Beginning

28 1 0
                                    

Nakatingin lang ako sa mga batang naglalaro sa play-ground sa park na tinatambayan ko ng biglang umiyak si Yam-yam, ang aking alagang bata.

Nilapitan ko siya...

" Bakit umiiyak ang alaga ko?" nakangiti kong tanong sa kanya.

He just look at me at sumagot ng............

" Your face scared me." at mas lalo siyang umiyak.

-_____-

Yeah right! Ang ganda ng reason, so ako pala ang nagpaiyak.

" Yaya, bat pinapaiyak mo naman ang anak ko." nagulat ako ng makita ko ang Mommy ni Yam-yam. 

" Ah--eh, hindi po ako Mam Yara ang may kasalanan." pagdadahilan ko pa.

" No Mommy! She takot me! Her face scares me! Wahhhhhhhhhhhhhhhh!" at biglang nag-iiyak ito sa Mommy niya, Mam Yara just look at me in a wierd look at kinarga si Yam-Yam.

" Stop crying baby, from now on hindi ka na matatakot pa." nagulat ako sa sinabi ni Mam Yara, tumayo siya at tumingin sa akin.

" Im sorry Eli, but don't worry may dagdag sahod ka na para sa next month  mo sana." napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.

" OKay lang Mam Yara! Sana'y na naman po ako eh." sabay walk-out.

Pang-ilan na bang bata ang umayaw sa akin. Siguro 5 na at pang anim na si Yam-Yam.

Pangit ba talaga ako? 

Tumingin ako sa salamin na nasa bulsa ko lagi at ngumiti.

" Mommy! Is she a monster." napatingin ako sa batang nagsalita at nakaturo sa akin.

" No baby! She's a-----girl?"

OUCH! Bakit may question mark pa? Di ba halatang babae ako? Naknang !

Nagdiretso na lang ako sa bahay ni Mam Yara at nag impake na ng mga gamit.

" Late ka na naman." napatingin ako sa teacher ko na suplada.

" Hehehe! Kasama sa life yan Mam."at nag peace sign pa ako sa kanya sabay upo sa upuan ko.

" Hoy! Bat ka na-late?" tanong sakin no Ysa, close friend ko sa room. ACually siya lang talaga ang friend ko kasi lahat ng classmates ko at siguro buong school ay iwas sakin dahil panget na nga ako mahirap pa.

" Kasi nga naghahanap ako ng trabaho, yung last kasi inayawan ako dahil dito." at itinuro ko pa ang mukha ko with matching pout pa. 

" Hahaha! Kaya naman pala." ngek... Pinagtawanan pa talaga ako, pero okay lag, sanay na naman ako eh. Wala ng bago.

" But don't worry, may ibibiugay akong trabaho sa iyo." biglang nag twinkle-twinkle ang mata ko sa sinabi nya sa akin.

" Shhhhh! Mamaya ko na sasabihin, baka masita tayo nung matandang dalagang teacher natin." at nagtawanan kami ng mahina. 

Naghintay ako ng recess sabay higit ko sa kanya kaya hindi na siya nakapalag.

" Ano na! Anong trabaho? Kahit ano papasukan ko wag lang dancer sa club o kahit ano mang masamang gawain huh!" 

" Pfffttttt! Baliw, well sakto kasi na naghahanap ang tita ko ng cook sa restaurant niya at yung last chef nila ay nag resign kaya sinabi ko sa tita ko na may kakilala akong magaling magluto. Oh diba! Bongga ang work mo." 

" Wahhhhh! Oo nga! The best ka talaga Ysa! Apir tayo jan." at nag apir nga kami.

Guardian angel ko talaga si Ysa kahit kelan, buti na lang at hindi pagiging yaya ang ibinigay niya sa akin at buti na lang nag mana ako sa Nanay at Tatay kong magaling sa pagluluto. Sumalangit ang kaluluwa nilang dalawa. At nag sign of cross ako pagkasabi ko noon.

Deads na kasi sila noong nag 1st year high school pa lang ako kaya naman nagpapaka-independent na ako sa buhay ko hanggang makilala ko nga si Ysa noon at naging close friend ko na siya hanggang ngayong 4rt year high school ako.

" Oh eto ang address huh! Puntahan mo na lang yan mamaya, maaga naman tayong lalabas eh." 

* Hoult Restaurant *

Napanganga ako sa ganda ng restaurant na nirecommend sakin ni Ysa! Sobrang laki niya at ang sosyal tingnan.

Baka namali lang ako ng pinuntahan.

Oo nga, baka mali nga lang, tanungin ko na lang si Ysa bukas.... naglakad na ako palayo pero tumigil ako sandali at humarap ulit dito.

Hindi naman imposible na mangyari yun kasi naman mayaman din si Ysa, kaya naman napagdesisyunan ko ng pumasok sa loob.

Pagkapasok ko pa lang agad na sumalubong sakin yung isang mukhang waitress.

" Welcome Miss! Dito po tayo." at itinuro niya sa akin yung isang table/

" AH---eh? Hindi po ako customer dito---" pagkasabi ko nun agad na nawala yung magandang ngiti niya sa akin at napalitan ng pagtaas ng kilay. 

" Bw*sit! Sayang effort ko sa pag ngiti." bulong pa niya pero pakini ko naman.

" Pwede ka ng umalis." pagtataboy niya sa akin.

" Pero pinapunta ako dito ni Ysa!" nagulat siya sa sinabi ko.

" So Mam Ysa? Ahh--ehhh, ay sorry po. Wag niyo po akong susumbong sa kanya na tinarayan kita." pagmamakaawa niya sa akin.

Natawa na lang ako ng pasimple. Buhay nga naman oh! Pambihira!

" Okay lang yun, pinapunta niya kasi ako dito kasi mag aapply akong cook." agad naman niya akong hinila papunta sa loob ng kitchen na hindi man lang ako nakakapagsalita.

" Sino yan Sarah?" yung magandang babae ang nagtanong dun sa Sarah, eto atang babae na katabi ko ang tinutukoy niya.

" Mag aapply da pong cook, ni-recommend ni Mam Ysa." agad na nag lighten yung mukha nung babae na kanina eh frustrate lang.

" Ganoon ba, hulog ka ng langit na bata ka. Buti na lang at dumating ka, magluto ka na." at itinuro niya sa akiun yung mga lulutuin.

" Ahhh--ehhhh, tanggap na po ba ako? Wala po kasi akong dalang resu----"

" Ok lang yun iha! Basta pag nasarapan ako sa luto mo ngayon tanggap ka na." at nag lighten naman ang mukha ko pagkasabi niya ng ganoon.

" Yes Mam!" ^___^

AGad naman akong lumapit dun sa mag lulutuin. Ayos na buhay to, buti na lang talaga at talent kong magluto. Kunin ko kayang course ay HRM. Hmmmmm. Pwede! Pwede!

After 15 minutes.

" Wow! Ang sarap!" sabi nung babae sakin. 

" Tanggap na po ba ako Mam?"

" Oo iha! Tanggap ka na, you can call me Mam Athena or Tita Athena and i'm the owner of this restaurant. Welcome to Hoult Restaurant Miss ---" at nag pause siya...

" Elizabeth---Elizabeth Palmer." biglang nawala ang ngiti niya sa labi pero bigla din namang bumalik. Imagination ko lang ba yun? Hmmmmm.

" So now! May special guest kami at walang cook so ikaw ang maluluto. Are you ready Elizabeth."

" Yes Mam Athena, you can call me Eli." at ngumiti ako sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ElizabethWhere stories live. Discover now