Chapter 12

2.1K 34 11
                                    

Chapter 12

My heart skip a beat...

Sean’s POV

Malapit na kaming makauwi, Ako ang nagmamaneho ng kotse. Dahil sa natamaan ng bala si Sir Xian. I thought he’s going to die. Kinabahan ako. Umiiling iling siya sa sakit. Napapaungol sa hapdi na nararamdaman niya. Ang malas nga e. Ako pinag-dradrive, Shet sa bawat dinataanan naming napapgewang-gewang ako dahil sa pagiwas sa mga bastardong mga zombies na ‘yon.

“Bro, Shet! Natataranta ako dito.” Sabi ni Quen. Kita mo talaga ang taranta niya. Sa paglagay ng alak sa natamaan nab ala ni Sir Xian. Matalino naman si Quen dahil ang mga magulang nito ay may-ari ng hospital. Alam ko na gusto niyang sundan ang yapak ng magulang niya ang maging doctor.

 

“Bro, ‘Wag ka maingay nakakataranta rin ‘tong pagdradrive ko.” Iwas dito. Iwas doon. Yan ang ginagawa ko. Kanina yung dumating kami ayos naman ang daan. Pero bakit ganon? Ang dami nila.

Napapaungol at napapailing sa sakit si Sir Xian. Paglagay ng alak sa braso ni sir Xian. Nakikita ko ‘to sa itaas kung saan nakalagay ang salamin.

Habang lumalayo kami sa lugar ng pinangharihan umuunti na rin yung mga nadadaan naming mga bastardong zombies.

Napasinghap ako sabay sabing. “Wala na rin ang mga disturbong ‘yon.”

Kung minamalas ka nga naman. Malapit ng mabusan ng gas ang kotse. Shet! Nakalimutan atang pasadahan ito ng gas. Pakshet! Napapamura tuloy ako ng wala sa oras. Napansin ko namang napamura si Quen at Si Sir Xian. Napansin rin ata nila na pawala na ang laman ng gas. Yung point ng gas ay papunta na sa “E” ibig sabihin paubos na talaga.

 

“Salamat! Tadhana maraming salamat!” Sarkastiko kong sabi. Pisting Fuel Gauge ‘to. Sinenyasan ko si Quen na lumabas kami at Ifu-full tank ang laman ng kotse. Padabog kong kinuha ang hose ng gas na pinaglalagyan dun. Hindi ko alam ang tawag at wala akong balak alamin.

Tuloy kami sa pagtakbo ng kotse. Buti na lang yung gas station na ‘yon ay hindi kinakailangan ng credit card, Meron kasing istasyon ng gasulina na kailangan iswipe tapos pipindutin ang amount kung magkano ang ibabayad mo. Para bang sa ATM. Basta ganon.

Wala namang mga bastardong zombies sa dinadaan naming ngayon. Alam kong malapit na kami sa bahay…este sa mansyon ni Mara.

“Ginugutom na ako.” Angal ko. Bigla naman akong binato ng tinapay. Si Quen malamang. Kapag si Sir Xian hindi pwede kasi nabaril nga ito sa kanyang braso. Iniisip niyo ba kung ano nangyari sa lalaki? Na nakabaril kay Sir Xian? Aba’y pinasadahan naming ng tadyak at sipa. Muka nga kaming tanga ni Quen e. Hanggang sa naramdaman namin na may dumating na batalyon na bastardong zombie. Nagtakbuhan na lang kami syempre akay naming si Sir Xian. Ayun nilamutak at pinagpyestahan yung barumbadong lalaki na kung anu-ano ang pinagsasabi samin. May pa word of wisdom pang nalalaman. Nakarma tuloy siya. Hahaha!

Dead End: Zombie Apocalypse (kathniel)Where stories live. Discover now