Prologue: Light In My Darkness

3.6K 43 2
                                    

Prologue: Light In My Darkness

Angels? Ghost? Demon?

Hindi ako naniniwala sa kanila. Sa diyos nga duda akong nage-exist talaga sila, Sa mga anghel, multo at demonyo pa kaya?

“Sino ka’ba?” tanong ko sa kanya.

“Ako to si Gwen! Bakit raven? Kinalimutan mo na ba talaga ako?!” sabi niya na naiiyak. Tumayo ako sa kinahihigan ko.

Ç“Hindi kita kilala, miss” pagkasabi kong yun tuluyang kumawala ang mga luha sa mata niya. Hindi ko alam pero lumapit ako sa kanya para punasan ang luha niya. Pero nagulat ako ng tumagos to. Napaatras ako sa gulat. Miski siya nagulat.

“Sino ka’ba?! Ano ka ba?!” sigaw ko sa kanya. Habang siya ay parang gulong gulo sa nangyare.

Hanggang ngayon, Hindi ko alam kung ano siya. Nakapagtataka dahil tanging ako lang ang may kakayahang makakita sa kanya. “Bakit ka ba nandito? Bakit mo ba ako sinusundan?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya, isang ngiti na hindi niya maitatagong nasasaktan siya. “Hindi ko alam, Ang alam ko lang mahal kita” nakangiti niyang sagot.

Sa tuwing tatanong ko siya ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya kung bakit ako lang ang nakakakita sa kanya, Ang tanging sagot lang niya ay “Hindi ko alam. Ang alam ko lang mahal kita”

She’s weird

She’s annoying

Nakakairita siya dahil sobrang bait niya. At lagi niyang pinararamdam sa akin na mahal niya ako. But until now, Hindi ko alam kung sino siya. Ang alam ko lang siya ang liwanag ng buhay ko.

 

Isang liwanag na ayokong dumilim

Liwanag na bumabalot sa akin

Liwanag na ayokong mapundi

Liwanag na mahal na mahal ko..

 

My Light in Darkness...

Light In My Darkness [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon