1. The torture..

536K 3.1K 269
                                    

"I do.." sagot ko sa padre.

Pagkatapos  ay bumaling ito kay Paul. Tumikhim muna ito nang makitang nagis-space out si paul. "Now, Mr paul evangelista........"

Blangko ang kanyang mukha. Parang wala syang pakealam sa nangyayare. 

Tumingin sya sakin.Para syang tuod at bato sa harap ko. Ewan ko. Nasasaktan din ako sa nangyayare ngayon. It was supposed to be the most memorable moment pero it turned out na isa pa pala to' sa pinakamasakit na pangyayare sa buhay ko.

"I do. "

Ngumiti ng mapait ang padre sa harap namin. Tanging mga magulang namin ang testigo sa kasal namin. Hindi rin ako  pinayagan ni Paul na mag-invite ng mga kaibigan ko kasi wala rin naman tong kwenta. Sabi nya 'this won't last forever.'. Halos kulang na lang pira-pirasuin ang puso ko into pieces. 

* Present *

Napatingin ako sa  singsing na suot ko ngayon. Puno ito  ng mga kumikinang na diamonds. Napakaganda kung titignan pero hindi nababagay sa kamay ko. Napaungol ako sa sakit nang maramdaman ang sakit sa bandang puson ko.

Naalala ko ang nangyari kanina. Puno ng sakit ang mata niya. Puno ng galit. Galit at pagtitimpi sakin. I remembered his face. The way he cursed me. The way he treated me. He treated me terribly, but why I am still here? Lying next to him. The way he touches me. Everything is so wrong and blurry.

"Why don't you just sleep? " naiinis na tanong sakin ni Paul. Half  naked like a god. Napakamanly ng dating nito pero kakaiba ang aura nito kapag nagagalit. Nakakatakot.

Hindi ako umimik. I bit my lower lip to stop myself from crying. But I just can't..  Hinila ko ang kumot para takpan ang hubad kong katawan.

Tumingin sya sakin at saka bumaling sa kabilang side ng kama. 

Pinigilan kong hindi humikbi kahit na sobrang sakit ng dinadanas ko ngayon. I was weak, right now. I just miss my family and friends, terribly. 

Pero kaya ko namang tiisin  lahat yun para sa anak ko. For my baby.


Nauna akong nagising kay Paul kaya bumangon ako kaagad at nagtungo sa kusina. Malaki ang bahay ng mga Evangelista. Idagdag pa ang iba't  ibang koleksyon ng kotse sa garahe. Lahat yun ay collection ni Paul at ng daddy nya.

"Manang, ako na po ang bahalang magluto. "

Ngumiti sakin si manang at hinaplos ang buhok ko. "Naku hija, dapat nagpapahinga ka. Honeymoon nyong magasawa pero bakit nandito kayo sa bahay? Ang sabi ni ser dapat nasa----"

"Savanna. "

Naputol ang sasabihin ni manang nang sumingit si Paul na nasa kalagitnaan ng hagdan, nakakunot ang noo at parang may pagbabanta sa  mukha. Parang modelong bumababa ito sa hagdan.

Pumulupot ang kamay nito sa bewang ko at hinalikan ako niya sa pisngi. "I'm hungry. " seyoso itong nagsalita habang nakakatitig kay manang parang may gustong sabihin.

Nagpanic agad si manang at agad umalis. Nagtatakang tumingin ako kay Paul.

"Pa-paul. " bigkas  ko nang maramdaman ang unting unti paghigpit ng pagkakahawak niya sa bewang ko.

Mabilis niya akong binitiwan at nagtungo sa lamesa na may nakahanda ng mainit na kape. Nagbuklat siya ng mga dyaryo na animo'y isang hari sa isang mansyon. Napahawak ako sa tiyan ko. Kasal kami pero parang pareho kaming nasasakal sa relasyon namin ngayon.

"Ano?" inis na tanong nito sakin.

"Ma-may pupuntahan ako mamaya. Ba---"

"We've already discussed  this yesterday." 

"Pero kailangan ko ta---"

"You're not going, Savanna. " Nanlilisik ang kanyang mga mata nang tumingin sa akin.. "It's either you go or I'll lock you here. "

Umalingawngaw saking utak ang sinabi nya. Ikukulong nya ako?

Umiling iling ako sa kanya, di makapaniwala sa sinabi niya. Nanghihinang tumakbo ako papasok  sa kwarto. Sumubsob ako sa unan at doon nilabas ang sakit at  takot na nabubuo sa katawan ko. Paano niya to nagagawa sakin?  I don't understand him.

Flashback

"Anna!  " nadako ang paningin ko kay Denise na nakasuot ng isang magandang damit. Napakasexy nito sa suot na black dress. Isang dyosa ang tumatakbo papalapit sa akin.

"Denise. Bakit mo ba ako pinapunta sa ganitong lugar? "

Humalakhak ito  at tumingin sakin. Tumaas ang kilay niya nang makita ang suot ko. "I told you to wear something revealing. "

Umiling lang ako. "I can't.  "

I don't know if she rolled her eyes pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin pa dahil hinila niya agad ako sa isang couch kung saan maraming lalaki. Nasa isang bar sila na mahilig puntahan ng mga kabarkada nya. Naririnig ko lamang sa mga ito ang tungkol sa gimik gimik hanggang sa magkayayaan na at dahil ayaw ko naman matawag na KJ ay sumama na rin ako paminsan.

 Mausok at amoy alak ang paligid, isabay pa ang malakas na tunog. Nakakarindi. 

Tumabi sa akin si Denise at bumulong.

"Nakikita mo ba yung lalaking yun? "

Nilingon ko ang itinuturo niyang lalaki. Halos umawang ang bibig ko nang makita ito. Napakagwapo at  sa sobrang kagawapuhan nito ay halos lahat ng babae sa bar ay makailang beses lumingon. Tanging malalakas lamang siguro ang  loob ang makakalapit dito. 

"Oo. Sino ba yun?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Denise na parang pinapantasyahan ang  lalaki. "Hindi mo ba alam na sikat sya dahil sa pagiging model? Lagi syang nagtotop sa lahat ng  contest sa iba't ibang bansa kaso ang alam nila ay malapit na itong ikasal. "

May konti ako naramdaman na panghihinayang sa dibdib nya. Napakagwapo nito pero ikakasal na. Wala pag-asa.

Hayy, Talaga namang wala akong pagasa.  Bukod sa napaka-plain ko sa lahat ay hindi naman talaga kapansin pansin ang itsura ko. Isang dakilang waitress lamang ako sa isang chinese restaurant at sa isang simpleng apartment lamang ako nakatira. At tanging si tatay na lamang ang nagbabantay sa akin pero nasa kanilang probinsya ito. Mabuti na lang at taga-manila si nanay na may  iba ng asawa..

"Mayaman ba yan? " Hindi ko maiwasan na itanong.

"Duh! Huli kana talaga sa mga balita. Ang pamilya nya ang nagiisang nagmamay-ari ng pinakamalaking companya dito sa bansa at sa ibat iba pang lugar. At isama mo pa ang iba pang business nila kasama na ang Ate nya na isang fashion designer sa paris. O diba? Jackpot ang loko! "

Napatawa na lang ako. Napakalayo pala talaga namin sa isa't isa. Kumbaga, Isa lamang akong buhangin pero siya'y malaking bato na di madudurog.

Nakailang shot na ako ng vodka nang maramdaman ko ang pagkahilo. May naririnig pa akong kakaiba sa paligid pero wala na akong pakialam. Hindi ko alam kung bakit.

"Anna. Isa pa?" narinig kong tanong ng nakangising si Denise.

Tumungo ako at agad inagaw ang huling vodka, animoy uhaw sa alak. Naghiyawan ang paligid at pati na rin ang mga kaibigan ni Denise.

Gumuhit ang mainit na parang nagaapoy sa lalamunan ko. Parang nagiinit na rin ako. Para akong nasasakal sa suot ko.

"Lumapit ka sa kanya, Anna. He'll notice you for sure. " Narinig kong bulong ni Denise. Parang masamang hangin ito na naguutos.

Una ay naguguluhan pa ako pero nakita ko na lang ang sarili  ko na malapit ang katawan sa isang lalaki. Ang lalaking kanina ay pinagpapantasyahan at hinahangaan namin. Mukhang medyo tipsy na rin ito.

Hindi ko alam kung bakit hapit hapit nito ang bewang ko at malapit kami sa isa't isa. Blurred ang buong paligid at tanging mukha lang ng lalaki ang nakikita ko. Napakaperpekto. And he's Paul Evangelista.

------

The Lust Marriage (Published by BOOKWARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon