I Don't Like You (One-Shot)

7 0 0
                                    

"Do you like me?" Tanong ko kay Jervon.

Bigla niya naman binaba ang librong hawak niya. Halatang nagulat ito sa pagsulpot ko.

Kasalukuyan kaming nasa garden ngayon. Wala pang tao kasi hindi pa naman tapos ang klase. Nag cut lang naman ako. Itong isang 'to naman as usual nagdrama sa teacher tsk.

"Ha? Ang kapal naman ng mukha mo." Sagot nito sabay upo sa bench. Nagslow-motion naman agad ito sa mata ko yucks.

"So do you like me?" Tanong ko ulit.

"No! Of course not, I have a high standards." Sabay smirk ni Jervon

Kung hindi ko lang gusto tong lalaking to, kanina ko pa siguro 'to napatay.

Yes gusto ko siya. Ewan ko nga kung bakit. Well, pogi naman talaga siya, HOTTIE, and smart kahit minsan hindi nakikinig.

"Anong akala mo sakin low class?" Sigaw ko dito saka tinalikuran ito.

"Wait Nia, what makes you think that I like you?" Tanong nito bago ako makalakad palayo.

Hinarap ko naman ito. Nakatayo na ito.

"Simply because I always caught you staring at me. Kaya naman feeling ko may gusto ka sakin." Sagot ko.

"Hindi ba pwedeng nadi-disgust lang ako sa pagmumukha mo? Kaya tingin ako ng tingin sayo?" Sabay tawa nito. Okay na sana eh, sarap na sana siyang panuorin tumawa kaso grrrr

Sinipa ko naman yung ano niya

"Bwesit ka talaga." Sabay tinalikuran ko na ang hayop

"Nia!" Tawag niya

"Ano?!" Hinaharap ko naman siya, syempre hindi naman ako paveve eh.

"I don't like you." Sabi nito sabay upo at pinokus na ang mata sa librong binabasa.

"Sayang gusto pa naman kita." bulong ko

"Anong sabi mo?" Tanong nito sabay tingin sa akin.

"May sinabi ba ako?" Sagot ko sabay alis na.

"MAY SINABI KA EH! HOY! SAN KA PUPUNTA?" Sigaw ni Jervon.

Wag mong pansinin Hania! Wag mong pansinin.

*kringgggggggggg - kringgggggggggggg*

"Thank you lord!" Bulong ko.

"Nia!"

"Nia!"

"Oh janna, jenny!" Sabay ngiti ko sa mga kaibigan ko.

"Oh bakit ang lungkof ng ngiti mo?" Tanong ni Jenny.

"Kasalanan niyo 'to eh! Sabi ko kasi hindi ako gusto ni Jervon tsk." Napabusangot naman ako

"Hoy hoy hoy babae wag kang umiyak dito!" Sigaw naman ni Janna.

"Wala namang tao eh kaya okay lang." Sagot ko naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Don't Like You (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon