ko.
Tahimik akong nagbabasa ng libro ng marinig ko ang pag-uusap ng Anak ni Simang na si Frits at ang classmate naming pinaglihi sa mighty bond.  
"Magpanggap kang Naghahalikan tayo pagdating ni Allyson Ramirez," ani Frits.
"Sure, kahit totoo pa eh," malanding sabi ng classmate ko.
Umangat ang kilay ko. So, may eksena pa lang magaganap ngayon kaya ganyan ang landian nilang lahat. Napailing-iling na lang ako at nagbasa na lang ako ng libro. Habang abala ako sa pagbabasa. Narinig ko na lang ang malakas na kalabog. Bigla tuloy akong napatingin sa tunog na iyon. Kasabay noon ang tawanan ng mga classmate ko. Mukhang may napagtripan na naman sila. nang tingnan ko, gusto kong maawa sa babaeng iyon. Si Allyson Ramirez ang nadulas at pinagtatawanan nila. Ang numero unong maldita ng school. 
Lagot kayo sa revenge nya. Maldita pa ang kinalaban n'yo!
Tiningnan ko ang anak ni Simang na si Frits. Nakatingin lang at nakangisi. Hindi ko talaga makuha ang trip nito. Bakit ba siya naging leader ng limang casanova kung hindi naman ito mahilig sa babae? Ang weird na ng tao ngayon.
"Miss President, gusto mo ba ikaw naman ang halikan ko? lahat na sila napagbigyan ko ikaw na lang ang hindi?" Sabay kindat ni Luke.
Gusto kong masuka sa pinagsasabi ng hinayupak na manyakis na si Luke. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na  pala ito sa kinauupuan ko. Napangiwi ako sa itsura nito. Kalat-kalat pa ang lipstick sa uniform nito. Hanggang sa labi may lipstick at basa-basa pa ang gilid ng bibig niya. Kadiri talaga ang lalaki na ito.
"Subukan mong dumikit kahit balahibo sa katawan ko! Ihahampas ko sa mukha mo ang apat na makapal na libro na nasa table ko! Kadiri ka!" singhal ko sa kanya.
Tinakpan ko ng panyo ang bibig ko habang tumatawa siya nang malakas. Mahirap nang matalsikan ng saliva niyang amoy imbornal na yata sa dami ng laway na nilunok at nahalo sa kanya. Marahil napansin ni Luke ang pandidiri ko sa kanya. "Nandidiri ka ba sa akin?  Miss. President?"
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Habang palapit na palapit ang mukha niya sa mukha ko. Pagkuwa'y sinipat niya ang labi ko. "Ano kayang lasa ng Labi mo? Miss. President?" anas ni Luke.
Hindi ko Alam kung anong gagawin ko. Hawak-hawak niya ang dalawang kamay ko. Hindi ako makakilos dahil nakasandal ako sa inupuan ko. Naamoy ko na tuloy ang hininga niya. gumapang ang kuryente sa katawan ko nang magsalita ito.  Umiwas ako ng tingin. 
"B-Bitawan mo ako manyak!"
"Eh, paano kung ayoko? May magagawa ka ba, ha! Miss President."
"Pagsisihan mo ang gagawin ko kapag hinalikan mo ako!"
Ngumisi si Luke sa akin. "Tara! Subukan natin kung hanggang saan ang tapang mo." Kasunod noon ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin. Pilit akong kumakalas sa pagkakahawak niya sa kamay ko pero dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin hindi na ako makagalaw. 
"Ayaw mo talaga akong tigilan!" sigaw ko.
Ngumiti lang siya sa akin. Ako naman kinagat ko ang braso niya ng sobrang diin. Napasigaw si Luke. Dahilan para kumawala siya sa pagkakahawak sa akin. mabilis akong tumayo at hinawakan kong maigi ang apat na libro na nakapatong sa table ko. At  hinampas-hampas ko kay luke.
"Manyakis! Bwiset!" sigaw ko pa.
"Itigil n'yo 'yan!"sigaw ng Professor namin. Napahinto ako sa paghampas ko kay Luke. Nang tingnan ko ang mga classmate ko. Nasa mga upuan na sila at hindi man lang nila sinabi sa akin na naroon na ang Professor namin. Kami na lang ni Luke ang nasa harap habang pinapalo ko siya. Kaya naman ang kinalabasan ako ang gumawa ng gulo. Grabe pang FAMAS ang acting ng mga bwiset kong classmate.
"Ah,  Sir. S-Si—
"Miss. Mhady Ferrer, sumunod ka sa akin mamaya after ng lecture ko. Naturingan ka pa namang President ng school. Ikaw pa ang nag-uumpisa ng gulo." 
"Pero Sir...
"Mamaya ka na magpaliwanag dahil mag-uumpisa na akong magturo." Inilapag nito ang libro sa table niya.
Sukdulan ang galit ko ng lingunin ko ang mga classmate ko na nakangisi sa akin. Kulang na lang magpamisa sila sa sobrang tuwa nila dahil pinagalitan ako ng professor namin. Nang tingnan ko si Luke. Ayun, parang walang nangyari nakikipaglandian siya sa likuran niyang babae.
Hays! Hanggang kailan ako magtitiis sa lugar na ito? Kalbaryo para sa akin ang school na ito.
"Umupo ka na Miss, Ferrer." 
"Thank you Sir," sabi ko. 
Bumalik ako sa table ko at muli kong tinuon ang pansin ko sa mga tinuturo ng Professor namin. Bahala na kung i-kick out nila ako rito. Iyon naman ang gusto ko ang umalis sa school na ito.
Bitbit ko ang lahat ng libro habang naglalakad ako papunta sa office ng Professor namin. Nakakainis! Hindi talaga nakalimutan ng professor ko ang nangyari kanina. Samantalang kung tutuusin masyado namang mababaw kung para sa mga kalokohan ng iba kong classmate. 
 Hays! kitang-kita talaga sa school na ito kung sino ang pinapaburan. Naisip ko tuloy kung alam ng may-ari ng school na ito ang mga pinaggagawa ng mga staff niya. Sa pagkakakilala ko sa May-ari ng Saint Paul. Istrikto ito at Hindi naman mukhang pera. Nakita ko na kasi ito noong pangatlong araw na magbukas ang klase.
Kumatok ako sa pintuan nang nasa tapat na ako ng office ng Professor ko. "Come in!" narinig kong sigaw mula sa loob ng office. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. 
"Ah— Sir."
Tumingin sa akin ang professor ko. At pansamantalang hininto ang ginagawa. "Umupo ka Miss. Ferrer."
Tumango naman ako at agad na umupo. "Pasalamat ka at Nakiusap sa akin si Xenon na 'wag kang patawan ng suspension," panimula niya.
Kumunot ang noo ko. Sino ba yung Xenon na 'yon? Ilang beses ko na siyang naririnig.
"Ahh.. Sir, Pwede po bang malaman kung sino si  Xenon na tumulong sa akin?"
"Hindi mo ba kilala si Xenon?" nakatitig sa akin ang professor ko.
Umiling ako. "Hindi ko po siya kilala."
"Nasa section C si Xenon  kung gusto mo puntahan mo siya doon. Miss Ferrer. I warning you, sa susunod hindi ko na palalampasin ang ganyan kapag inulit mo pa."
"Psh! Yung iba nga sa school na nakikipagladian sa oras ng lecture hours. Hindi n'yo pinupuna," bulong ko.
"May sinasabi ka Miss. Ferrer?"
"Ha? Wala po Sir, Ang sabi ko thank you, sobrang bait n'yo. Gusto ko po ang ganyang Professor. Nakikita ang lahat ng mali walang kinikilingan, 'di ba, Sir?" 
Nagkunwaring nagsusulat ang Professor ko pero alam kong tinamaan siya.
"T-Tama! Ayoko ng gulo sa klase ko," pa-utal-utal niyang sagot.
I glared at him.  Liar! Ang plastik n'yo.
Tumayo ako at nagpaalam na sa professor ko. Nais ko kasing pumunta sa section C upang makilala si Xenon at magpasalamat na rin sa kanya.  Kahit papaano naging maganda ang araw ko dahil sa kanya. Bigla kasing may nagligtas sa akin para hindi ako magkaroon ng bad record sa school na ito. Kahit gusto kong lumayas dito. Hindi ko naman gustong magkaroon ng bad record. 
Pagpasok ko sa pintuan ng section C hindi ko  maiwasang mahiya. Paano ba naman parang ngayon lang sila nakakita ng totoong tao. Karamihan kasi sa kanila orocan at kalawang.  Orocan ang ugali at kinakalawang ang utak. Kulang na lang lunukin nila ako ng buhay sa mga tingin nila. 
"Excuse me, kilala n'yo ba si Xenon?" nauutal ko pang tanong sa mga babaing nakasalubong ko.
Umirap sa akin ang babae na akala mo christmas tree ang itsura. "Si Xenon? Bakit mo siya gustong makita?"
"Gusto ko kasing magpasalamat sa kanya," tipid kong sagot.
Nagkatinginan ang tatlong. Gusto ko tuloy itanong kung bakit? Kaya lang baka sabihin tsismosa ako. Muling binaling sa akin ang tingin ng babaeng christmas tree. "Hindi mo siya pwedeng makita! Umalis ka na! Kung ayaw mong kaladkarin ka namin."
Tinitigan ko sila ng matalim. "Kung sapakin ko  kaya kayo? Ang susungit n'yo akala n'yo naman maganda kayo." bulong ko.
"Pero kailangan ko siyang makausap."
"Hindi nga pwede  kaya umalis ka na!" sigaw niya pa sa akin.
Ang sarap bigyan ng lumilipad na suntok. Kaasar! Grrr!
 Huminga ako ng malalim upang kahit papaano mapakalma ang sarili ko. "Sige salamat." Tumalikod na ako sa kanila.
"Psst! Miss. Ferrer."
Napalingon ako ng may marinig akong parang may tumatawag sa akin. At nang makilala ko kung sino ang ang tumatawag sa akin. Huminto ako upang hintayin siya.
"Bakit mo ako tinatawag?" Nakataas kilay kong tanong sa lalaking taga section C na sa pagkakatanda ko Liam ang pangalan.
"Pinuntahan mo ba si Xenon?" tanong niya nang makalapit siya sa akin.
"Eh, ano naman sa iyo?"
Seryoso siyang tumingin."Huwag mo na siyang hanapin dahil hindi mo pa siya makikita sa ngayon." 
"Tss! Hindi naman kasing laki ng isang bayan ang school na 'to. Para hindi ko siya mahanap. Nasa Saint Paul lang naman siya, at bakit ba ayaw niyang magpakita sa akin? Magpapasalamat lang naman ako sa kanya."
Pumihit ito patalikod habang ang dalawang kamay nito ay nasa loob ng bulsa niya. "Basta, 'wag mo na lang siyang hanapin."
"Teka, lang! May itatanong pa ako sayo!"
Ngunit hindi na siya huminto sa paglalakad. Hindi na rin niya ako nilingon. "Mga may saltik talaga ang mga istupident dito," bulong ko. pailing-iling akong nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa kinaroroonan ko. Biglang may humatak sa braso ko. At walang pakundangan akong isinandal sa isang haligi ng school. Gusto kong murahin ang sino mang humatak sa akin.
"Kilala mo si Xenon? Anong kinalaman mo sa kanya?" tinig iyon ng lalaki. Tiningala ko siya at kumunot ang noo ko nang makilala ko kung sino.
"Anong bang problema mo, Mr. Luke Perez?" inis kong sagot.
"Anong kinalaman mo kay Xenon?!" sigaw ni Luke.
 Kitang kita ko ang pagpipigil niya ng galit habang halos patayin nia ako sa mga titig niya.
Bigla akong nakaramdam ng takot. Ano bang problema niya bakit galit na galit siya? 
"Hindi ko siya kilala! Bitawan mo ako!" sigaw ko rin.
Sinalubong ko ang matalim ang tingin. Pagkatapos muli niya akong hinila palapit sa kanya. Habang halos magkapasa na ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakapit nya sa akin. 
"Xenon!"sigaw ni Luke, sa gitna ng kinatatayuan namin. Ang iba tuloy na estudyante nakatingin sa amin.
"Tingnan mo ang gagawin ko sa babaeng pinoprotektahan mo!" sigaw niya.
Parang alam na alam niyang naroon lang sa paligid si Xenon at nakatingin sa amin. 
Nilingon ako ni Luke at tinitigan niya ako. "I'm sorry, Mhady," sabi niya.  
Hinila niya ako palapit sa kanya. Kasabay noon ang mabilis niyang pagsiil ng halik sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla. Nakita ko si Luke nakapikit habang ginagahasa niya ang labi ko. Pilit akong kumakawala sa kanya pero naging mas mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. 
Ang first kiss ko, nakuha ng Playboy ng school. Nakuha ng manyakis at saliva mixer. 
Kusang tumulo ang luha ko. Kasabay noon ang mga pagclick ng camera ng mga estudyanteng aliw na aliw sa pinapanood kami
Lupa lamunin mo na ako, wala na akong dangal.





THE PLAYBOY LUKE PEREZ (18 ROSES SERIES)Where stories live. Discover now