A Screen Away

461K 11K 2.3K
                                    

Denny's note: Hello guys! Nirerepost ko lang ito, nabasa na siguro ng iba sa inyo ang short story na ito sa website ko (haveyouseenthisgirlstories.com) last last month ko pa ata pinost ito, I hope you'll enjoy this short story. This was an old thought I've written sa isang papel, tapos naglilinis ako isang araw at natagpuan ko muli itong lumang papel na pinagsulatan ko nito. I dunno kung bakit hindi ko siya natype at napost dati, I was probably busy. Ohwell :)

---

A Screen Away 

Written by HaveYouSeenThisGirL

Si Cloud ay ang pinakamamahal kong boyfriend, mag-4yrs na kami in a few months.

Almost perfect na yung relationship namin, mahal na mahal namin ang isa't isa pero may defect sa relationship namin: long distance relationship kami, nasa America siya. Sabi nila hindi daw nagtatagal ang ganitong relasyon dahil daw magkalayo kayo, pinaglalaban ko naman ito at sinasabing yung magkalapit nga at araw-araw magkasama naghihiwalay, ibig sabihin nun wala sa distansya ang batayan ng pagtagal ng isang relasyon. Malapit nga kayo, ilang kilometro naman ang layo ng damdamin nyo para sa isa't isa. Naniniwala akong magkalayo man kami sa distansya ni Cloud ay may isang bagay na malapit samin --- yun ay ang pagmamahalan namin.

Ang corny ko ba? Haay ganito lang talaga ako kasi mahal na mahal ko siya at sobrang miss ko na siya, 1year and a half na rin kaming magkalayo at ang tanging paguusap lang namin ay sa pamamagitan ng videocall sa internet. Nagkikita lang kami sa harap ng screen, one computer screen away lang kami, parang ang lapit pakinggan pero sobrang layo talaga niya. Yun bang kaharap mo lang siya sa computer screen, kita mo yung ngiti niya, rinig mo yung boses niya pero kapag hinawakan mo yung screen, hanggang dun na lang kayo, hindi mo siya mahahawakan, hindi mo mayayakap kasi may harang. Minsang pakiwari ko mas malaking harang ang computer screen kumpara sa isang pader, kasi ang pader pwede mong sirain para makasama mo yung tao sa kabilang banda pero kapag computer screen ang sinira mo, wala kang makikita sa kabilang banda.

Cloud Perez is now online...

"Online na siya!" automatic na tumaas ang magkabilang gilid ng labi ko at kumorte sa isang ngiti nang makita kong online na siya. Siya lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako nago-online ng madalas, kung wala siya boring ang mag-computer. Pangalan niya lang sa contact list ko ang inaabangan kong magkulay "green" o ibig sabihin ay "online".

Cloud Perez is asking for a videocall...

Sinagot ko naman agad ito, nag-loading saglit at pagkatapos ay nakita ko na ang mukhang sauladong saulado ko na mula sa taling sa may baba niya, sa korte ng mga labi niyang manipis, sa ilong niyang medyo pango, sa matataas niyang cheekbones na hilig kong kurutin dati hanggang sa mga mata niyang tuwing pinagmamasdan ko ay pakiwari ko ay nilulunod ako, yung klaseng pagkalunod na hindi ko kelangan ng kahit anong saklolo.

"Baby!!!" nakataas yung dalawang paa ko sa may silya ko habang yakap yakap ko ang mga binti ko ng isang kamay ko at ikinakaway ko naman yung isa.

"I miss you princess!" sabay kiss niya sa webcam, buti pa yung webcam niya nahahalikan. Nakakaselos, nakakainggit, sana webcam na lang ako.

"Miss na din kita, kamusta ka na ba? Kelan ka ba uuwi? Uwi ka na, miss na talaga kita," eto nanaman ako nangungulit sa kanya kahit alam kong hindi naman siya makakauwi pa kasi may financial problems sila ngayon at hindi siya makakabili ng plane ticket at bukod dun busy rin siya sa university, hindi niya pwedeng iwan yun para lang magbakasyon dito, mahal ang binayad nila sa university sa America.

A Screen AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon