Chapter 4: Cuteness (SAMPLE CHAPTER)

5.8K 98 17
                                    

Chapter 4: Cuteness

written by: Cristina de Leon

"Ivy, pwede bang tigilan mo na ang pagsubo sa akin? Hindi mo ba nakikita? Lahat ay pinapanood tayo?" nahihiyang bulong ni Alexa sa bestfriend niyang si Ivy.

"Ehh? Sa atin ba sila nakatingin? Hayaan mo sila, magsasawa rin ang mga 'yan. Ito na, Alexa, say ahh..." walang pakialam na sabi nito saka nito akmang isusubo sa kanya ang isang kutsara ng kinakain nito.

"Busog naman kasi ako, ikaw dapat ang kumakain. Ang payat-payat mo kaya," pagrereklamo niya habang ngumunguya. Hindi naman kasi niya matanggihan si Ivy dahil sa sobrang cute nito. Sigurado siya na iiyak lang ito kapag hindi niya kinain ang sinubo nitong ulam.

"Alam mo naman na hindi ako pwedeng kumain ng marami. Paano akong mabibigyan ng maraming project sa TV kung magiging mataba na ako kakakain?"

"Ah, gano'n? Kaya okay lang na ako ang masira ang figure? Kaya ako na lang ang kakain ng pagkain na binili mo?" sarcastic na sabi niya na tinawanan lang nito.

"Hindi gano'n 'yon, Alexa. Matalino ka kaya dapat lang na marami kangh kainin. Gagawin mo pa ang assignment ko mamaya 'di ba?" malambing na sabi nito.

"Kaya naman pala ang bait-bait mo. Kakaiba ka talaga, Ivy! Bakit kaya hindi na lang ikaw ang gumawa ng assignment mo? Tamad ka talaga mag-aral. Kapag ganyan ka palagi, abangan mo nang sa susunod na test may lalagain ka na namang itlog," panenermon na naman niya kay Ivy. Iyon yata talaga ang role niya sa buhay ni Ivy. Ang sermunan ito at pagsabihan dahil siya lang ang tanging nakakagawa no'n dito. Well, sa hindi niya maintindihang dahilan ay mukhang halos lahat ng estudyante sa school ay takot kay Ivy. Takot sa cuteness nito!

Dahil sa sobrang adorable ni Ivy ay maraming may gusto rito. Lahat nga yata halos ng mga nakakakita rito ay sinasabing mukhang manika si Ivy dahil sa sobrang cute nito. At dahil gusto ito ng lahat, takot din ang lahat na umiyak ito o magalit. Protective rito ang halos lahat ng tao na nakikilala nila.

"Hindi ako babagsak kasi alam ko namang hindi mo ako matitiis 'di ba? Saka gusto kitang makasama sa pag-re-review. Ayaw mo ba? Hindi mo ba ako tuturuan?" Saka ito nag-anyong malungkot at nagpuppy eyes pa.

At dahil sa cuteness na nakita niya sa kanyang harapan ay para bang nasisilaw siya.

Wahhh! Bakit ba kasi ito pinanganak na cute? Talagang walang taong kayang tumanggi rito kahit pa siguro pusong bato na.

"Hindi naman sa gano'n. Syempre tutulungan kita, magkaibigan ta—" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil bigla na lang siya nitong sinugod ng yakap kaya muntikan pa silang matumba pareho.

"Kaya mahal na mahal kita, Alexa, e! Ikaw talaga ang prinsepe ko!" sabi nito na kinikiskis pa ang mukha nito sa mukha niya.

Ano raw? Prinsepe raw siya nito? Kailan pa siya nagmukhang lalaki?

Alam niya na hindi siya cute at kasing feminine nito pero ang masabihang prinsepe sa halip na prinsesa ay isang malaking insulto.

Kung hindi ka lang talaga cute, Ivy ay binatukan na kita! sigaw ng isip niya.

Pero as usual, defenseless na naman siya sa charm na taglay nito.

Innocent Love (Published Under Dreame App)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin