S.C [2.5]

141K 2.3K 77
                                    

Special Chapter 2- Ellaine's Special Chapter part 2

Ellaine's POV

"1..2"

"Waaaaah!! Maawa ka sakin Zander! Ahuhuhu!!" sigaw ko. Pero tumawa lang siya.

"Ibaba mo ko! Kyaaaah!"

"3!!!!!"

Nahulog na ako. Sa tubig malamang.

Pagkaahon ko ay sinamaan ko siya ng tingin. "Nakakainis ka! Basa na tuloy tong damit k-- ay wait.. Hindi pala to akin.... Paanong napalitan ang damit ko..?" Napatingin ako kay Zander na nakangiti.

"Kyaaaah! Pinalitan mo ko ng damit?!" nakasigaw kong tanong.

Susugurin ko na sana siya nang tinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Hoy! Hindi ako ang nagpalit ng damit mo ah! Si manang kaya! Tsk! Kahit kailan ang green mo talaga..." sabi niya.

"Ahh.. Green pala ha..." Hinawakan ko ang wrists niya sabay hagis sa kanya sa swimming pool. Psh.. Ang gaan!

"Gantihan pala ah.." sabi ni Zander sabay hila sa paa ko dahil malapit lang ako sa swimming pool. At nahulog ulit ako.

Masaya kaming nagtawanan ni Zander. Namiss ko to. Ang sarap palang balikan!

****

"Oy Zan, musta na pala kayo ng girlfriend mo?" tanong ko sa kanya. Andito kami sa kwarto niya at nagpapatuyo. Inabot kami ng tatlong oras kanina sa swimming pool.

Napatigil siya at bumuntong hininga. "Anong..problema?" nagtatakang tanong ko. Hinarap niya ako bigla at hinawakan ang mga balikat ko.

"I'm sorry.. I should've told you sooner...Hindi ko dapat tinago.."

Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. "Told what? At anong tinago mo sakin?"

"Alam mo ba kung bakit iniwan kita noon? Bago ka naging gangster nang dahil sakin?" mahinang tanong niya. Um-oo naman ako.

"Yun ay dahil.. May mahal ka ng iba, right?" sagot ko sa kanya. Tama.. Kaya niya ako iniwan noon ay dahil dun sa fangirl niya. Mas nauna kasing naging gangster si Zander bago ako.

Umiling naman siya na mas ikinagulo ng isip ko. So bakit niya ako iniwanan..?

"She blackmailed me, El.. Sabi niya papatayin ka daw niya pag hindi ko daw ginawa ang gusto niya. I was protecting you back then! You we're just the harmless girl back then.." malungkot na sabi niya.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon