Flirtiest Revenge [One Shot]

1.3K 19 14
                                    

Flirtiest Revenge

Copyright © 2013 avery13joyce

(A/N: NON-TEEN FICTION po ito! Please wag makulit ang innocent minds! This is for your own good, don’t read if hindi kayo open minded! THANKS!)

“Ayyieehh!! Three years na kami ni Mike! Ohh myy! Super duper happy ko na Bestie!” sigaw ko kay Flaire, ang super mega best friend ko. Ohh yeah! Grabe grabe grabe super saya ko talaga ngayon! May surprise pa nga akong baked cake para kay Mike eh! Akalain mo yun? Sobrang nakakaoverwhelm na umabot kami ng three years! GRABE NA! Hindi ako makapaniwala eh.

“Happy third anniv. Senyo bestie.” Emotionless niyang sagot sakin.

“Anong nangyari Flaire? May problema ka ba Bestie?” pag-aalala kong tanong sa kanya.

Tumingin naman siya sakin at ngumiti ng fake.

“Wala. Happy lang ako sa inyo ni Mike. Nga pala uuna na ako mamaya pag-uwi. Wait lang puntahan ko lang si Dan hah.” Sabi niya at iniwan ako sa CR. Vacant na kasi namin ngayon.  Isang subject na lang tapos awas na kami. EXCITED NA  AKO SA DATE NAMIN NI MIKE! First time ko kasing pupunta sa condo niya eh! Ayiieehh!

“Bestie, sure kang ok ka lang?” tanong ko sa kanya pero di na niya ako pinansin. Ayst! Ang weird talaga ni Flaire ngayon. Alam ko namang may problema siya pero pwede naman niyang sabihin sakin yun. Para saan pa at naturingan akong bestfriend niya? Tsskk!

Lumabas na ako ng Cr at nagpunta sa Students’ Area. Dito maraming mga kubo at mga benches kung saan pwedeng tumambay ang mga students kapag vacant. College na kasi kami kaya ayan, uso na ang vacant :D

Tumambay ako sa isang kubo kung saan ako mag-iisip kung paano ko susurpresahin si Mike ko! GRABE! Nakakamiss siya ng sobra sobra! T__T

“Laize” tawag sakin ng isang lalaki.

“Ohh Dan? Akala ko pinuntahan ka ni Flaire?” tanong ko agad sa kanya. Bigla namang nagbago ang reaksyon niya.

“Sabi niya hindi niya ako mapupuntahan dahil sasamahan ka niya! Nasan na naman ba ang kaibigan mo Laize!? Sa totoo lang naiinis na ako sa mga kasinungalingan niya! Konti na lang hihiwalayan ko na siya!” inis na sagot ni Dan sakin. Pinaupo ko siya sa harap ko at kinausap siya.

“May problema ba kayo? Kasi kanina ang lungkot ng muka niya. May nangyari ba?” pag-aalala kong tanong sa kanya.

“Tumawag siya sakin, umiiyak. Nakikipagbreak siya sakin, pero hindi ako pumayag! Mahal ko ang kaibigan mo Laize! Mahal na mahal ko si Flaire!” sagot ni Dan at may namumuong luha sa mga mata niya.

“Eh.. Dan, bakit siya nakikipagbreak?”

“Naguguluhan na daw siya. May minamahal na daw siyang iba ngayon pero may nararamdaman pa daw siya sakin. Sobrang sakit Laize pero nakiusap pa rin akong wag naming tapusin. Parang hindi ko pa kaya Laize. Isang taon na din naman kasi ang pinagsamahan namin ni Flaire! Hindi ko kayang mawala siya sakin.” Sambit ni Dan at tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mata niya.

Flirtiest Revenge [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon