Chapter 3 - You don't know me

51 2 0
                                    

Destany's Pov

"Aleees!", that's the last thing I heard before everything went black.

Jersey's Pov

"Jers! Halika naa~. Si Des daw!", sabi ni Allie na natataranta sa akin.

Tumayo agad ako sa upuan ko.

"ANO? Ano ang nangyari!", tanong ko sa kanya na may pag aalala.

"Natamaan daw ng bola sabi nina Van! Asa clinic sila ngayon!", sabi ni Allie at dali daling tumakbo palabas. Kahit nasa library ako, emergency ito eh, sumigaw ako.

"Cacia, Yesha! Sa clinic, now! Si Destany!", sigaw ko at tumayo na din sila. Sabay sabay kaming tumakbo papunta sa clinic. Nag aalala para kay Destany. Hindi ganoon kalakas ang katawan ni Destany. Sa aming lima siya talaga ang may mahinang katawan. Hindi kasi mahilig sa outdoor games yan eh.

Pagkadating namin sa clinic nadatnan namin na ina - awat nina Matt si Van. Kaharap niya ang football players ng Middleton.

"Nasan si Destany?", agad naming tanong. Tiningnan nila kami at tinuro ang kabilang kwarto.

"Bawal pa daw pumasok sabi ng nurse.", sabi naman ni Allie na kalalabas lang ng kwarto.

"Okay lang ba siya?", tanong ni Cacia.

Talagang nag aalala kaming apat para kay Destany.  Syempre kaibigan nga eh!

Yumuko si Allie. Kinabahan ako, hindi ugaling mag sinungaling ni Allie sa mga ganitong bagay.

Nakita kung yumuyugyog ang balikat niya, akala ko nga tumatawa pero nung itinaas ko ang ulo niya may mga luha sa mata niya.

"Naaawa talaga ako sa kanya Jers!", humikbi si Allie sa balikat ko.

Destany Ales Montgomery might plaster a smile on her face, But behind those smiles is a tearing heart. Behind her laughs is girl who's tearing apart. She had a very rough past. I know that everyone has a dark secret under there sleeves. But Destany's is darker, uglier.

Niyakap siya nina Cacia. Pinisil ko ang gilid ng mga mata ko. Ayaw ko talagang umiyak dahil mamaga ang mata ko at pangit mamaga mata ko.

Hinarap ko ang mga football players.

"Kayo ang dahilan?", tanong ko sa kanila at tumango silang lahat.

Without doubts, without second thoughts. I stepped forward and punched the middle guy. Sinapak ko din ang mga nasa gilid niya.

"Mga walang hiya kayo! Walang awa! Hindi niyo ba tinitingnan ang bola huh? Mga walang kwenta! Irereport ko ito kay Mr. & Mrs. Artiego! Sisiguraduhin kong hindi na kayo makalalaro pa!", sabi ko habang pinagsasapak sila ng paulit - ulit. Hinatak ako ni JT at Alex palayo sa kanila at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Bitiwan niyo nga ako! Papatayin ko yang tatlong hayop na iyan!", sigaw ko sa kanila.

Talagang hindi ko palalampasin ang ka walang hiyaan ng mga hinayupak na yan! Kami nga inaalagaan namin si Des. Hindi namin pinapaiyak, di namin sinasaktan tapos ito lang gagawin nila?! Aba naman! Pustisong panget! Kayang kaya ko yang mapatumba eh! Minamahal nga namin ng tama, sasaktan din nila ng tama.

"Jersey! Kung paiiralin mo ang emosyon ngyaon pareho kayong mapa o-office kaya kung ako sayo kumalma ka pwede?", sabi sakin ni Van. Tiningnan ko siya ng masama. Pero alam kong may point siya, galit lang talaga ako ng sobra ngayon.

Kinalas ko ang hawak nila sa kamay ko at tinaas ang index finger ko."Hayaan niyo lang ako. Hindi ko sila sasaktan."

Nilapitan ko ang leader nila."Ito ang tatandaan niyo. Sisiguraduhin kong hindi na kayo makakapaglaro pa. Sisiguraduhin kong pagsisihan niyo ang ginawa niyo."

The Way She's NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon