Kabanata 10

1.3M 30.8K 9.4K
                                    

WARNING: Mejo SPG... Sorry po. Pasintabi. Hehehe. Hindi naman grabe pero basta SPG parin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 10

Gagawin at Susundin

Paalis kami ni Jacob nang nakita kong si Brandon paakyat sa stage. Naka titig pa sakin. Alam ko kahit malayo akong nakatingin sa kanya, sigurado akong ako ang tinititigan niya.

“Tayo na, Rosie.” Hinila ako ni Jacob palabas doon.

Tinalikuran ko na lang sila. Nakapag paalam na akong di ako pwedeng magtagal kasi uuwi kami sa probinsya. Gulantang si Ms. Bubbles nang nalamang taga probinsya ng Alegria si Jacob. Siguro hindi kapani-paniwala ang mukha niyang taga probinsya... Mukha kasi siyang lumaki sa syudad. Yung tipong mulat sa karangyaan. Well, totoo, mulat sa karangyaan si Jacob. Siya ang patunay na hindi lahat ng nasa probinsya ay dapat mong minamaliit.

Gabi na nang umalis kami sa Imperial Bay. Kumain muna kami at bumili ng baong pagkain bago bumyahe. Sinundo din namin yung isang driver nila para may kapalit yung unang driver pag aantukin.

“Inaantok na ako, Jacob.” Sabay hikab ko.

Napagod ako sa pags-swimming ah?

Kinuha niya ang unan sa tabi niya at nilagay sa lap niya.

“Dito ka na matulog.” Ngumisi siya.

“Ha? Pano ka? Hindi ka makakatulog ng maayos.”

“Makakatulog ako ng maayos pag nararamdaman kita.”

Napatingin tuloy ako sa dalawang driver. Hinila niya ako at hinalikan bigla sa labi.

Tinulak ko siya at tumingin ulit sa mga driver. Uminit ang pisngi ko kahit hindi naman sila nakatingin samin ni Jacob. Pakiramdam ko kasi hindi sila lumilingon samin alam nila ang ginagawa namin dito sa likuran.

“Matulog ka na dito. O baka gusto mo patulugin kita sa pagod?” Ngumisi siya.

“Jacooob!?” Lumingon agad ako sa mga driver.

Umamba siyang aalisin ang t-shirt ko habang tumatawa. Pinigilan ko ang kamay niya at...

“Eto na nga!” Sabi ko at humiga na sa lap niya.

Habang nakahiga ako sa lap niya at tinitingala siya, hinaplos niya ang mga labi ko.

“I love you, Roseanne Buenaventura.”

Ngumisi ako, “I love you, too, Jacob Buenaventura.”

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon