Chapter 4

5.1K 163 133
                                    


Chapter 4


"Alam mo kung anong kulang sayo?"

"Ano?"

"Kulang ka ng ako!"

"ANO?!"

"Joke lang. Kulang ka ng pagpapakatotoo sa nararamdaman mo."

"Gags. Ewan ko sayo. Basta ang alam ko ayoko nang bumalik sa impyerno."

"Ewan ko rin sayo. Bakit ba kasi ang hilig mong pigilan yang sarili mong sumaya, ha?"


Si Nate. Kinwento ko sa kanya yung mga nangyari nung gabi ng party nila Iya at Vince. At eto, parang gags. Pinipilit niya ako kay Nathan. Pinipigilan ko ang sarili kong maging masaya? Nahihibang na ba siya? Alam naman niya yung mga pangyayari sa amin dati ni Nathan ah. At alam niyang hindi yun masaya. Takte. Sinong matinong tao ang magsasabi na masaya ang mga pangyayaring yun?


"Masaya ako, diba? Nakita mo ako nung nasa Australia ako! Masaya ako. Masaya ako sa mga ginagawa ko."

"Pero kulang ka."

"Pero masaya."

"Pero kulang."

"Alam mo bwisit ka talaga sa buhay ko e 'no? Bakit nga ba ako nagpapasama sayo?"


Nagkibit balikat lang siya sabay buga sa usok ng yosi niya. Andito kami ngayon sa labas ng coffee shop. Nagpasama ako sa kanya sa pagbabantay. Nag-leave ako pero ayaw ko namang pumirme lang sa bahay kaya dito nalang ako. Siya naman, pagbabanda lang naman trip nito sa buhay niya. Kaya tambay siya sa umaga, tapos rakista na sa gabi.


"'Kailangan kita. Payagan mo naman akong maging parte ulit ng buhay mo oh.' Isipin mo 'yun? Sinabi niya lang yan hindi ka na mapakali. Simula nung sinabi niya yan hindi ka na matahimik. Anong tawag mo dun? Pagmamahal yun, diba? Ibig-sabihin, meron pang pagmamahal, diba?"


Sabay buga niya ng usok sa pagmumukha ko. Bwisit talaga 'tong lalaki ito e. Hindi man lang gentleman! Ewan ko ba kung bakit kami naging magkaibigan. Siya lang yata ang kaisa-isang hindi nag-spoil sakin. E ang malas ko kasi siya lang din naman nakasama ko sa Australia. Kaya ayun, naging independent na talaga ako. Ganyan ba naman kabwisit ang kasama ko e.


"Alam mo kasi, you make choices and you don't look back. Pinili niya si Angelique, diba? Edi dun na siya! Wala akong pakialam. Sabi nga sa paborito kong pelikula, 'Hindi ko kailangan ng tulong mo. Nakaya ko nang wala ka tatlong taon na!' O diba? Paano pa kaya sakin e limang taon na."

"Weh? E diba nung unang taon mo sa Australia patay na patay ka pa rin dun? Pero bahala ka sa buhay mo kung yan ang paniniwala mo. Ang sakin lang, lambutan mo naman yang puso mo at baka ikaw lang din ang mawasak sa huli."


Sabay patay sa yosi niya at iniwan niya lang sa ashtray. Ako pa talaga paglilinisin e 'no? Umalis na siya dahil ang hassle ko raw kausap saka magpapractice pa sila para sa gig mamaya.


"Flowers po!"


May nagpadala na naman ng daisy. Nakalagay sa paso 'yung ngayon. Just how I always like it. Ayaw ko kasi talaga yung naka-bouquet. Namamatay kasi agad kapag ganun e. Samantalang kapag ganito, naaalagaan ko pa. Pero minsan, bouquet 'yung pinapadala. Madalas, nasa paso. Yung iba tuloy dito ko nalang nilagay sa shop. Yung iba naman nasa kwarto ko saka nasa garden.


***


"Acey!" Huh?! Anong ginagawa niya dito sa tapat ng bahay ko? Ang lapad pa ng ngiti niya paglingon ko sa kanya. Anong problema nito?!

"Pupunta ka sa gig nila Nate diba? Tara sumabay ka na sakin."

"Marunong akong pumunta dun mag-isa, Nathan."

"Ah, shit!" Sigaw niya sabay ngiting parang aso. Nakakunot ang noo ko sa kanya sabay irap sa kanya.

"Grabe nung binanggit mo yung pangalan ko. Music to my ears." Inirapan ko lang siya sabay unlock ko sa kotse.

"Uy! Sakin ka na sumabay."

"Kaya ko sarili ko, okay?"

"Ganun ba. Ako kasi hindi ko kaya e kaya sayo nalang ako sasabay. Tara!" Sabay pasok niya sa kotse ko at umupo siya sa front seat. Naghahalong inis at pagkalabog ng puso ko sa di ko malamang dahilan ang nararamdaman ko. Pero ang sigurado ko talaga, nanggigigil ako. Sobrang nanggigigil. Pumasok nalang ako sa kotse at nakatingin siya sakin na sobrang lapad ng ngiti.

"Mag-drive ka na, Acey. Ganda ng kotse mo ah. Yung kotse ko rin siguro mas maganda pa dito kapag dun ka sasakay. Try mo minsan ha. O kaya try mo lagi."


Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho at hindi ko siya pinapansin kahit sobrang daldal niya. Kung anu-anong pinagsasabi niya na para bang walang nangyari. Na para bang okay na okay talaga siya. Ewan ko ang labo.

Biglang tumunog ang phone niya at parang nagtagis ang bagang niya nung nakita niya kung sinong tumatawag. Sinagot niya ito at mahina siyang nagsasalita kaya hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya. Pero, pakelam ko naman sa pag-uusap nila, diba?

Nakarating na kami sa Bistro kung saan tutugtog ang Elesi. Nagmadaling bumaba si Nathan sa kotse at umalis nang walang paalam. Magkahiwalay kaming nanonood ng gig at may kumukurot sa puso ko at bumubulong na bakit kami magkahiwalay? Magkasama kaming pumunta dito kaya dapat magkasama din kaming ineenjoy ang music. Pinaglandas ko ang mata ko sa paligid at hinanap ko siya pero hindi ko siya makita. Teka, bakit ko ba siya hinahanap? Pakelam ko ba sa kanya.

Mahaba ang gabi. Marami pang tumugtog na indie bands at nang napansin kong kailangan ko nang umuwi ay lumabas na ako at pumunta sa kotse. 

Bago pa ako pumasok sa loob ng kotse at tumambad sa harap ko si Nathan at nasa likod niya ang isang pamilyar na babae. Tangna, nagtagis yung bagang ko. Para akong nakakita ng multo.


"Acey, pwede mo ba kaming isabay para kukunin ko yung kotse ko sa inyo?"

"S-sige." Ace?! Wala akong nagawa. Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi ang pumayag. Ini-unlock ko ang kotse. Si Nathan sa front seat, si Angelique sa back seat. 

At unti-unting nag-sink in sa akin ang mga nangyayari. Pucha, bakit ba ako pumayag? Kaya ba nagpakita sa akin si Nathan ngayong gabi para lang malaman kong sila pa pala? 

E ano yung sinabi niya sa akin nung nakaraan sa parking lot? Takte, dami kong tanong sa isip ko! Bakit di nalang sila mag-taxi papuntang bahay para kunin yung kotse ni Nathan? Kailangan talaga sasabay sa akin? E bakit nga kasi ako pumayag? Bwisit! Buong oras na nagmamaneho ako ay nakakunot ang noo ko. Naiinis ako. Bwisit na Nathan! Ano bang pinapatunayan niya?!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss the J.E.R.K.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon