Chapter 74 -- I Do

2.6K 30 3
                                    

Gerald’s POV

“ Nervous ? “ si Rayver katabi ko ngayon , siya ang magiging bestman ko

“ Yeah I think! “ sagot ko sa kanya

Ito ako ngayon nasa may pintuan ng Manila Cathedral kong saan gaganapin ang kasal namin ni Sarah. Kaka text lang ng Mommy niya na ilang minutes nalang daw ready to go na sila. Naunang dumating ang mga kapatid niya na kasulukuyang kausap yung ibang kamag-anak nila.

“ Ge .. Ge .. “ si Rayver

“ Yes? “

“ Halatang nenerbyos ka e .. don’t worry darating yon “

“ I know right .. ikaw ata e! “

“ Ako? Why should i? “

“ Nothing! “ sagot ko sa kanya “ Thanks! “ sabi ko sa kanya

“ For what? “

“ Ahm kung hindi ka nagloko dati baka hindi maakin si Sarah “ sagot ko sa kanya

“ Baliw .. siguro plan ng Diyos yun para ma realize niyo sa isa’t-isa na kayo ang magkakatuluyan “ sabi niya sa akin

“ Yeah right! At tsaka salamat din kasi kung walang nangyari baka di ako nagka lakas ng loob na sabihin sa kanya lahat! “

“ Sus drama mo eh .. “ pagbibiro niya sa akin

“ Son! “ tawag ni Mama habang papalapit sa akin

“ Ma! “ sabi ko sa kanya at niyakap ko siya “ Thanks Ma “

“ Your welcome Son! Basta ha yung usapan natin! “

“ Yeah I know , na kung papaiyakin ko si Sarah ikaw ang number 1 kaaway ko “

“ Good .. mabuti at nagkaka intindihan tayo! “

Okay na ako kahit hindi nakadalo ang Daddy ko sa special event ng buhay ko , alam ko namang di maayos ang condition niya e .. Pero kagabi lang naka-usap ko siya thru skype kaya okay na ako. Sabi niya masaya daw siya sa akin , kasi nahanap ko na daw ang babaeng para sa akin.  Gusto niya daw alagaan kong mabuti si Sarah , gusto niyang iba ako sa kanya kasi siya nagkulang siya sa pagmamahal sa Mama ko.

“ Guys , parating na sila , Gerald sige punta kana doon sa may altar “ sabi ng organizer sa akin na alam kong assistant ni Honey

Kaya ayon nagstart na akong pumunta sa may altar kasama ang best man kong si Rayver habang naglalakad ako inakbayan niya ako tas nag sign siyang CHILL LANG .. Nginitian ko nalang siya. Ilang minuto din nag umpisa na nga .. Isa-isang naglakad yung mga kasali sa entourage namin. Pero mas lalo akong natuwa sa flower girl naming si Ashley kasi ang hyper niya masyado. Isa siya sa mga excited sa kasal na ito.

Noong matapos na ang lahat tumunog na yung intro noong kantang kakantahin ni Yeng para sa paglalakad ni Sarah papunta sa altar. Ewan ba namin ni Sarah , ayaw namin yung traditional songs sa kasal naming gusto namin yong parang swak na swak sa panahon ngayon. Dapat sana brides maid si Yeng pero nag request si Sarah na siya ang kakanta sa kasal namin , siyempre bestfriend kaya pumayag na din si Yeng sa gusto ng kaibigan.

When the music ends

When the lights go dim

( 2 stanzas palang lumabas na siya , with her white gown na personal kong pinili para sa kanya .. at nagustuhan naman niya yon , kung maganda siya kahit simple mas lalo siyang gumanda sa make-up niya )

When there's no one else around

I will still be here

(Nang magtama ang mata namin, nag smile siya sa akin ganun din ako sa kanya , Hinding-hindi ako magsasawa na titigan siya kahit sa huling hininga pa naming dalawa )

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon