[4]

13K 149 26
                                    

 Hello!

 Join my official Facebook group for updates:

-https://www.facebook.com/groups/SBPUOfficial/

Follow me on Instagram: @kuyasushi36 #kuyasushi

 Enjoy reading!

For those who want to read the full content, kindly send a message to my social media accounts.
Facebook account:
- https://www.facebook.com/mrkbrtll3696
Mark Bertillo
Instagram:
- @mrkbrtll29
    ——-x

Kabanata IV

   " Baby? Anak mo 'to? "

 Nagulat si Suzy sa nasaksihan niya pagpasok pa lamang ng pintuan ng opisina nila. Si Joshen na karga-karga ang anak niya at si Joshua na nakatayo sa gilid nila. Ni minsan, hindi nito naisip na magtatagpo silang apat sa iisang lugar at sa maling panahon. Wala sa plano niya ang pagkakataong ito. Inaasahan niya na dadating ang pagkakataong ito pero hindi sa sobrang agang panahon.  "Eomma ! " pagtawag ng bata sa kanya.

 Bumaba si JB mula sa pagkaka-karga at kinuha ang dalang pagkain ni Suzy para sa kanya. Natulala naman si Suzy at napayuko sa anak. Ngayon, paano niya haharapin ang dalawang lalaking ito. "Hey Suzy! Anak mo siya? " nagtatakang tanong ni Joshen

 Bumalik muli si Suzy sa katinuan niya mula sa malalim nitong pag-iisip at hinarap ang magkapatid. " H-hindi. P-pamangkin ko 'to. "  pagsisinungaling niya. Alam nito sa sarili niya, masyado nang komon ang dahilang 'yon, pero wala na siyang ibang maisip na dahilan kundi 'yon lang.

 "Baby. And if I'm not mistaken, Eomma is the Korean term for Mommy, right?"  tanong naman ni Joshua dahil hindi ito kumbinsido sa sagot nito

 Nabalot ng kalituhan at kaguluhan ang pag-iisip ni Suzy. Hindi nito alam kung paano tutugunan ang magkapatid at tanging naisip lang nito ay ang kapakanan ng anak niya.  "N-namatay na kasi yung A-ate ko. A-ako na tumayong n-nanay niya... " - kahit alam nitong may butas ang alibi niya, wala na siyang ibang nagawa kundi panindigan ang nasimulan nito. Nasa gulo na siya. " JB, 'di ba mag-c-CR ka? Halika na. "

 Hinila na ni Suzy ang anak niya palabas ng pinto pero pinigilan ito ni Joshua at hinawakan ang kamay ni Suzy dahilan para mapigilan ito. " Kami na. Lalaki naman kami. "

 Tinanggal naman ito ni Suzy. " Ako na. I can manage. "

 Pagtataka. Pagkalito. Ganyan ang nararamdaman magkapatid dahil sa inaasal ni Suzy. Kung ano man yung bumabagabag sa kanila, minabuting sarilihin nila iyon. Maraming bagay silang naiisip ngayon ukol sa natunghayan nila at sa naging reaksyon ni Suzy no'ng makita niya ang mga ito na kasama ang bata. May hinala sila tungkol doon pero hindi nila magawang sabihin ito. Gusto muna nila alamin kung tama ba ang kanilang mga hinala at gusto muna nilang kumalap ng mga ebidensya na magpapatunay sa mga hinala nila. Alam nilang mali na husgahan nalang nila basta basta si Suzy pero hindi nila maiwasan. 

 Patuloy lang sa paglalakad sila Suzy at ang anak nito patungo sa banyo. Hindi nila pinansin ang mga taong pinagtitinginan nila. Mabuti nalang walang taong nakatingin sa kanila kaya naipasok ni Suzy ang anak nito. Siniguro muna ni Suzy na walang taong makakakita sa kanila at pumasok sa isang cubicle para kausapin ang anak. " Eomma, are they my Appas? " - tanong ni JB

 Hinawakan naman ni Suzy ang magkabilang balikat ni JB at inilapit ng konte sa kanya. Siguro, dahil sa mga ikinikilos ni Suzy ngayong araw sa harapan mismo nang anak niya, nahahalata na ito.  "Yes. But you need to pretend that you're not my son." 

 " Eomma, but why? "

" Igeos"

 Niyakap nalang ni Suzy ang anak. Kahit gusto na nitong sabihin sa dalawa na anak nila si JB, nanaig pa rin ang takot niya bilang isang ina, na baka itakwil ng magkapatid ang anak. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon, maging ang tamang oras at tamang lugar. Nais ni Suzy maging handa ang lahat at umayon sa plano niya. Gusto niyang maging maayos ang lahat. Ayaw niyang magkaroon ng aberya kung sakaling dumating na angf panahon na kakailanganin na niyang sabihin ang buong katotohanan sa dalawa.

Seducing the Maniacs [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon